Chapter 8

71 7 0
                                        

Penelope's P.O.V

Mga dalawang oras kalahati na rin kaming naglalakad ng matanaw na namin yung Hotel na tinutuluyan namin ng boyfriend ko.

Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti at mapalingon kay zombie guy at sa mga bata, dahil sa wakas ligtas kaming nakarating dito.

Finally makakaligo at makakapagpalit na rin ako, at makakatulog ng komportable sa kama ko.

"Nandito na tayo guys!" masigla yung turan sa kanila dahil nasa tapat na kami ng entrance.

Kita namin yung gulo at kalat sa lobby, basag na salamin, nagkalat din ang dugo sa paligid at naiwan na ilang maleta.
Halatang nang galing na rin dito yung mga zombies.

Nakakamiss yung busy itong lugar na to at isa sa mga tanyag na hotel ng bansa, pero ibang iba na ito.

Agad ko ng hinawakan ng mahigpit yung axe para sa paghahanda.

Alam kung meron pang mga halimaw na na-iwan sa lugar na to.

Lumingon agad ako kay Clyde at Kyle. "Boys, ihanda niyo ang mga panlaban niyo sa zombie kailangan maging alerto tayo at baka nandito lang sila sa paligid lagi ring tatandaan na sumunod lang kayo sa'kin." tugon ko sa kanila.

"Okay po Ate " sabay ni lang turan at inilabas nga ni Kyle yung slingshot niya samantalang si Clyde ay isang pangkuryente yung for security measures.

Tatanungin ko sana siya kung saan niya nakuha yun pero pinabayaan ko na lang.

"Ito ang plano kailangan natin malagpasan itong lobby, pumunta sa left side ng building kung nasan naka pwesto yung elevator kung hindi man gumana yung elevator doon tayo dadaan sa stairs. Paalala maging tahimik sana tayo sa pagpasok kung ayaw nating mayari tayo kung ilang zombies pa ang nakatambay dito. Okay."tugon ko sa kanila at tumango naman sila.

Well gets naman nila yung plano so okay na kami.

Papasok na sana kami ng napalingon ako kay Zombie guy. "Ikaw ang mauuna sa amin papunta elevator dahil mas alam mo ang kilos ng mga katulad mo. Okay ba?" di ko na inantay yung response niya.

All set!

Ready na kami...

Agad na naming pinauna si Zombie guy nakasunod naman yung mga bata at ako yung nasa hulihan nila.

****************************

Zombie's P.O.V

Dahan dahan akong naglakad dito sa lobby kailangan naming makalagpas sa reception table at pumunta sa left side way at mag elevator.

Nakasunod naman sa'kin yung mga bata at si Penelope.

Inilibot ko pa yung mata ko sa buong paligid. Sobrang laki naman ng lugar na to pero yun nga yung gulo.

Haha... Iba din kasi itong mga tropa ko parang mga sira basta makakain lang.

Tahimik na kaming nakalagpas sa lobby at nasa left side way na kami ng.

Patay!

Nasa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

At base sa suot niya nag ta-trabaho siya dito sa hotel.

"Kadiri!" mahinang sabi ni Kyle ng nakita niya ito. Agad niya tong sinipa papalayo dahil nakaharang ito sa daan at agad siyang na unang lumakad sa'min.

Well tingin ko naman safe na kami so relax.

Nalagpasan na namin yung patay.

Di-re- diretso lang kami sa lakad ng bigla akong nakatapak ng glass dahilan para gumawa ito ng ingay.

My Zombie BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon