Chapter 3

89 7 0
                                        

Penelope's P.O.V

Tinanggal ko na yung axe na nakabaon sa huling zombie na napatay ko.
Buti na lang talaga na patay ko silang lahat.

Ang kailangan ko na lang ay agad na makaalis dito at baka abutan ako nang dilim kung saan baka mas lalo silang dumami.

Hinawi ko yung ilang piraso ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko at inaayos ang damit ko.

"Makabalik lang talaga ako sa hotel magbababad ako ng bongga sa rose milk bath ko" tugon ko sa sarili ko at sinipa yung nakahandusay na zombie sa daanan ko.

Napangiti ako ng madaanan ko ang isang park. Di ko inaasahan sa busy na lugar na to ay na preserved nila yong plants and trees dito.
Naalala ko tuloy yung boyfriend ko sa mga ganitong lugar kami madalas magdate at sobrang saya ng mga araw na yon.
Pero di na mauulit lahat ng iyon, dahil wala na siya.

Nagpaikot-ikot pa ako sa park ng makita ko sa di kalayuan yong playground agad akong lumakad doon.
At nakakita ng zombie na babae tinutulak ng marahan yung swing nakinauupuan ng zombie na bata.

Biglang lumingon sa'kin yung babaeng zombie kaya agad akong napalunok.

Walang hiya pati ba naman dito?

Di ba sila nagsasawa.

Inihanda ko na yung axe ko at agad napatakbo sa kaniya at kumaripas din siya ng takbo. "Hoy! Bumalik ka dito." galit na sigaw ko sa kaniya. ngunit di ako niligon.

Teka ba't siya tumakbo?

Napahapo na lang ako sa noo ko.

Okay na yon, para nakapagpatingin din ako.

Lumingon ako pabalik sa swing at nakaupo pa rin yung batang zombie do'n at nakatingin sa'kin.

"Hi?" tugon ko sa kaniya.

Fudge! nalimutan ko siya.

Pilit gustong bumaba ng batang zombie sa swing pero may seatbelt ito na akma sa mga batang 4 yrs old.

"RWWWWRRRRRRWRR!!! ARWW!!!" ungol niya habang pinipilit akong abutin.

Wait teka lang?

Baka nanay niya yung Babaeng zombie kanina.

In-ayos ko muna yung palda ko saka ako nag-squat na nakatitig pa rin sa batang zombie na tansya ko nasa 3 yrs old.

"Sorry kung tinaboy ko yung Mommy mo. Natakot kasi ako, eh." tugon ko sa kaniya.

Ungol pa rin siya ng ungol at pilit akong in-aabot.

"Siguro miss mo na siya? Tulad ng pag ka-miss ko sa Daddy at Mommy ko."

Ilang segundo pa akong nakatingin sa kaniya at agad na akong tumayo, saka huminga ng malalim.

Sino bang niloloko ko, as if naman na ma-i-intindihan niya ako.

Nabasag ang katahimikan ng lugar nang makarinig ako ng mga ungol.

"ARRGHHH!!!! URRGHHH!!!!"

In-alerto ko na yung sarili ko hawak ng mahigpit ang axe ko sa pagdating ng mga halimaw.

************************

Zombie's P.O.V

Nasa park na kami nang makaamoy ako ng kakaibang amoy. Iba sa lahat ng mga na amoy ko, masarap, matamis, nakakatakam at nakaka-engganyo.

Di ko tuloy mapigilan maglaway at magutom sa masarap na iyon.

Malapit na kami sa playground at tanaw ko na yung batang zombie sa swing na pilit gustong bumaba. Habang nakatayo naman sa di kalayuan yong babaeng may hawak na palakol.

Naka-pink blouse siya na may raffles sa manggas at kwelyo, naka-black skirt at boots na mansyado ng dugo, halata talaga na marami na itong nakalaban na zombies.

Mukhang ang sama talaga ng araw niya, dahil sa maitim na aura na bumabalot dito.

Nakakatakot.

Sandali...

Siya ba yung sinasabi nilang tao? Sa kaniya din galing yung mabangong amoy.

Na ipikit ko yung mata ko at nilanghap pa yung mabangong amoy.

Bigla na lang sumagi sa isip ko ang isang babae nakangiti sa akin habang hawak ang isang mangkok ng tinolang manok.

"Kain na anak..." sabi pa nito.

Agad kong na imulat yung mata ko, sabay hawak ko sa noo ko.

Ano yun?
What did just I saw?

Matauhan na lang ako ng hawakan ako ng matabang Zombie sa balikat na tila nag-aalala. "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa'kin.
Tumango na lang ako bilang sagot.

Tinitigan niya pa ako ng mabuti, "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa'kin.

"Oo nga... Tara na." aya ko sa kaniya.

Mukhang na kumbinse ko naman siya, dahil tumango na lang ito at na una ng maglakad sa'kin.

Grabe! Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Sobrang bango niya. Hindi, napakabango niya.

Nakakagutom. Hindi ko mapigilang maglaway.

Ano kaya magandang lutuin pag siya na yung karne?

Dapat mapa sa akin siya!

Akin lang!

Ayokong mahawakan at galawin siya ng mga walang manners na zombies na to.

Pero sandali. Magaling siyang lumaban mapapatay niya tong mga zombie na to.

Tama!

Pero baka matalo siya at mapatay siya, tapos paghahatian nila Yung katawan niya.

No! Ako lang dapat.

Akin lang siya.

My meat!

Binabaliw ako ng amoy niya.

"Uy! Ayos ka lang ba talaga?" Na patingin ako sa kaniya.

Mukhang kanina pa niya ako kinakalabit, dahil hawak niya pa rin balikat ko. Tinignan ko lang siya sabay tango.

"O-oo naman... Ayos lang ako." sabi ko ulit sa kaniya.

"Sinabi mo, eh. Bilisan na natin na uuna na sa atin yung mga kasama natin."

Tumango na lang ako sa kaniya at lumakad na siya palayo.

Kailangan kong maka-isip ng plano para mapa sa'kin yung tao na yun.

Kailangan magtiwala siya sa'kin.

Tama! Tama!

Huminga na ako ng malalim at sumunod na sa mga kasama ko.

"Sama-sama tayo mga ka-zombie iligtas ang bata at tapusin ang taong yon! salot siya!" sigaw ng isang zombie.

"Para sa zombie rights!" sigaw din ng iba.

"Tama!" sang-ayon naman ng iba.

Lalayo muna ako saka na lang ako lalapit pagkailangan na ako ng tao.

Pasimple akong lumakad papalayo sa kanila.

Sana ayos itong na-isip ko at sana di ako mamatay dito.

My Zombie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon