L's P.O.V
Hindi ko alam ang gagawin ko, simula ng maging girlfriend ko siya.
Lahat ng gusto niya, lahat ng desisyon niya, yon ang nasusunod.
Gusto niya lahat ng gagawin namin nasa social media accounts niya, bingyan niya rin ako ng phone para may contact ako sa kaniya at syempre ginawan niya ako ng sariling account.
Minsan inaaway niya ako ng hindi ko alam ang dahilan.(Bakit nga ba ako pumayag dito? Hindi ko siya ma-gets, o sadyang ganon lang talaga ang mga babae.) tanong ko kay Clyde. Nakahiga kasi ako ngayon sa sofa at iniisip yung tungkol sa amin ni Penelope.
"Hindi ko alam." si Clyde, na nasa tabi ko at nagsusulat sa maliit niyang notebook.
Mukhang walang maitutulong tong session na to ayoko na. Bumangon na ako at umayos na ng upo.
"Uy! Hindi pa tayo tapos." iritang sabi ni Clyde, pero di ko siya pinakinggan.
"Ang mga babae kasi malinabo." sulpot ni Kyle, sa likod ng sofa.
(Sige nga ano ang alam ng isang 9yrs old na tulad mo, ano yung malinabo.)
Nginitian niya lang ako at tumabi sa'kin sa sofa. "Malinaw na malabo... Basta ganon... minsan naiintindihan mo, minsan hindi... mabait, sweet pero minsan halimaw lalo na pag galit."
Okay ganon pala.
Tumango na lang ako.
"Eh, noong tao ka ba may naaalala ka ba na naging girlfriend mo o asawa yung ganon?" tanong sa'kin ni Clyde.
Pinilit kung alalahain, pero umiling lang ako.
"Baka kuya lalaki yung naging jowa niya." patawa tawa pa si Kyle.
Anong sabi mo.
Bigla akong sumimangot sa harap nila at tuloy lang sila sa pagtawa."Mga walang hiya tong mga to."
Tumawa pa rin sila ng tumawa.
Ayoko na nasasayang oras ko dito lalabas na lang ako hahanap na ako ng tamang lugar na pagtatamnan ko.
Tumayo na ako sa sofa at nag umpisang lumakad.
"Uy! Saan ka pupunta nagbibiro lang naman kami ah."sabi ni Clyde na tumigil na sa pagtawa ganon din si Kyle.
Hinarap ko naman sila at ipinakita yung nakasulat sa board ko. (Mag-iikot sa buong lugar.)
"Okay..." tipid niya pang sabi.
Nasa tapat na ako ng elevator ng may tumawag sa'kin.
"L..." napalingon ako sa kaniya. "Saan ka pupunta?" tanong niya pa sa'kin.
Bigla akong napakamot sa ulo ko saka sumulat sa board ko. (Lalabas.)
"Sama ako." sabi niya sa'kin.
Sasama siya...
Eh...
"Ano ba sasama ako kailangan na nating mag update sa I.G at Facebook. Need natin na ipatotoo sa lahat na tayo." sabi niya pa sa'kin at nag niningning yung mata niya.
Alam ko na yan for fame...
Napahinga na lang ako ng malalim hindi ko siya pwedeng tanggihan or else aawayin na naman niya ako.
(Fine... magbihis ka na.)
"Okay..." nakasmile siya at dali-dali umakyat papunta ng kwarto niya.
Ilang sandali lang ay lumabas na siya na naka yellow dress at nakapusod yung buhok niya at syempre dala niya rin yung axe niya.
"Let's go." lively niya pang sabi at pinindot na yung button ng elevator.
******************************
Penelope's P.O.V
Kanina pa kami naglalakad ni L, pero di niya pa ako kinikibo, parang wala ako sa tabi niya.
Kinakausap niya ngayon yung mga Zombie na napadaan lang samantalang ako ito na ka upo lang dito sa bench nasa park kasi kami kasi sabi niya maglakad kami.Kami...
As in kaming dalawa lang pero mukhang busy siya.
Nakatanaw ako sa kanila mukhang masaya yung usapan nila.
Ugh! Nakakabagot.
Umayos pa ako ng upo sa bench, dahil kanina pa ako na ngangalay sa kakaantay sa kaniya dito. Lumipas pa yung ilang minuto hindi ko na natiis at lumapit na sa kanila, hinawakan ko pa si L sa kamay. Napatingin naman lahat ng zombie na kausap niya sa'kin.
"Argghh!! Ugggerrhhh!!! Urgh!!!" tugon ng isang zombie kay L, na tumango naman. Tinawag pa ng zombie yung mga kasama niya at umalis na.
Kumaway pa ako sa kanila bago nila kaming iwan ng tuluyan ni L.
(Bakit mo ginawa yun?) hawak niya sa board niya. Mukhang galit siya sa ginawa ko dahil nakabusangot na siya.
"Eh, bagot na kaya ako... Akala ko maglalakad tayo... Tayo lang at wala ng iba na kahit na anong istorbo." pagtataray ko sabay crossed arms pa.
Umiling naman si L. (Sorry, mahalaga lang talaga yung pinag-uusapan namin Penelope, so please understand.)
(Saka di ka naman dapat sumama sa'kin eh.)
tinaasan ko siya ng kilay "So kasalanan ko pa?"
Bigla na naman siyang sumimangot at sumulat sa board niya. (Hindi naman sa ganon eh, I'm just trying to say na pinag-uusapan namin yun about sa lupa na pagtataniman natin.)
Napabuga na lang ako ng hangin at inilagay ko na yung magkabila kong kamay sa bewang. "Okay.... Edi sana di mo na lang ako sinama dito." iniwas ko pa yung tingin ko sa kaniya.
(Dapat nga lang hindi.) galit niyang turan na ikinabigla ko.
Fine.. ito pala gusto niya.
"Sige uuwi na lang ako... Thank you na lang ulit." sigaw ko sa kaniya.
hindi ko na siya inantay pang sumagot dahil na una na akong maglakad sa kaniya.Nakakainis talaga siya.
Sobra... Nakakagigil!
Napatigil na lang ako sa paglalakad ng na realize ko naiwan ko yung axe ko sa bench.
"Ugh! Balaha na nga siya uuwi na ako." inis ko pang turan at bumalik na sa paglalakad.
******************************
3rd person P.O.V
Nakatanaw lang si Evie, doon sa Zombie at sa babae na mukhang nagtatalo na matapos umalis yung mga Zombie na kasama nila kanina.
Sinisigurado ni Evie na di siya makita ng mga to, dahil in-o-obserbahan niya ang kilos at galaw ng dalawa. Matapos ng pagkikita nila doon sa clothing store ay ini-utos na sa kaniya ni Blaze na sundan ang dalawa.
Nanlaki yung mga mata ni Evie ng sumigaw yung babae saka nag-umpisa lumakad pa palayo. Na iwan naman yun Zombie na dismayado at napa-upo na lang sa bench katabi nong palakol na na-iwan ngayon ng babae.
Agad na kinuha ni Evie yung phone niya at tinawagan si Blaze.
"Itutuloy na po ba natin yung plano?" tanong ni Evie sa kabilang linya.
"Gawin mo na." sagot ni Blaze at ibinaba na ni Evie yung phone niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/160476787-288-k207596.jpg)
BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Ficção AdolescenteKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...