Penelope's P.O.V
Sa wakas nagising na rin si Mommy buti na lang talaga.
"Mommy, okay ka na po ba?" tanong ko kay Mommy sinisigurado ko lang
"Yes sweetie." Nakangiti pa siya at agad lumingon kay L.
"L, tama ba?" tanong ni Mommy kay L with a serious face.
Tumango naman si L at ngumiti.
"So your a zombie?"tanong ulit ni Mommy at tumango na naman si L bilang sagot.
"Paano mo nakilala si Penelope?" tanong ulit ni Mommy.Nagsulat naman si L sa board na hawak niya at pinakita ito kay Mommy.
(Iniligtas ko po siya sa mga kauri ko na kakainin siya Ma'am.)Mukhang nagiging close sila ng Mommy ko ah.
"May kasama kayong mga bata?" Tanong ni Mommy kay L.
Tumango naman si L. Nagsulat siya sa board niya at ipinakita ito kay Mommy. (Inaalagaan po namin silang dalawa ni Penelope. I also manage po yung pagkain nila para di po sila magkasakit, maging healthy po sila sa mga gantong sakuna)
(I also manage the cleanliness and the protection po ng mga bata lalong lalo na po ng anak niyo.) pakita ulit ni L sa board niya.
Tumango tango naman si Mommy at ngumiti.
Hindi maganda feeling ko dito...
1....
2....
3.....
"Oh my god! I knew it... I feel it ikaw yung new boyfriend ng anak ko. Naku! sobrang saya nito." Masayang sabi ni Mommy at pumapalakpak pa nag co-congrats samin ni L.
Napakamot si L sa ulo niya habang ako na pa face palm na lang.
Si Daddy naman mas lalong sumimangot ang mukha.
I know this is to happen.
"Mommy seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Tanong ko kay Mommy na may irritate tone.
"Why not, sweetheart. He's so nice, inaalagaan niya kayo ng maayos, sinisigurado ang health and safety niyo, magalang, so boyfriend material... Umh... handsome naman siya eh kahit zombie siya." point out ni Mommy sakin.
Mag sasalita sana ako pero di ko na nagawa dahil nagsalita ulit si Mommy.
"Penelope, listen kung siya ang boyfriend mo magiging sikat ka di lang diyan sa lugar niyo pati na rin sa buong mundo, mailalagay yang pretty face mo sa dyaryo, magazines, even t.v guesting. Imagine this "A Different Love" Zombie and Human girl love story." sabi ni Mommy sakin na mukhang na gamit niya ang pagka-writter niya.
Well my point si Mommy I can be famous kung sakaling kami nga ni L.
"Okay, Mommy I go for it." tugon ko kay Mommy. At humarap naman ako kay L.
"Okay, L. Tayo na."tugon ko kay L na naguguluhan pa rin. "I said boyfriend na kita." sabi ko ulit di ko na inaantay yung sagot niya basta kami na period.
Nagulat na lang kami ng biglang hinampas ni Daddy yung table.
"This is ridiculous! I can't accept this... Penelope, if I were you I will choose to join to those humans to survive instead of living with that zombie." galit na tugon ni Daddy.
Di ko tuloy mapigilang mainis.
Si L, ang nagligtas sakin, si L na sobrang bait sakin."Dad, I'm not you. L, help me to survive to this... and his better to those humans that you proud of they're stupid, selfish person that wants to survive. They already want to kill me by choosing L." galit ko sa sagot kay Daddy.
Napabuntong hininga naman si Daddy
"Okay, Penelope, I understand sorry." tugon ni Daddy."Sorry Daddy."tugon ko rin sa kaniya.
Ngumiti naman si Daddy. Okay bati na kami.
Tumingin naman si Daddy kay L."If you hurt my one and only daughter, you will see what I will did to you." banta ni Daddy kay L.
Tumango tango naman si L kay Dad bilang sagot.
Lumipas pa yung ilang minutong nagkukwentuhan namin ng nag paalam na sila Daddy at Mommy sakin.
Hayts! Nakakamiss talaga sila.
Humarap na ako kay L buti na lang naka recover na siya sa gulo kanina.
"Sorry kung nadamay ka pa sa gulo."tugon ko sa kaniya.
Napakamot naman siya sa batok niya at ngumiti lang sakin.
Aalis na sana si L ng tawagin ko siya ulit.
"L, yung kanina wag mong seryosohin yun, si Mommy kasi." tugon ko sa kaniya di ko natapos sasabihin ko ng ipakita niya yung board niya sakin.
(Okay lang, alam ko naman eh... Sige matulog ka na sasamahan ko lang sina Clyde at Kyle.) At ngumiti na siya.
"Sige bye."tugon ko sa kaniya agad ko ng sinara yung pintuan ng kwarto ko.
Lumakad ako papalapit sa kama at ibinagsak ang sarili ko don.
Ano bang ginagawa ko?
Shems! Di ako makapag-isip ng matino.
Fudge! Help me.
********************
L's P.O.V
Ano bang nangyari kanina?
Bigla na lang akong nanghina...
Lumakad na ako papunta sa magkapatid si Kyle tuloy pa rin yung paglalaro niya hawak niya pa rin yung controller si Clyde naman nagbabasa pa rin.
Umupo naman ako sa sofa katabi ni Clyde.
Iniisip ko pa rin yung mga nangyari kanina.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Clyde sakin na nakatutok pa rin sa libro na binabasa niya.
"I'm sure kuya, na shock yung parents ni Ate Penelope sa kaniya." Sabat ni Kyle na tumatawa tawa pa.
My point sila don.
Nagsulat na ako sa board na hawak ko at pinakita yun sa kanila.
(Kami na ni Penelope.)
Nakatingin lang sakin yung dalawa.
Lumipas pa ang ilang minuto ng humagikgik sila ng tawa.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Di makapaniwalang tanong ni Clyde na tumatawa pa rin.
"Pero kuya di naman kapanipaniwala na sila na ni Ate, una maganda si ate matalino, may class eh.... Si L, ummhh... Bobo." Si Kyle naman.
Yun tawa na naman sila ng tawa.
Hayts! Kung may oras lang talaga akong ibasura tong dalawang to kanina ko pa ginawa pero ako naman ang yari kay Penelope.
(Nag papanggap lang naman kami. Pero kailangan ko ng tulong di ko alam ang makipag deal sa babae.) tugon ko sa kanila.
"Kaya mo na yan. Halika na Kyle matulog na tayo." tugon ni Clyde at tumayo na sa sofa.
Sumunod naman si Kyle sa kaniya.
Hala si Clyde at Kyle ayaw akong tulungan.
(Uy! Please nagmamakaawa ako tulungan niyo na ako.) Nag puppy eyes pa ako sa kanila.
"Sorry pero wala na kaming alam diyan." I sabi ni Clyde.
At umalis na nga silang dalawa.
Ugh!!! Ayaw nila fine... Bahala na...
BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Teen FictionKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...