Chapter 7

80 4 0
                                    

Clyde's P.O.V

Hi guys! I'm Clyde James Tupaz, 10 yrs old at itong katabi kung bata si Kyle Dave Tupaz kapatid ko na 9 yrs old. kasama namin si Ate Penelope yung magandang may hawak ng ax yung nakita namin ni Kyle kanina sa toy store at sinundan siya dahil sa zombie na nasa likod namin at nakabuntot.

Tinanaw ko ulit siya sa likod, nakakibitbalikat, at nakabusangot yung mukha. Hindi niya ata tanggap yung pagsama namin ni Kyle, kay Ate Penelope.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala na kasama siya ni Ate Penelope at iniligtas ito sa kapwa niya Zombie.
Naiintindihan niya rin kami, at nakakapagsulat din siya sa writing board na hawak niya.

Meron pang design na Barney yung dinosaur.

Ano ba siya kinder?

Well bahala siya, gusto niya yan. Pero may kutob ako may iba pa siyang purpose kaya niya tinulungan si Ate.

Lakad pa lang at tingin niya kay Ate iba talaga, eh.

"Argghh!"ungol niya at nakatingin na rin siya sa'kin, napansin niya ata na nakatingin ako sa kaniya.

"Si Barney yung character sa writing board." sabi ko sabay turo sa board niya.

Bigla naman siyang ngumiti at sumulat do'n. (Cute kaya.) sabay turo niya sa character.

Medyo na tawa ako sa kaniya, para kasi siyang bata.
Nagtaka naman siya sa pagtawa ko.

"Cute, cute pala nang baklang dinosaur."sabi ko sa kaniya. "Barney baklang dinosaur.... La....la...la...laaaaaah..."pakanta-kanta pa ako para asarin siya.

Bigla akong napatakbo ng habulin niya ako.

Nay ko po!

Ang bilis niya.

"Ate tulong!!!!"sigaw ko kay Ate Penelope at binilisan ang takbo ko kasi malapit na akong abutin ng zombie.

"Kuya Clyde!!"rinig kung sigaw ni Kyle.

"Ikaw na Zombie ka!!!" sigaw ni Ate para napahinto ako sa takbo ko.

Nakita ko si Zombie guy na nakaluhod at takot na takot kay Ate.

Na ngayon nakakatakot yung aura niya.

Dahilan para mangatog din ako sa takot.

"Mag sorry ka kay Clyde..." parang hinugot sa ilalim ng lupa yung boses ni Ate habang nanlilisik yung mata.

Mama ayoko na!!!

Magkatabi kami ngayon ni zombie guy at nag sorry na sa isa't isa.

"Okay, bati na kayo tara na at baka abutan tayo ng dilim dito." nakangiting sabi ni Ate Penelope at nauna na silang lumakad ni Kyle.

Hapahinga na lang ako ng malalim.

Di ko na uulit na makitang galit si Ate nakakatakot.

Tumayo na ako at sumunod na kanila Ate at iniwan yung zombie.

Agad akong lumapit kay Kyle. "Kuya, hindi talaga maganda pakiramdam ko sa zombie na yun."tugon sakin ni Kyle.

"Ako nga rin, eh. Di maganda ang feeling sa kaniya."sabi ko rin kay Kyle.

"Sasabihin na ba natin kay Ate?" tanong niya sa'kin.

"No." simpleng sagot ko.

Medyo napakamot siya sa bakot niya. "Anong no?"tanong niya ulit sa'kin.

"Di ba gusto mo nang adventure? So ito ngayon, obserbahan at tignan kung hanggang saan tatagal ang pagsasama nila Ate Penelope at yung zombie. Sino ang mananalo at matatalo, sino mangingibabaw sa kanila." binigyan ko ng malapad na ngiti ang kapatid ko. Ngayon ay nagniningning ang mata niya.

"Ayan din naiisip ko kuya, eh." masiglang sabi ng kapatid ko. At napalingon kami ngayon kay Ate Penelope at Zombie guy na nagtatalo na naman.

Kaya sobrang close ko sa Kapatid ko, eh parehas kami ng naiisip.

Hinawakan ko na yung kamay ng kapatid ko. "Tara na Kyle sundan na natin sila." sabi ko sa kaniya at agad naman siyang tumango bilang pagsang-ayon.

Dali-dali na kaming naglakad papalapit kanila Ate.

My Zombie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon