Penelope's P.O.V
Kakatapos lang namin kumain nang mag decide kaming bumalik na.
"Laro tayo, Kuyang Zombie!" pagbukas pa lang ng elevator ay hinila na niya agad si Zombie guy doon sa may game console.
Di ko tuloy mapigilan mapangiti sa kulit ni Kyle.Napalingon naman ako kay, Clyde. "Di ka sasali sa kanila?" tanong ko sa kaniya.
"Ayoko po Ate, magbabasa na lang po ako." tugon niya at diretso na sa may shelves kumuha ng libro at umupo na sa sofa.
Tumabi na lang din ako kay Clyde, sa sofa at pinapanood yung dalawang naglalaro. Na naglalaro ng P.v.P game na favorite ng boyfriend ko.
Naalala ko na naman yung mga panahon na nang nilalaro niya yung game, madalas kaming dalawa ang naglalaro at madalas akong talo.Ang sakit lang na wala na siya sa tabi ko.
"Arrrwwwrrr!!!" na bigla na lang ako ng sumigaw si Zombie guy.
Natalo kasi siya ni Kyle, at ngayon napasabunot na siya sa buhok niya.Nagsulat agad siya sa board niya. (Ulitin natin. Madaya ka!)
"Anong madaya... Eh, talo ka naman talaga." asar naman ni Kyle sa kaniya.
"Uwwrrrhh!!!" ungol ulit ni Zombie guy dahil di niya tanggap ang pagkatalo niya sa bata.
"Fine! one last round, pero may consequence ang talo." sambit ni Kyle.
Nag fire-up naman si Zombie guy at hinawakan agad yung controller, saka tumango.
"May the best gamer win." hawak ni Kyle, yung controller at ngumiti kay Zombie guy.
Nag-umpisa na silang maglaro at ni isa sa kanila ay seryoso, walang ayaw mag patalo. Mayamaya pa.
"Ugggerrhhh!!!" ungol ni Zombie guy na bitawan niya yung controller. Samantalang si Kyle naman ay nagpupugay sa pagkapanalo niya.
(Ulit.) makikita mo sa mata ni Zombie guy yung pag asa na pumayag si Kyle na ulitin yung game pero mukhang bigo siya.
Tinawanan pa ni Kyle si Zombie guy saka umiling. "No, I don't want. I win the game so prepare for your consequence." binigyan niya ng big grin si Zombie guy.
Napatingin naman sa amin ni Kyle si Zombie guy at nag mamakaawa na tulungan siya.
"No." simpleng turan ko at iniwas ang tingin ko sa kaniya.
"Busy ako." si Clyde na hindi pa rin ma-i-alis yung mata niya sa libro.
"Argh!!!" sigaw ulit ni Zombie guy.
Wala na talaga siyang pag-asa.Nilingon naman niya si Kyle na ngayon may hawak na suite. "Just face it na lang kuya zombie and try this." naka smile si Kyle, habang ipinakita yung suite. It's a chicken suite.
Bigla naman kaming natawa ni Clyde.
Wala namang nagawa si Zombie guy at kinuha yung suite.
"Ladies and gentlemen! Boys and girls." kuha ng atensyon ni Kyle na nasa harap namin ni Clyde. "May I present to you the Zombie chicken." nagpalakpakan pa kami. Nag bow naman Kyle at ipinakita si Zombie guy in chicken suite.
Kasabay ng music na chicken dance ang pag sayaw ni Zombie guy. Tawa kami ng tawa sa kaniya halatang labag talaga saloob niya yung ginagawa niya.
Pakendeng-kendeng, paikot-ikot at ipinapagaypay niya yung pakpak niya."Bagay sa kaniya kuya Clyde di ba." malakas yung tawa ni Kyle na katabi na ni Clyde na tumatawa din.
Nakabusangot na ngayon yung Zombie sa harap namin nag crossed arms pa siya at umupo na sa sahig.
Tuloy lang kami sa pagtawa, pero agad ding natahimik."Sabihin mo nga sa'kin may nalalaman ka ba tungkol sa sarili mo noong buhay ka pa?" tanong ko kay Zombie guy dahilan para mabasag ang katahimikan.
Napatingin naman sa'kin yung mag kapatid ganon din si Zombie guy."Na curious lang ako kasi you're acting different sa mga zombies na na encounter ko, I mean para ka talagang tao." dagdag ko pa.
Napa-isip siya agad pero umiling din siya agad, at agad nagsulat sa board niya at ipinakita ito sa amin.
(Tinolang manok, anak, babae.)
Ano namang connect ng mga yan.
pakamot na lang ako sa batok ko di rin kasi nakakatulong yong sinulat niya.
May dinukot naman siya sa bulsa ng pants niya at agad inabot sa akin iyon.
Isa itong id card, na tuyo na yung dugo rito dahilan para di na mabasa yung mga impormasyon doon tinitigan ko pa ng mabuti yung name niya pero yung first letter lang ang malinaw na nababasa ko.
"L..." mahinang sambit ko pero sapat lang para marinig nilang tatlo. "Sorry pero di ko mabasa yung information dahil sa dugo maliban lang sa first letter ng name mo." agad ko namang inabot yung card sa kaniya.
"Paano ngayon yan Ate?" tanong ni Kyle sa'kin.
"Maybe we can call him L, since yun yung first letter ng name niya." tumitig pa ako kay Zombie guy saka ngumiti.
"Yehey may name na siya..." masiglang tugon ni Kyle. "Hi Kuya L." nakangisi pa ito ng lapitan si L.
(I'm L.) nakasulat doon sa board niya at ngumiti.
Tumango naman ako sa kaniya.Agad naman siyang tumayo at nagtatatalon sa tuwa habang nakataas yung board niya, sinabayan naman siya ni Kyle.
"Tumahimik kayo nagbabasa ako rito." sigaw naman ni Clyde.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.
Mas okay na to kesa naman zombie guy ang tinatawag namin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Teen FictionKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...