L's P.O.V
Another normal day na naman, nag check ako ng mga gamit na kailangan namin, dahil mukhang pa-ubos na ito. Maging yung pagkain na naka-stock sa hotel na to.
Maghahanap na rin ako ng magandang lugar at magandang lupa, balak ko kasing magtanim ng gulay at prutas, mga ilang halaman na rin, saka plano ko rin mag-alaga ng hayop tulad ng manok, baboy, at baka kaya lang saan ako makakakuha non. Inaalala ko kasi dahil sa gulo na to anomang oras mauubos na yung stock sa buong siyudad.
Ayokong magutom at magkasakit yung pagkain. este si Penelope sa mga panahon na to habang iniisip ko kung paano mawawala sa landas ko itong mga batang to.Napatingin ako sa kanila na ngayon nakatingin sa'kin ng masama, agad naman akong umiwas at itinuloy yung ginagawa ko.
Sabi na nga ba may sa-demonyo yang magkapatid na yan pero mas demonyo sa kanila si Penelope.
"Grrr!!!" napalingon ako kay Penelope, na padabog na bumaba ng hagdan. "I don't have any clothes now." sigaw niya pa at umupo na sa sofa.
(Meron pa ah, di ba nilabhan ko kasama ng mga damit namin ng mga bata.) ipinakita ko sa kaniya yung sinulat ko sa board ko.
"But I need new clothes." angal niya pa sabay crossed arms.
Iba talaga topak ng babaeng to.
Huminga ako ng malalim at nagsulat sa board ko at ipinakita iyon sa kaniya. (Tara shopping tayo, since paubos na yung stock natin.)
Umaliwalas naman mukha niya at agad tumayo sa kinauupuan niya. "Kunin ko lang axe ko." agad siyang umakyat papunta sa kwarto niya at ilang sandali lang ay nasa harap ko na siya. "Let's go." sabi niya pa.
"Wait lang bago kayo umalis." napunta yung atensyon namin sa magkapatid na naglatag ng mapa ng buong siyudad sa lamesa.
"So last time dito tayo dumaan." sabi ni Kyle, at itinuro yung magulong buhol-buhol na linya. "Di ba nakakalito." dagdag pa niya.
Oo nga naman magulo.
"Nag decide kami ni Kyle ng alternative route no hassle, less time, and less zombies."- Clyde.
Great idea.
"Ito ang magiging daan niyo papunta sa shopping district." turo ni Kyle sa way na sinasabi niya.
Tumango naman kami ni Penelope, at sumang-ayon sa bagong way na sinasabi nila.
"Good luck soldiers nawa ay ligtas kayo sa inyong paglalakbay." nag salute pa sila sa amin.
Agad na kaming pumunta ni Penelope sa elevator.
Teka nga lang paano nagkaroon ng mapa yung mga bata sa siyudad.
Nakalimutan ko silang tanungin.
Nah... Mamaya na lang.
********************************
Penelope's P.O.V
Nandito na naman kami sa shopping district kung saan kami nang galing. Tama din yung mga bata sa route na sinabi nila dahil magbilis lang kami nakarating dito at wala pa kaming na i- encounter na zombie.
(Una nating kukunin yung mga pagkain after non sa clothing store naman tayo.) sabi ni L, at agad na kaming pumasok sa supermarket.
Nadatnan namin yung gulo at mga zombie na mukhang naabala namin sa pagkain nila. Galit silang nakatingin sa amin ni L.
"Oh please pwede ba bigyan niyo muna ako ng break." inis kung turan ng hawakan ko yung axe ko
Nagtaka ako kasi parang natakot sila sa'kin at nagkatinginan pa sa isa't isa, ngumiti pa sila sa'kin at dahan-dahan naglakad papunta sa exit door saka tumakbo.
How what did just happened?
Napatingin pa ako kay L na pilit ngumiti. (Mukhang takot talaga sila sayo ah.)
"Okay, fine..." nag flip pa ako ng hair at na una na maglakad kay L.
Kumuha na ako ng push cart ako yung taga tulak non at si L naman ang pumipili ng kinukuha namin kasi daw baka pag ako ma-food poison kami o kaya naman expired yung kunin ko.
Pagkatapos namin lumabas na kami ng supermarket.
"Shopping time na!" masigla kong sigaw at agad tumakbo papunta sa isang clothing store iniwan ko si L na tulak ng cart.
*********************************
Someone's P.O.V
*BANG!
tunog ng baril at bumagsak yung huling zombie na nakalaban namin.
"Kailangan na natin tapusin yung trabaho natin dito para makabalik na tayo sa kampo." sigaw nang lalaking pinakaleader namin.
"Opo." sigaw namin at pinagtulungang ipasok yung zombie sa sasakyan.
Mayamaya na tanaw ko sa di kalayuan yung isang magandang babae na ka dress ito at may hawak na palakol papasok ng clothing store nakasunod naman sa kaniya yung Zombie na tinutulak yung push cart.
Nakakapagtaka di niya inaatake yung babae.
Bakit?
"Evie!" Biglang tawag sa'kin ng leader namin napatingin agad ako sa kaniya.
"Aalis na tayo." tugon niya sa'kin.
"Blaze, may nakita akong tao na pumasok doon sa store nakasunod sa kaniya yung Zombie, hi-hindi siya inaatake non." sabay turo ko doon sa store.
"Sigurado ka."
Tumango naman ako sa kaniya.
Lumingon na siya sa mga kasama namin. "Guys! Di pa tayo aalis may susundan tayo."
Sumunod naman kami sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/160476787-288-k207596.jpg)
BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Novela JuvenilKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...