Penelope's P.O.V
"Ibaba mo na nga ako!" sigaw ko ulit dito sa zombie na to na bigla na lang akong binuhat at magpahabol sa mga ka-uri niya.
Bakit ba kasi nakisama pa siya sa'kin yan tuloy pati siya hinahabol ng mga katulad niya, at saka kaya ko kaya ang sarili ko.
Nandito kami ngayon sa isang maliit na ispasyo sa pagitan nang dalawang store. Agad na niya akong ibinaba.
"Bakit ka pa ba kasi nangingialam? Kakainin mo rin ba ako?" tanong ko sa kaniya.
Instead na sagutin niya ako ay itinakip niya yung kamay niya sa bibig ko.
Ano ba?
"Ummhh!!! mhmm..."tugon ko sa kaniya.
Amoy na nabubulok na ewan, malansa dahil sa dugo. Ayoko na nahihilo na ako.
Sumilip pa siya sa kalsada at natanaw yung mga zombie na papa-diretso ng takbo.
Ayoko na mamamatay na ako.
Hindi ko na kinaya yung amoy ng palad niya dahilan para masuka ako at tanggalin na niya yung kamay niya sa bibig ko.
"Ugggerrhhh! Rwwrr!." ungol niya sabay wasiwas ng kamay niya.
"Wow hah! Ikaw pa talaga ang nandiri." inis kong turan sa kaniya.
Ilang sandali lang ay hinawakan ko na yung axe ko at humarap ulit sa kaniya.
This is be a little... Awkward...
I clear my throat bago magsalita. "So, thank you very much for saving me. Bye."tugon ko sa kaniya at pasimple naglakad pa atras habang nakatingin pa rin ako sa kaniya.
Bago pa ako makaiwas sa kaniya ng hawakan niya at hilain niya ulit ako palapit.
At tinaasan ako ng kilay."Bakit ba? Nag thank you na ako, ah." tugon ko sa kaniya. Ngayon naka crossed arms na siya.
Magpahinga na lang ako ulit ng hangin.
Sino bang niloloko ko, at kinakausap ko itong halimaw na to.
Napahawak na lang ako sa sintido ko.
Mayamaya kinalabit na niya ako dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
Ano na naman ba gusto nito?
Tanong ko sa sarili ko.Ngumiti siya sa'kin sabay turo doon sa toy store sa kabilang kanto.
"Anong meron do'n?" tanong ko sa kaniya.
Pero nginitian niya lang ako at nag-umpisa nang humakbang palabas sa tinataguan namin.
"Uy! Ano bang gagawin mo? Baka bumalik yung mga zombies." sigaw ko sa kaniya.
Pero tuloy lang siya sa paglakad na ngayon nasa kalsada na at papunta na ng toy store. "Uy!" sigaw ko ulit. hindi pa rin niya ako niligon.Sige na nga susunod na ako ayokong ma-iwan sa lugar na to.
tugon ko sa sarili ko at sumunod na rin kay zombie guy.Nasa harap na kami ng toy store ng sumilip sa bintana nito. Napakadilim sa loob at the same time magulo din ito.
Nang sigurado na si Zombie guy ay binuksan na niya yung pinto saka na kami pumasok.Kinalkal ko yung laman ng bag ko at kinuha yung cellphone ko at binuksan ang flashlight nito.
Buti na lang buhay pa tong phone ko.
Agad na akong sumunod doon sa zombie na nag-umpisa ng maglakad.
Ano bang hinahanap niya?
Maglalaro ba siya. Eh, base naman sa features niya nasa 20's na siya eh.Naglibot pa kami sa store hanggang makarating kami sa pre-kinder section kung saan naka- display yung mga toys, storybooks at iba pang learning sets for 3 to 5 years old.
Lumapit siya doon sa mga display ng writing boards at kinalkal yun. Pinanood ko lang siya hanggang sa nakita ko ang malapad niyang ngiti. Humarap siya sa'kin hawak ang isang writing board, kulay purple ito at may design pa ng isang dinosaur na si Barney.
Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa reaction niya para siyang bata. Agad akong napa-iling sa ginawa ko kaya agad kung ibinalik yung seryosong mukha ko na nakatingin pa rin sa kaniya.
Nagsulat na siya sa board na hawak niya at ipinakita ito sa akin.(Buti na lang makakapag-usap na tayo.) ngumiti pa siya sa'kin.
Hindi ako makapaniwala marunong siya magsulat. Paano?
Kailangan kong makalayo sa kaniya.
Huminga pa ako ng malalim saka pilit ngumiti sa kaniya. "We-well congrats..." wala kung ganang sabi para ngitian niya ako.
He truly understand me.
Kailangan ko na talagang makabalik ng hotel.
"So paano ba yan... Nakuha mo na yung gusto mo.. thanks again... Kailangan ko ng mahanap yung Hotel Dela Vera... Bye." pasigaw ko na sinabi yung bye at dali-daling tumalikod sa kaniya at humakbang papalayo, pero napahinto ako ng hawakan niya yung wrist ko.
Ano na naman ba? Namumuro na siya sa'kin ah...
"Arghh!!!" ungol niya dahilan para taasan ko siya ng kilay ng harapin ko siya.
Nagsulat siya sa board niya at ipinakita ito sa'kin. (Hindi movie ako pwedeng iwan dito, sasama ako... Alam ko ang lugar na yon.)Dalawang beses ko pang binasa yung sinulat niya.
Hindi ako makapaniwala...
He knows...
Isama ko na kaya para di na rin hassle sa'kin kung sakaling atakihin na naman ako ng mga Zombie.
Pero Penelope, he's like them ba't ka magtitiwala sa kaniya, eh baka patayin ka niya.
But niligtas niya ako kanina... Wala naman sigurong nangyayari sayo at isa pa handle mo kaya yung sitwasyon.
Nag inahale, exhale pa ako at tumingin muli sa zombie na nasa harap ko. "Fine! You can come with me." napatalon pa siya sa sobrang saya, pero na pahinto siya ng tinignan ko siya ng masama at itinapat yung axe sa mukha niya. "Subukan mo lang gumawa ng katarantaduhan, ito ang magiging katapat mo, okay." banta ko sa kaniya.
Mukhang nagkakaintindihan kami kasi tango siya ng tango.
Agad kong inalis yung axe sa harap niya at itinatong ito sa balikat ko sabay ngiti. "Well kung ganon, let's go." masaya kung tugon sa kaniya.
Nagsimula na akong maglakad, sumunod naman siya sa'kin at lumabas na kami sa toy store.
************************
Someone's P.O.V
"Lumayo ka! You're violating my personal space." sigaw nong babae sa zombie na papalayo dito sa store.
Napalingon ako sa kapatid ko na nakaupo sa sahig.
"Nakaalis na sila?" Tanong niya sa'kin, agad naman akong tumango bilang sagot.
Tumayo na siya sa pagkakaupo niya sa sahig at lumapit sa bintana."Kuya." tawag niya sa'kin.
"Bakit kaya kasama nong babaeng yun yung zombie?" tanong niya sa'kin na nakatanaw doon sa babae at zombie na mukhang nagtatalo ngayon.
"Hindi ko alam." sagot ko sa kaniya at sumulyap na rin sa dalawa na unti-unti na naglaho sa paningin namin. "Gusto mo bang malaman?" tanong ko sa kaniya.
Nagkatinginan kaming magkapatid. Nakikita ko yung ningning ng mga mata niya.
"Gusto ko kuya." masigla niyang tugon at agad kinuha yong bag sa ilalim ng cashier at lumapit sa'kin. "Tara na." tugon niya sa'kin at lumabas na kami ng toy store.Nilanghap ko yung hangin at hinawakan ang kamay ng kapatid ko.
"Handa ka na ba sa adventure?" tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya at binigyan ako ng malapad na ngiti.
Sigurado akong magiging masaya to.

BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Teen FictionKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...