Chapter 4

82 7 0
                                        

Penelope's P.O.V

*ARRRGGGHHH!!!!!!!!

ungol ng mga papalapit sa'kin na zombies.

Hindi ba sila titigil.

Pwede naman mag break muna? You know kahit retouch lang kasi ever since na sumabak ako sa ganitong gulo ang haggard at dugyot kaya akong tignan.

Walang anu-ano ay isa-isa siyang tumakbo sa'kin at pasalubong naman ako sa kanila.
Iwinasiwas ko yung axe na hawak ko hanggang sa magkahiwalay-hiwalay yung mga bahagi ng katawan nila.
Nagkalat na rin yung dugo sa lupa dahil sa pagbagsak ng mga wala ng buhay na patay.

"Shit!" sambit ko na lang sa sarili ko na mas lalo silang dumami.

Uwing-uwi na ako gusto ko ng matapos to.

Mayamaya may biglang tumulak sa'kin dahilan para matumba ako at mabitawan ko ang axe na hawak ko di naman malayo sa akin kaya akma ko itong aabutin pero nasipa na ito ng mga zombie papalayo.

Bwisit na buhay to, oh.
Iritang sigaw ko sa isip ko.

Agad akong tumayo at dahil desperada na akong makuha yung axe ko na sinipa nila ay hinawakan ko yung handle ng bag ko at ito ang ipanglalaban ko sa kanila para nagkaroon ako ng way.

"Sorry baby, but Mommy need to be alive..." tugon ko sa bag ko na sabay kung inihampas sa ulo ng zombie na lumapit sa'kin.

Ang mahal pa naman ng bag na to from Paris, France at limited edition pa mababahiran lang ng dugo ng mga hinayupak na to.

Inihampas ko na yung bag ko sa mga zombies na nasa way ko ng makita ko na yung axe ko agad ko itong pinulot papatayo na ako nang nakarinig ako ng ungol mula sa likuran ko.

Penelope you're such an idiot di ka naging alerto at alam mong ma-di-deads ka na ngayon.

Pumikit na ako at nag-aantay sa zombie na yon pero wala akong naramdaman ni kalmot.

Agad akong napatayo at inayos na yung sarili ko ngayon nakatingin ako doon sa dalawang zombie na nakasalampak sa lupa.

"RWWWRRRRRAARRRWWW!!!" Pasigaw na ungol ng isa at nag pupumiglas sa zombie na nakadagan sa kaniya.

"ARGGHH! URGH!" ungol din ng zombie na nakadagan sa kaniya.

Okay, what is happening here?

Napataas na lang ako ng kilay.
Kasi di ko maintindihan ang nangyayari ngayon.

Mayamaya napalingon sa'kin yung zombie na nakadagan pa rin doon sa isa. Magulo ang maitim niyang buhok, namumulta ang balat niya, nakaluwa na yung right eye niya, at tapyas na ang balat niya sa cheeks para makita ang laman, gums, at ngipin niya.

Agad itong ngumiti sa'kin, sabay thumbs-up at ibinalik ang tingin sa zombie na kanina niya pa pinipigilan.

Naiwan ngayong akong nakanganga.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Naku! Epekto na ata to nang gutom ko at nag-ha- hallucinate na ako ng ganito.

******************************

Zombie's P.O.V

Bwisit! Dahil lang sa babaeng to pagtataksilan ko mga ka-uri ko.

Well okay lang, sanay na rin naman akong mag-isa. At ang the best pa doon akin siya.

Amoy pa lang niya nakakagutom talaga.

Bigla ko tuloy na sampal ang sarili ko.

Kailangan na magtiwala siya sa'kin.

"Ano bang problema mo?"sigaw sa'kin nitong zombie na mataba. "Akala ko ba tatapusin natin siya? Pagtataksilan mo kami?" Galit na turan niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi ah, Hindi ko kayo pagtataksilan." depensa ko sa kaniya, pero parang walang epekto sa kaniya.

"Sinungaling! Akala namin kakampi ka namin." sigaw ng isa, dahilan para magsimula ang bulong-bulungan nilang lahat.

"Guys, pero..." di ko na natapos yung sasabihin ko nang nakapiglas sa'kin itong matabang zombie at agad tumayo.
Tumayo na rin ako, at humarap sa mga kasama kong zombie, nilingon ko yung tao na tila wala pa ring clue sa mga nangyayari ngayon.

"Guys! Di natin siya pwedeng kainin. Ang mas mainam itaboy na natin siya.... Tignan niyo ang katawan niya." sabay turo ko doon sa tao na ngayon ay naka cross arms na. "May nakahahawa siyang sakit, na-nabaka magdulot sa atin ng sakit o ang mas malala ay kamatayan." dagdag ko ulit sa kanila.

Napa- gasp ang lahat ng zombie sa gulat, at nagsimula na naman yung pagbubulong-bulong nila.

Ayos! gumagana tong plano ko.

Agad akong lumapit sa tao na nakangiti, pero tinarayan niya ako.

Sana hindi ako mamatay dito.

"Wag kang mag-alala, akong bahala sayo." pabulong kong sabi, ngunit sapat na para marinig niya ito.

Nginitian ko ulit siya, pero mukhang hindi siya natuwa don, na natili lang siyang tahimik at ngayon yung mga mata niya ay nag-aapoy sa galit.

Teka...

Language barrier!!!

"Uggggreeeehhhhhh!!!!!" sigaw ko sa harap nitong tao, sabay takip ko ng bibig ko gamit ang mga kamay ko para matahimik na ako.

Dahil sa ginawa ko mas naging dark yung aura na bumabalot sa kaniya.

Shit! nakakatakot...

Huminga pa siya ng malalim at tinitigan ako ng diretso sa mga mata.

Fudge! para niya akong lalamunin papunta sa dilim.

"Sinisigawan mo ako! Alam mo bang kanina ko pa kayo in-obserbahan at hindi ko kayo ma- gets kung ano na nangyayari sa inyo! Gosh! Nababaliw na ako!" sigaw niya sabay sabunot sa sobrang inis.

"Sorry na!" tugon ko sa kaniya, lalapit sana ako sa kaniya ng umiwas siya.

"Don't dare to touch me! you dirty dead body." sigaw niya.

Ouch!
Sakit non ah!

Tinawag niya akong dirty dead body.

Grabe siya!

Patay lang ako, hindi ako dirty.

Napatulala naman yung mga zombie sa aming dalawa.

"Tama na to... Alam kung pinaglololoko mo lang kami.... Mga kasama hulihin sila.... RWWWAARRR!!!!!" sigaw ng matabang zombie, para matigil kami sa away ng taong to.

Pinalibutan nila kaming dalawa.

"Alam mo kasalanan mo to, eh.... Kung di dahil sayo patay na yang mga yan." sigaw nitong tao sabay hampas ng palakol sa zombie na lumapit sa kaniya.

"Ako pa talaga ang may kasalanan? Eh, kung di dahil sa'kin, ngayon pinagpi-piyestahan na yang katawan mo." pabalang kung sagot, dahil di niya maintindihan yung sinabi ko binigyan niya lang ako ng What are you saying look.

Hayst! Tama na to... What's the point na mag talo kami? eh, hindi rin naman kami magkakaintindihan. Mas mahalaga na makaalis na kami dito.

Agad akong lumapit dito sa babae at agad siyang binuhat.

"Hoy! Bitawan mo nga ako..." sigaw niya sa'kin habang nagpupumiglas.

Hindi ko na siya pinakinggan at kinuha yung palakol niya sabay takbo papalayo sa mga zombie na ngayob hinahabol na kami.

"Hoy! Ano ba ibaba mo ako.... Uy!" sigaw niya ulit.

"Manahimik ka! Kung ayaw mong abutan tayo ng mga yon." tugon ko sa kaniya.

Siguro na gets niya ako, dahil tumahimik na siya.

Hayst! Buti na lang.

My Zombie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon