Chapter 12

58 6 0
                                    


Penelope's P.O.V

Wow! Ang daming clothes, dresses, bags at shoes.

Ang ganda...

I feel like, I'm in heaven. I can have all I want here, kaya sobrang saya ko. Well I can buy naman all of this things pero yung libre dahil sa apocalypse ibang usapan na yon.

Agad na akong nagkalkal sa mga stolls at kinuha lahat ng natipuhan ko.

(Hindi ka pa ba tapos?) tanong sa'kin ngayon ni L na tapos nang pumili ng damit para sa kaniya at saka sa mga bata, inilagay na niya kasi ito sa push cart.

"Wait lang isusukat ko lang to."sabi ko sa kaniya at nagtungo na sa fitting room umupo naman siya don sa flat form na tinatayuan ng manikin.

Matapos kong sukatin lahat ng damit na napili ko ay lumabas na ako ng fitting room at inilagay lahat ng damit sa cart.
Saka ko na realize na wala si L.

"L, nasaan ka?" sigaw ko at inilibot yung mga mata ko pero wala akong L na makita.

Saan na kaya siya...

Napa crossed arms na lang ako at naglakad na para libutin iyong store. "L.." wala pa rin akong na rinig na response.

Bigla naman akong nakarinig ng kalabog at napunta ako sa shoes section nagkalat lahat ng boxes display sa sahig.

Nakita ko si L na nakataas yung kamay dahil nakatutok sa kaniya yung mga baril na hawak ng

Mga Tao.

"L!" sigaw ko pa sa kaniya dahilan para makuha ko yung atensyon nila.

Ngumiti pa sa'kin si L saka nag thumbs-up.

Sira ulo ba siya nagagawa niya pang gumanyan mapapatay siya.

"Miss solve na problema mo na huli na namin itong Zombie na to" sabi ng lalaki siguro nasa mid 40's at idiniin pa yung tutok ng baril sa ulo ni L.

"Halika na miss tutulungan ka na naming makaalis sa lugar na to at dalhin sa mas ligtas na lugar." sabi naman nong babaeng matangkad, mahaba yung buhok, nakasuot siya ng military pants, boots at black sando. Inilahad niya pa yung kamay niya pero tinanggihan ko yun at tinarayan siya.

Hayts! Nakaka-stress.

Ano bang pinagsasabi nila.

Suminghap ka ako ng hangin at tumingin ulit sa kanila natatawa ako pero pinipigilan ko lang. "Guys! What are you saying? Di ako ginugulo ng zombie na yan. Actually kasama ko siya."

"Ka-kasama mo?" Nagkatinginan naman silang tatlo at bakas ang pagtataka sa mga mata nila.

Mayamaya lumapit sa'kin yung isang lalaki, matikas yung pangangatawan at tulad ng mga kasama niya may baril din siyang hawak. Hinawakan ko naman yung axe ko.

Akala siguro nila magpapatalo ako sa kanila.

"Miss gusto ka lang namin tulungan sa lugar na to. I'm Blaze ako ang lider at mga kasamahan ko sila nag-iikot kami sa buong siyudad para iligtas at hanapin yung mga tao at dalhin sa ligtas na lugar. Sakto na kita ka namin." mahinanhon niyang sabi.

Pero di ko siya pinansin wala akong pakialam sa ligtas na lugar na sinasabi niya ang gusto ko ay ang makasama at makauwi na kami ni L dahil nag aantay samin yung mga bata.

"No I don't want to... Ang gusto ko ngayon ay pakawalan niyo yang zombie na yan o magkakagulo tayo." galit kong banta sa kanila.

"Ikaw!" sigaw ng babae saka itinutok yung baril sa'kin.

Cheap na babae.

Napa smirk na lang ako. "Sige gawin mo... Show me what you got." hamon ko sa kaniya.

Halata ko yung inis sa mga mata niya ng.

*BANG!

How could her!

Sa sobrang inis ko napatakbo ako sa babaeng yon.

Nakatutok pa sa'kin ulit yung baril niya ng harangan siya nong Blaze. "Evie! Stop." sigaw pa nito at hinawakan yung kamay ni Evie dahilan para bitawan niya ito.

Hahampas ko na sana yung axe ng harangan ako ni L.

"Rwwrr!!!" tugon niya pa sa'kin at hinawakan ako sa balikat.

"No I will kill her." sigaw ko pa pero pinipigilan pa rin ako ni L.

Ano ba kasi...

Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni L na nagmamakaawa na itigil ko na to.

"Uwi na tayo. Gusto ko nang makita yung mga bata." mahinahon kung sabi kay L na nakatitig din sa'kin tumango pa siya bilang oo at nagsimula na kaming maglakad at kinuha na yung push cart.

******************************

3rd person P.O.V

"Mga walang hiya! Papatayin ko siya!" sigaw ni Evie habang nagpipilit makatakas sa hawak sa kaniya ni Blaze.

Tanaw na tanaw niya ang paglalakad nong Zombie at ng babae palabas ng store.

"Evie, enough is enough." sigaw ni Blaze para matauhan ang kanina ka nag iinit sa galit na babae. "Why did you shoot her?" tanong pa ni Blaze.

Tinignan naman siya ng masama ng babae.
" Eh, ikaw bakit mo sila pinatakas?"inis na tanong ni Evie kay Blaze.

"Makikita pa natin sila sa lugar na to, and I'm sure base sa nakikita ko makakatulong sila ng malaki para malaman na natin kung ano ang magpapagaling sa virus na to." nakangiti pa si Blaze ng sabihin niya ito sa babae.

"Sigurado ka?" tanong pa ni Evie na di makapaniwala.

"Sigurado ako." sagot ni Blaze na nakatanaw sa dinaanan ng zombie at ng babae.

My Zombie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon