Chapter 17

57 6 0
                                    

L's P.O.V

Ano ba kasing problema niya?

Lahat na lang ng bagay kagagalitan niya, dapat talaga eh di na siya sumama. Hindi tuloy na tapos yung usapan namin ng mga ka-zombie ko about sa lupa. Natutuwa daw sila sa plano ko para maging maayos pa rin yung daloy ng pagkain namin sa buong siyudad.

Nakatitig ako sa palakol na na-iwan ni Penelope, nang umalis siya kanina.

"Sige uuwi na lang ako... Thank you na lang ulit."

Sumagi sa isip ko si Penelope, agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Okay L, tara na umuwi ka na." bulong ko sa sarili ko hinawakan ko na yung axe ni Penelope saka naglakad.

Sana nakauwi na siya.

*TING!

Humakbang na ako palabas ng elevator at i-sinandal yung axe sa may gilid at nilibot yung mata ko sa pent house.

Naka uwi na kaya siya?

Tinanaw ko yung pinto ng kwarto niya.

Umakyat na ako sa taas kakatok pa sana ako sa kwarto ni Penelope pero hindi ko rin itinuloy at dumiretso na ng kwarto.

Pagbukas ko ng pinto bigla na lang.

"Wahhh!!!!!" sigaw ni Kyle na tinulak ako dahilan para ma- out off balance kami. "Walang hiya ka!!! Nasaan si Ate!!! Papatayin kita!!!" nag-aapoy yung mga mata niya sa galit habang nakatutok sa akin yung kutsilyo.

Ano ba tong bata na to....

Paano siya nagkaroon ng matalim na bagay?

"Uy! bitaw!!!!" hawak ko yung kamay ni Kyle na pilit iniiwas sa'kin yung talim nito.

"Nasaan si Ate Penelope!!!!" sigaw niya ulit.

Ano daw...

Akala ko umuwi na....

"Ahhh!!!!!!" sigaw pa ulit ni Kyle.

"Kyle tama na!" pigil ni Clyde sa kapatid niya na pilit hinihila pa layo sa sa'kin.

Ayaw naman pa-awat si Kyle na pinipit pa rin akong patayin. "Pero Kuya.... Nawawala si Ate Penelope, alam ko siya lang ang may gawa non." sigaw niya ulit at hindi pinakinggan yung kapatid niya.

"Mamatay ka ngayon!!!" sigaw niya ulit, dahil akma niyang isasaksak yung kutsilyo sa'kin.

"Argh!!! Tehh..teka lang...urggh!!!" sigaw ko.

Bigla namang napahinto si Kyle at tumingin sa'kin ganon din si Clyde, halata yung gulat sa mga mukha nila dahil nanlalaki ang mga mata nila at nakanganga.

"Urrg...u..mu..wi... Nah... una... rgh..."

Ugh! ang hirap ah...

Another language na naman na tutunan ko.

Nakatingin lang ako sa mag kapatid na nasa state of shock pa rin. Ilang sandali lang ay umiling sila at tinignan ako ulit.

"Nag- nagsasalita ka?" sabay nilang tanong sa'kin.

"Ahh... Oo..." tipid kong sabi at ngumiti sa kanila.

Umayos na ng tayo si Kyle, para makabangon na ako, nakaupo sa sahig at isinandal yung sarili ko sa wall.

Sabay singhap ng hangin at nilingon ulit yung magkapatid na nakatingin din sa'kin ngayon at nakaupo na rin sa sahig.

My Zombie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon