Penelope's P.O.V
Buti na lang nakauwi na rin kami ni L ng ligtas. buti na lang din talaga na pinigilan ako ni L kung di na patay ko na yung babaeng iyon.
Pasalamat siya di ako na tamaan ng bala.
Mga selfish at walang awang mga tao...
Wait...
Tao pala ako... Hehe...
Ganon naman talaga siguro, para mag survive ka sa lugar na to gagawin mo ang lahat, kahit na makasakit ka ng ibang tao basta makaligtas ka, pero selfishness na pa rin yon.
Bigla akong natauhan ng tumabi sa'kin si L. Napalingon ako sa kaniya ipinakita niya pa sa'kin yung board niya. (Salamat sa pagligtas mo sa'kin kanina... Akala ko iiwan mo na ako at sasama na sa mga tao.)
Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Wala yun... Patas na tayo... At syempre ayokong iwan kayo ng mga bata no."
(Pero bakit, may chance ka nga na makasama mo yung mga katulad mo winala mo pa.)
Huminga naman ako ng malalim. "Bakit ikaw may chance ka na makasama yung mga Katulad mo pero bakit ka sumama sa'kin sa amin ng mga bata?" tanong ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa'kin. "Alam mo kasi L, mas pipiliin ko pang makasama kayo, dahil mas mapagkakatiwalaan ko kayo at mas malapit na kayo sa'kin." sabi ko pa sa kaniya.
"Umh! Di ko talaga alam bakit lumabas ngayon yung mga taong iyon." sabi pa ni Clyde na nag iisip na naman.
"Ate Penelope..." napalingon naman ako kay Kyle na malapit ng bumagsak yung luha sa mga mata niya. "Sorry ate kasi kung di dahil sa amin di kayo mapapahamak."
Bigla naman akong napalapit kay Kyle at agad siyang niyakap. "Shhh... Okay na di niyo kasalanan iyon... Ligtas naman kaming nakabalik dito." mas lalo naman siyang umiyak.
Kaya akong iwan itong mga to eh.
Nakahiga ako ngayon sa higaan ko at tinitigan yung mga pictures namin ng boyfriend ko.
Sobrang miss na miss ko na siya.
Bakit ba kasi kinuha agad siya sa'kin sobrang sakit ng puso ko.
Bumangon ako sa higaan ko at agad pumunta doon sa table nakaharap ako ngayon sa salamin. binuksan ko yung drawer at kinuha yung figurine dalawang angel ito na magkayakap.
Napangiti ako kasi ito yung pinakaunang regalong natanggap ko mula ng naging kami.Nagulat na lang ako ng aksidente ko itong nahulog dahilan para mabasag ito.
Agad ko naman itong pinulot bawat piraso."Ouch!" tugon ko pa ng makita ko yung hintuturo ko na nagdudugo.
********************************
L's P.O.V
"Alam mo kasi L, mas pipiliin ko pang makasama kayo, dahil mas mapagkakatiwalaan ko kayo at mas malapit na kayo sa'kin."
Naalala ko na naman yung sinabi ni Penelope kanina.
Hindi!
Hindi ito pwedeng mangyari!
Na-gi- guilty na ako, paano pag nalaman niya talaga yung pinaka plano ko? Magagalit siya sa'kin.
"Ahhh!!!!" napagulo na lang ako sa buhok ko.
Ayoko ng ganto.
Hindi ko na rin alam kung hanggang saan hahantong itong pagpipigil ko.
"Ginugulo ka na ba ng konsensya mo." sabay na turan ng magkapatid.
Nagsulat agad ako sa board ko. (Tigilan niyo nga ako.) at iniwas na yung tingin sa kaniya.
"Kuya siguro na gi-guilty na siya at di na siya nakapagtimpi para kainin si Ate." sabi ni Kyle na agad akong napalingon sa kanilang dalawa.
Alam na nila?
Paano...
Hindi...
"Chill lang di namin sasabihin balak mo kay Ate Penelope, nag i-enjoy pa kaming magkapatid sa panonood sa inyo." sabi ni Clyde na may ngiti sa labi.
Anong nag i-enjoy.
(Anong tingin niyo sa amin isang T.V series, entertainment show para sa katuwaan niyo.)
Tumango naman sila.
Ano bang trip ng mga batang to.
Bahala sila sa gusto nila.
Basta... Walang anoman ang makapagti-trigg..
*BLANG! (A/N: sorry mga beh di ko alam sound effect ng basag na figurine.)
"Si Ate..." sabay na sigaw ng magkapatid at patakbong lumabas ng kwarto.
Syempre required akong sumunod kasi curious din ako sa nangyayari.
Lumakad na ako papunta sa kwarto ni Penelope ng nakaamoy ako ng dugo.
Na-nakakagutom.
Gusto kong kumain.
Umiling-iling ako sa isip ko at lumapit na.
"Ate Penelope, kami na po." tugon ni Kyle na agad winalisan yung basag na figurine. Si Clyde naman ay hinawakan yung kamay ni Penelope may sugat yung hintuturo niya doon ng galing yung amoy.
Sabi ko kanina hindi ako ma ti-trigger.
"Ate dito ka muna kukuha lang ako ng band-aid" sabi ni Clyde at iniupo si Penelope sa kama niya.
Lumabas agad si Clyde at sumunod naman si Kyle.
Lumapit naman ako kay Penelope na nakayuko at tinitigan yung sugat niya.
Mas lalong nagdilim yung paningin ko.
Pwede naman tikman di ba?
Saglit lang.
Nasa harap na ako ni Penelope, di ko ma control ang sarili ko itinaas ko na yung kamay ko.
Umiling ulit ako.
No! I'm never gonna eat like those unhealthy and unmannered zombies.
Pero kahit konti lang...
Nakatitig lang ako kay Penelope ganon din yung ginawa niya at bigla siyang ngumiti sa'kin.
Naalala ko na naman yung babae.
Napaatras na lang ako.
"Ate..." sigaw nila Kyle na nasa pinto na ng kwarto agad naman akong lumabas at bumaba ng hagdan para magpalipas oras muna sa sala.
Muntik na ako doon ah...
Ipinikit ko yung mga mata ko saglit pagdilat ko nasa harap ko na yung mag kapatid na sobrang lapad ng mga ngiti.
"Nakakatuwa naman yon di ba kuya." masiglang sabi ni Kyle, na sinang-ayunan ni Clyde.
Natuwa pa talaga kayo hah.
Muntik na kaya akong mabaliw.
"Next time ulit hah." sabi ulit ni Kyle at nag umpisa na silang maglakad ni Clyde.

BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
أدب المراهقينKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...