Part 19: Jeremy and the Unbeliever

733 37 2
                                    

Heaven Scent Christian Love Story

"JEREMY and The Unbeliever"

Philippines Copyright 2015 for NIMFA BECK

This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.

No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.

==================================

"Hello?"

Napapikit si Althea nang marinig ang boses ni Jeremy sa kabilang linya. It had been more than a month since she last talked to him over the phone bago pa sagutin ni Lorry ang tawag niya at sabihan siyang magpalit ng number. It was a little disappointing na hindi man lang siya nito pinahanap, because if he did, sana ay natagpuan siya nito dahil hindi naman siya nagtatago. Rich men had ways and means to find people.

Pero ano ba naman ang aasahan niya? She was just one of the passers by in his life. He got smitten and forgot her easily. Wala naman silang malalim na foundation. Tingin niya pa nga ay siya lang ang nagmahal talaga dito kahit pa inalok siya nito ng kasal. Kaya nga hindi siya nakatanggi. Ito ay naghahabol lang siguro. He was already thirty three. At kung ano pa man ang rason kung bakit siya ang pinili nitong pakasalan ay hindi niya na gustong isipin. It might hurt her more.

Tinantiya niya muna kung paano ito kakausapin. Naghintay siya ng ilang araw mula nang lumabas ng ospital at sinigurong kahit papaano ay malakas na siya at hindi nito mahahalatang may sakit siya. She would tell him everything in time kapag nagkita na sila. Of course magkikita ulit sila. Hindi para magsama kung hindi para ibigay dito ang baby nila.

Jeremy could divorce her pero papakiusapan niya itong maghintay hanggang sa makapanganak siya. Or maybe until she died so that the baby would be legitimate. Siguro naman ay papayag ito.

"Jeh? Si Althea ito..."

A long silence followed. Akala niya nga ay nagbaba na ito ng telepono. "Napatawag ka?" his tone was monotonous. Walang emosyon, walang dynamics, walang buhay at matigas ang boses. Galit ito sa kanya. Siguro ay nakagawa na rin ng kuwento ang Mama nito para kalimutan na siya ng tuluyan sa haba ng panahon na hindi sila nag-usap.

Ngayon ay hindi niya tuloy alam kung paano magsisimula. "Uhm, kumusta ka na?"

"I'm fine," buo ang tinig na sagot nito.

Namasa ang mga mata niya at pinigil niyang umiyak dahil ayaw niyang marinig nito. "C-can we talk?"

"No," he said. "Hindi puwedeng mawawala ka ng parang bula at bigla na lang ulit susulpot sa paraang gusto mo. Kung kalokohan lang ang ipakikipag-usap mo sa akin o magsisinungaling ka para bigyan ng rason ang sarili mo sa ginawa mo, then forget about talking to me. We should be as good as done, right?"

Tumulo na ang luha niya. "R-right," sagot niya dito.

"I have just one news for you. Kung gusto mo ng divorce ay hindi ko iyon ibibigay. If you have any other one, magdusa kayo sa kasalanan. God wants me to marry only one woman. Hindi ko siya pinakinggan, hindi ko din pinakinggan si Mama, that's why I married you. Sarili ko lang ang pinakinggan ko. Now I have to face the reality that I married the wrong woman and you and I will not be able to marry anyone else unless one of us died. I hope na hindi ako iyon. I think I deserve another chance in this life with someone else when you're gone in hell."

Kumibot ang bibig niya. His words struck her heart, it was real. Kung alam lang nito na mamamatay na naman talaga siya. But she didn't didn't be able to speak for awhile at hinihintay niya na nga lang na ibaba nito ang phone dahil hindi naman niya gustong maging bastos dito. But he kept listening on the other line. Wala siyang ginawa kung hindi magpahid ng luha at suminghot. For sure he already knew now that she was crying.

JEREMY & D' Unbeliever (COMPLETED): A Christian Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon