L's P.O.V
Nandito kami ngayon sa likod ng school, dala namin ni Bob yong nakita naming ladder sa shop niya. Gagamitin kasi namin ito para makapasok kami sa loob ng campus at iligtas si Penelope, habang yong mga zombie na papunta sa school gate ang maninindak sa mga bantay doon.
Tatakutin lang namin sila hah...
Hindi namin si-seryosohin.Ano ba kayo? Bagong buhay na kaya kami.
Ay... Hindi pala ako kasama don. Hehe...
Na i-sandal na namin yong ladder ng maayos sa pader at siniguradong hindi ito tutumba. Nang tapos na kami ay lumapit na ako sa magkapatid na busy pa rin sa dala nilang tablet.
"Ahh... ayooss na... Angg... lahat." sabi ko sa kanila at tumango na lang sila bilang sagot. "S-sigurado bahh... kayyoo... saahh.. p-planonh toohh?" tanong ko sa kanila, para tignan nila ako.
Ngiti lang ang sinagot nila sa'kin, ngunit hindi basta simpleng ngiti. Kundi nakakalokong ngiti na ikinatakot ko.
A-anong klaseng sagot yun?
Minsan tuloy napapa-isip ako kung mapagkakatiwalaan ba sila o hindi.
Bigla tuloy natawa si Kyle, na sinundan ng kapatid niya saka nag apir. "Chill lang Kuya L, sobra kang seryoso... Enjoy." ibinalik na niya yung atensyon niya sa tablet na hawak niya.
Enjoy? Kahit alanganin yung buhay namin dito... Tapos hi-hindi ko na matitikman si Penelope, kahit konti lang.
Noohh!!!
Ito na naman iniisip ko.
Tigil muna L. iligtas mo si Penelope, para pag sobra na yung tiwala niya sayo. Makukuha mo na ang gusto mo sa kaniya.
Ayos! My big dream...
Matagal-tagal na rin akong di na kakakain ng karne ng tao.
Teka nga lang...
Parang kanina lang seryoso tong dalawa...
Ba't parang nag i-enjoy sila...
Hay! Ewan.... Di ko sila ma predict.
Muli akong sumulyap sa magkapatid na masayang nagkukwentuhan.
Pinabayaan ko na lang sila at lumapit na kay Bob, na nakasandal sa pader."Okay na ang lahat. Paano ba yan L, punta na ako sa mga kaibigan natin." ngiti niya pa.
"Sige, salamat nga pala sa tulong niyo."
"Wala yon... Malakas kayo sa'kin ni Penelope."
"L, ano na?!" napatingala ako sa taas ng pader, nandoon na pala si Kyle at si Clyde na nakatanaw sa loob ng campus.
"Sige na L, good luck! Manonood kami sa labas." ngiti niya pa sa'kin sabay takbo papalayo.
Bigla tuloy akong natawa sa sinabi niya.
Manonood.
Umakyat na rin ako sa taas ng pader at dali-daling sumunod sa magkapatid na nagsimula ng maglakad. Hanggang sa mapahinto kami sa tapat ng bubong ng isang building na malapit sa kinatatayuan namin.
"Ohh... Kay... gush p-paano tayo... arghh!!! b-baba?" kabado kong tanong ng napatingin ako sa baba na isang sementadong lupa, ngayon ko lang din na realize na mataas pala itong kinatatayuan namin.

BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Teen FictionKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...