Penelope's P.O.V
Hayts! Buti na lang talaga nakarating kami sa lugar na to ng ligtas. Nakapagpalit at nakapag-ayos na rin ako, sobrang fresh ng feeling ko, sa tagal ko pa namang paikot-ikot sa lugar na to nadala ko na yung baho at lansa ng dugo.
Swerte namin na may matutulugan at electricity pa sa building na to so mabubuhay pa rin kami.
Kumakalam na yung sikmura ko kaya lumabas na ako ng kwarto dala yung malinis kong axe at bumaba na ng hagdan ng nakita ko sina Clyde, Kyle at Zombie guy sa sala.
"Boring wala na kahit anong palabas sa T.V." nabuburyong na si Kyle habang hawak at pinipindot yung mga button ng remote saka sumandal sa sofa.
"Edi patayin mo." si Clyde na seryoso na nagbabasa ng libro katabi ng kapatid niya.
"Fine." walang ganang sabi ni Kyle, saka in-off yung T.V at binato yung remote na tumama naman sa ulo ni Zombie guy na nagkakalkal naman nang mga cd. napahawak pa yung dalawang kamay niya sa ulo niya at niligon si Kyle sabay tingin ng masama nginitian naman siya ng bata.
"Guys! Tara kain tayo." anyaya ko sa kanila
Tumayo naman sila sa kinauupuan nila at sumunod na sa'kin papunta ng elevator.
Pagdating namin sa ground floor buti na lang wala na yung mga zombie kanina, ngayon mas maliwanag na sa buong lugar. Pumunta na kami sa restaurant na nandito din sa loob ng Hotel.
Pagpasok namin doon maliwanag din yung lugar, ang maganda at high class na restaurant ay nabahid ng dugo at gulo."Kailangan nating linisan ang lugar na to." Tugon ko sa kanila.
"Kami na po ateng bahala ni Kuya Clyde dito." masaya at active na sabi ni Kyle.
tumango ako bilang sagot sa kanila. "Tayo naman sa kitchen." nakatingin naman ako ngayon kay zombie guy. At nagtungo na kami sa kitchen.
Hay! At the same time lilinisan din namin. i-ni-abot ko kay zombie guy yung mop "Okay, you clean and I will cook." sabi ko pa sa kaniya at inilabas na yung mga gagamitin ko.
(Sigurado ka bang nagluluto ka?) binigyan niya ako ng di makapaniwala face.
Umiling lang ako.
Ano bang tingin niya di ako marunong.
"Ano ba basic lang naman ang cooking." tinarayan ko siya at sinuot na yung apron.
Hindi ko na siya pinansin.
Okay anong pwedeng lutuin.
Huminga pa ako ng malalim.
Lumipas ang limang minuto ng bigla na lang nasunod yung niluluto ko.
"Ahhh!!! Help here..." sigaw ko kay Zombie guy na patapos na sa paglilinis napatingin sa'kin at tumakbo tinulak niya ako ng konti at kinuha niya yung kawali sa stove at inilagay ito sa sink saka binuksan yung gripo at pinaagusan ito ng tubig.
Nakahinga na kami ng malalim.
Buti na lang di nasunog itong buong lugar.
Napatingin siya ng diretso sa mata ko at tinaasan ako ng kilay. "Urgh! Argghh!!!" naka crossed arms pa siya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Sorry okay! Di ako marunong magluto." galit kung turan sa kaniya at malungkot na umiwas sa kaniya.
Hahakbang na sana ako kasi gusto ko nang lumabas ng kitchen ng hawakan ako ni Zombie guy sa wrist napatingin ako sa kaniya at nginitian ako.
(Tuturuan kita... Halika.) nakasulat don sa board niya at isinuot na niya yung gloves.
Seryoso ba siya?
Nag-aalangan ako baka kasi magkasakit kami ng mga bata.
Nagulat na lang ako na hawak na niya yung magkabilang balikat ko at inilapit sa mga ingredients na nakalatag bumitaw na siya at nagsulat sa board niya sabay pakita non sa'kin. (Wag kang mag-alala... I assure na malinis to lalo na naka gloves ako.) nginitian niya pa ako.
Pilit din akong ngumiti sa kaniya. At mas naging lively at excited siya.
Nag-umpisa na kaming magluto ako na yung naghiwa ng mga sangkap na gagamitin siya naman ang taga-timpla at halo nito.
Pansin kong dedicated siya sa pagluluto na to kaya napangiti ako sa kaniya.Ilang sandali lang ay natapos na kami ihahatid na namin yung pagkain sa magkapatid. "Salamat hah." sabi ko kay Zombie guy lumingon siya sakin saka ngumiti ng malapad.
"Yehey! Chicken soup..." synchronized na naman ng magkapatid. Kumikinang pa yung mga mata nila sa na kahain sa kanila.
(Kain kayo ng marami hah.) nakalagay sa board ni Zombie guy at nakangiti pa sa mga bata.
Nagkatinginan pa yung magkapatid at ngumiti sa isa't isa sabay na kumain.
"Ang sarap." tugon ulit ng magkapatid napangiti na lang ako.
(Di ka pa ba kakain?) nakasulat don sa board ni Zombie guy kasi kanina pa ako tumingin sa mga bata.
"Ah, eto na kakain na."tumingin na ako sa pagkaing nasa harapan ko, kinuha ko yung kutsara at kumuha ng sabaw saka ito hinigop. "Ang... Ang sarap nito." natutuwa kong tugon kay Zombie guy na halata ang saya sa mga mata niya.
(Buti na lang nagustuhan mo. Sige kain lang kayo.)
Humigop ulit ako ng sabaw at lumingon ulit sa kaniya. "Thank you." sambit ko ulit sa kaniya at itinuloy na yung pagkain ko.
******************************
Zombie's P.O.V
"Thank you." sambit ni Penelope sa'kin at itinuloy na niya yung pagkain niya.
Napangiti naman ako at itinuon ang paningin ko sa mangkok ng chicken soup. Nanlaki yung mga mata ko na bigla na lang nag appear yung imahe ng babae sa isip ko.
"Thank you." ngumiti pa ito sa'kin.
"Uy! Ayos ka lang di mo pa ginagalaw pagkain mo."
Natauhan ko bigla at napatingin kay Penelope.
Napalingon ulit ako sa pagkain ko pero wala na yung imahe ng babae.
Ang weird... Sino ba kasi yun.
"Uy!" kinalabit na ako ni Penelope.
Nginitian ko lang siya at umiling.
"Okay." na- convince ko naman ata siya, dahil ibinalik niya yung tingin niya sa pagkain niya.
Ganon din ang ginawa ko.

BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Fiksi RemajaKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...