Chapter 19

57 4 2
                                        

Penelope's P.O.V

Nakarating na kami sa school lobby kung saan nag mamadali ang lahat patungo sa indoor court ng school kasama ng ilang armadong lalaki na bantay nila.
Dahil sa sobrang gulo ng tao hinawakan ako ni Blaze, sa braso  at hinila ako sa mga tao ng makalayo na kami ay lumabas na kami ng building.

"Blaze..." Agad kaming napalingon sa tumawag sa kaniya. Si Evie, na patakbong lumapit sa amin. Lumingon pa siya sa'kin saka ngumiti at itinoon na ang atensyon kay Blaze. "Wow nakausap mo na pala siya ng maayos." sarcastic na sabi niya at nag cross arms.
Tinarayan ko naman siya.

"Yep! But I don't know kung tutulong siya." sabi ni Blaze na nakatingin na sa'kin. Na realize ko na Lang na hawak niya pa pala ako sa braso kaya agad akong bumitaw. "Sorry." Tugon niya pa at tumingin na kay Evie, na mukhang seryoso na. "Anong balita?" tanong nito at nagsimula ng humakbang pababa ng hagdan katabi niya si Evie, habang ito ako nakasunod sa likod nila.

"Nasa indoor court na lahat ng tap kasama ng ibang troup... Nakahanda na rin ang lahat para sa pagdating ng mga zombie ilang minuto mula ngayon." sabi ni Evie.

Agad akong lumapit kay Blaze, dahilan para lingunin niya ako.

"Ayokong may masaktan sa mga kaibigan ko... Please."

Tumango naman si Blaze sa'kin at tinanaw ang gate na pumapagitan sa mga zombie at tao.

"Evie, bagong plano walang magpapaputok ng baril o kahit anoman, harangan niyo ang gate at siguraduhin di sila makakapasok... Please ayoko magkaroon ng gulo."

Nanlaki naman yong mata ni Evie, na tila di makapaniwala pero tumango na lang siya. "Kung yan ang plano mo, di ako tututol." sabi ni Evie, lumingon pa siya sa'kin bago siya tumalikod at lumakad na papalayo sa amin.

"Maghanda ka papauwiin na kita."

Agad akong napalingon sa kaniya. "Totoo bang  uuwi na ako?" Hindi ako makapaniwala g tanong sa kaniya.

Tumango naman siya sa'kin saka ngumiti.

Sa sobrang saya ko napayakap ako sa kaniya. "Thank you." tugon ko sa kaniya at agad bumitaw.

"Miss."

"Penelope... Penelope ang pangalan ko." pagpapakilala  ko.

"Ah... Penelope, pero sana pag isipan mo ng mabuti yung pinag-usapan natin kanina. Kung natatakot ka man sa mangyayari sa kaibigan mo, I assure you ligtas siya." tugon niya sa'kin saka humawak sa mga kamay ko.

Tumango na lang ako bilang sagot at ngumiti. "Pag-iisipan ko, at ipapaalam ko na rin kay L."

"Sige na sasalubungin pa natin yung mga zombie friends mo sa labas." sabi niya sa'kin.

Maglakad na kami ni Blaze papalapit sa gate para salubungin yung mga zombie na malapit na sa gate ng biglang may sumigaw mula sa likod namin, dahilan para lingunin namin iyon.

"Zombie! May nakapasok na zombie." sigaw ulit ng lalaki na tagaktak ang pawis at hinahabol ang hininga ng huminto ito sa harap namin.

"Anong sinasabi mong Zombie?" nagtatakang tanong ni Blaze.

"Sa-sa may indoor court... Kasama yung dalawang anak nina Claridel at Richie, nagkakagulo na ang lahat."

"Ano buhay pa sina Clyde at Kyle, kasama ng zombie." gulat na tugon ni Blaze.

Tama ba ang narinig ko si Clyde at Kyle? Ibig sabihin si L...

Nasa loob si L, ng school na to.

Agad kong kinalabit si Blaze. "Blaze, dalhin mo ako doon. Si...si L yung mga bata baka mapaano pa sila doon... Please." pag mamakaawa ko.

Sobrang pag aalala ko sa kanila ngayon ano bang ginagawa nila.

"Sige na, halika na... Ikaw sumama ka sa amin." turo ni Blaze sa lalaki at dali-dali kaming tumakbo  papunta doon.

Nang makarating na kami sa lugar ay binuksan na ni Blaze ang pinto. Nadatnan namin yung pagkakagulo ng mga tao na nakapalibot sa gitna kung nasaan sila L, Kyle at Clyde na nakayuko dahil nakatutok sa kanila yung hawak na baril ng mga lalaking tao ni Blaze.

"L, Clyde, Kyle..." sigaw ko para mapalingon ang ilan ng tao sa akin.

Mukhang magiging mahaba pa ang araw na to.

My Zombie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon