Zombie's P.O.V
Nakatanaw lang ako sa buong paligid, hindi ko alam ang dalihan ba't ako nandito, hindi ko rin alam kung sino ako, pero isa lang ang alam ko dati akong tao, pero di malinaw sakin kung bakit multi akong nabuhay.
Na-aagnas at syempre kumakain ng tao.
Pero ibahin niyo ako hindi ako kumakain ng hilaw at nakakadiri na tao hindi na huhugasan, hindi na luluto at syempre yung mga may sakit o di healthy like.
Ew!
I only choose high quality and good class.
Ayoko kaya mag kasakit lalo na diarrhea, hepatitis at syempre ayokong mamatay sa food poisoning ng dahil lang sa pagkain ng unhealthy at hindi maganda ang pagka-prepared. Bilang zombie mahalaga pa rin ang kalusugan at buhay.
Tingnan mo sila, kakain walang manners. Di ba pocket pa ubos na ang mga tao sa buong siyudad eh, pati corpse pinapatos pa nila.
Yuck! Does double dead.
Napabuntong hininga na lang ako sa nakikita ko sobrang nakakadiri kinakamay pa nila sabay isusubo sa mga bibig nilang naglalaway.
Napalingon agad sa'kin yung isang zombie sabay dakot nang laman doon sa bangkay. "Gusto mo?" alok niya sakin.
Napangiwi na lang ako sabay ngiti sa kaniya.
"No, thanks."Medyo na curious ata siya na tumanggi ako pero isinubo naman niya yung laman sabay nguya at lunok nito. "Sige, okay." sabi niya sa'kin at bumalik na ang atensyon niya sa patay.
Hayts! ayoko nang panoorin ang mga to lalakad na nga lang ako at hahanap ng coffee shop.
Doon sigurado ko nagwawala sa isip ko itong nakikita ko.Nagsimula na akong maglakad, sakto naman nakakita agad ako ng coffee shop at pumasok na sa loob. Agad akong lumapit sa counter at doon na um-upo. Ilang sandali lang napansin ko yung mga zombie sa labas na di magkada-uggaga sa pagtakbo.
Saan kaya pupunta mga yon?
Tanong ko sa isip ko."May tao daw ngayon ang nalilibot sa lugar na to, may hawak na palakol, pumapatay daw ng zombie ng walang takot."
Napalingon ako doon sa nagsalita isa itong matabang zombie na nililinis yung mug dito sa may counter.
"Tao, di ba wala nang natira sa kanila sa lugar na to?" tanong ko sa kaniya.
"Umh! Baka hindi pa sila ubos, baka nagtatago lang sila sa kung saan. Pero matutuwa ako pag na huli yang tao na yan paghati-hatian ng lahat yung katawan niya. Matagal na rin akong di na kakakain ng karne ng tao. Saka para matahimik na rin itong lugar na to." tumango na lang ako sa sinabi niya at napalingon ulit sa labas.
"Anong order mo?" tanong niya sa'kin.
"Black coffee na lang saka mocha cake." sabi ko sa kaniya.
"Sige, mag-antay ka lang, saglit." tugon niya sa'kin.
Ilang minuto lang nasa harap ko na ang order ko.
Kakain na sana ako ng biglang may kumalampag ng pinto na agad pumukaw ng atensyon naming mga Zombie sa loob.
"Tulungan niyo ako! Ang anak ko... Kasama siya ng tao... Parang awa niyo na iligtas niyo ang anak ko." Hagulgol na iyak ng babaeng zombie na lulan ng pinto.
Nag bulong-bulungan ang lahat ng patay dito sa loob, yung iba takot, ang iba naman ay galit na baka anong gawin ng taong iyon.
Napatayo ako sa kina-uupuan ko at lumapit sa babae. "Saan po ba ngayon ang anak niyo?" tanong ko sa kaniya.
"Naiwan ko siya sa swing doon sa park, dahil sa takot nang hinabol ako ng tao habang winawasiwas yung palakol na hawak niya." sabi ng babae habang humihikbi. "Ayoko ng lumaban sa mga tao ngayon, dahil mas gusto ko na tahimik na ang buhay ko ngayon." dagdag niya pa.
Hindi ko tuloy mapigilang ma-awa sa kaniya.
Hinawakan ko siya sa magkabila niyang kamay, dahilan para tumingin siya sa'kin. "Wag po kayong mag-alala. Ako po ang bahala, ililigtas ko ang anak niyo." sabay ngiti ko sa kaniya.
Laking gulat ko ng mas lalong lumakas yung hagulgol niya at hinigpitan ang yakap sakin. "Salamat! Salamat!" tugon niya at agad ding bumitaw sa'kin at pinunasan ang luha niya.
Mayamaya kinalabit naman ako ng matabang zombie. "Hindi ba delikado yang iniisip mo?" May alinlangan na tanong niya.
"Eh, na a-awa ako, syempre nanay siya mahal na mahal niya ang anak niya. Ayoko na magkahiwalay sila o mamatay yung anak niya. Saka di ba sabi niya nakakatakot yung tao? Bakit di natin pagtulungan? Di ba gusto mo ng matahimik ang lugar na to?"
Bigla siyang napa-isip sa sinabi ko napangiti siya at saka tumango.
Buti na lang na i-intindihan niya.
"Sige, alis na ako." sabi ko sa kaniya at tumalikod na.
Iha-hakbang ko na sana yung paa ko ng marinig ko yung boses ng matabang zombie.
"Sasama ako."Napalingon pa ako sa kaniya sabay ngiti.
"Talaga! Tara na." masayang bulalas ko.Mayamaya nagsalita na rin yung ibang zombie.
"Sasama din ako. Ayoko na ng lagi na lang tayo sinasaktan ng mga tao kahit na nananahimik na ang iba sa'tin."
"Oo nga!" sagot ng iba.
"Tama"
Agad na rin silang tumayo sa kina-uupuan nila.
Hindi ko tuloy mapigilan ang saya na nararamdaman ko.
Handa silang tumulong di lang para iligtas yung bata pati na rin para mawala na yung tao na yon.
"Salamat mga kaibigan." tugon ko sa kanila.
Nakita ko yung pagtango nila saka ngiti.
"Tara na mga kasama iligtas na natin yung bata." sigaw ko ulit.
"Para din sa a'ting karapatan!" sigaw din ng matabang Zombie.
"Tama!!!!" sigaw ng lahat.
Lumabas na kami ng shop at nagsimula nang maglakad.
"Makibaka! Maka-zombie!!!" sigaw ng lahat.
BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Novela JuvenilKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...