Penelope's P.O.V
*Dream
Naimulat ko yung mga mata ko at agad tumayo sa pagkakahiga ko. Nanlaki yung mga mata ko ng nandito ulit ako sa mall.
"Anong ginagawa ko dito?" may halong pagtataka kong inilibot yung mga mata ko sa paligid.
Kailangan ko nang umuwi baka hinahanap na nila ako ni L, at ng mga bata.
Tumakbo na ako hindi ko na inalala pa kung marinig ako ng mga zombie sa lugar na to ang mahalaga makalabas ako dito. Dali-dali akong bumaba sa escalator pero napahinto din ako at napatulala sa nakita ko.
Nakatindig sa harapan ko ang isang lalaki naka red checkered polo at pants, nakangiti rin ito sa akin.Hindi ko namalayan yung pagtulo ng luha ko at agad yumakap sa kaniya.
"Lex..." tugon ko at mas lalong hinigpit yung yakap ko sa kaniya. "Walang hiya ka iniwan mo ako... Miss na miss na kita. Wag mo nang ulitin yun." isinubsob ko na yung mukha ko sa dibdib niya habang tuloy pa rin ang paghikbi ko.
Sobrang mahal na mahal ko si Lex, at ayoko ng iwan niya ulit ako.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin at tinignan ako. "Hanggang ngayon iyakin ka pa rin, Pen." pinunasan niya pa yung mga luha ko gamit ng kamay niya saka ngumiti sa akin ganon din ako sa kaniya.
Ilang sandali lang kami nabalot ng tahimik dahil nagsalita ulit si Lex sa akin. "Sorry, Pen hindi kita na protektahan." hinawakan niya pa yung magkabila kung kamay.
Umiling lang ako. "Ginawa mo ang lahat para iligtas mo ako, Wag kang mag sorry." nginitian ko siya ng sobrang tamis.
Naramdaman ko yung lungkot sa mukha niya dahilan para bumigat din yung pakiramdam ko.
Huminga pa siya ng malalim at pinisil yung kamay ko. "Sorry, Pen hindi na kita masasamahan."Anong hindi masasamahan?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya, Hindi ko siya maintindihan.
"Sorry Pen, hanggang dito na lang." hindi ko na nagawa pang magtanong sa kaniya dahil dumampi na yung labi niya sa akin.
Yung halik niya na tila ito na ang huli sa amin.
Napapikit na lang ako kasabay ng pagdurog ng puso ko at pagluha ng aking mga mata.
Nakapikit pa rin ako ng kumawala siya sa halik na iyon agad akong hinagkan saka bumulong sa tenga ko. "Bye, Penelope."
![](https://img.wattpad.com/cover/160476787-288-k207596.jpg)
BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Novela JuvenilKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...