Penelope's P.O.V
Hayts! I'm so tired na, ayoko na kanina pa kami naglalakad nitong zombie na to, but di pa rin namin tanaw yung hotel.
Hala! Baka niloloko na ako nito, ah. Baka nililigaw niya na ako. Tapos kakainin.
Wahhh!!!!!!!!!!
Hindi pwede! No! Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang makita sila Mommy at Daddy, at syempre mas gusto kong mamatay ng maganda kesa ito ako mukha akong pulubi sa kanto.
Noh!!!!!
Napasabunot na lang ako sa buhok ko, nang na realize ko nakatitig pala sa'kin tong Zombie guy, agad akong umayos.
Naka- poker face siya habang nagsusulat sa board niya na agad ipinakita sa'kin. (Wag kang mag alala di ako interesado sa buto buto.)
Me!
Buto-buto?"How could..." Di ko na tinapos yung sentence ko kasi inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglakad.
Ilang minuto pa ang lumipas sa paglalakad namin ng napahinto itong si Zombie guy.
"Why?" tanong ko sa kaniya kasi sobrang curious ako sa ginagawa niya.
In-amoy niya kasi yung hangin at nilibot yung mga mata niya. Agad siyang umatras at bumalik sa dinaanan namin kanina.
"Hoy! Ano bang problema mo saan ka pupunta?" sigaw ko pa sa kaniya.
Di na naman niya ako nilingon kaya sumunod na lang ako ulit sa kaniya.
Hanggang napahinto kami dito sa mga kumpol ng kotse na na-iwan dito sa daan yung iba umaapoy pa.
"Ano bang meron? Bakit tayo bumalik dito?" tanong ko sa kaniya.
Nakatingin ako sa mga mata niya na nagngingitngit sa galit, at tinignan ko yung nakasulat sa board niya. (May nakasunod sa atin.) agad niyang inilibot yung mata niya sa paligid.
"Nakasunod? Zombie ba to?" tanong ko sa kaniya at in-alerto to ang sarili ko hawak ang axe ko.
Mayamaya napansin ko sa di kalayuan yong pulang kotse may gumagalaw kasi doon at tama nga ako kasi nakakita ako ng cap. Dahan dahan akong lumapit doon ng nakakita na naman ako ng pares ng mata.
Hmmh!
"Sabi ko kasi sayo, eh. magtago ka ng mabuti." narinig ko na sigaw ng isang boses ng batang lalaki.
"Eh, ikaw kasi eh, ang bilis mong lumakad." angal naman ng isa na hala sa tono ang galit niya.
Lumapit pa ulit ako para makita yung nakatago sa likod ng kotse.
Nang bigla.
"Arrrwwwrrr!!!"
"Zombie guy!!!" sigaw ko.
Nakita ko kaagad yung pagtayo ng dalawang batang lalaki na halatang gulat din sa nangyari.
"Lumayas ka dito Zombie." sigaw ng pinakabata siya yung napansin ko na may cap kanina, hawak ang isang slingshot.
"Kung ayaw mong patayin ka namin." sigaw din ng isa mas matanda naman siya at may hawak siyang pepper spray.
Nakatutok yung hawak nila sa zombie na nagtaas agad ng dalawang kamay.
Bago pa nila magamit iyon ay hinarang ko na ang sarili sa gitna nila.
"Woah! Guys chill baka makasakit kayo sa mga hawak niyo. So okay ibaba niyo na yang mga toys niyo." tugon ko sa kanila.
"A Zombie is a monster, so he deserve to die." seryosong tugon nong pinakamatanda na bata.
Umiling na lang ako at agad hinawi pababa yung mga hawak nila para iiwas kay zombie guy.
BINABASA MO ANG
My Zombie Boyfriend
Teen FictionKathleen Penelope Smith, maganda, matalino, maldita, sosyalera girl na mag su-survive sa Zombie apocalypse . Makikilala ang isang pihikan na Zombie Guy (L) na sumasama lang sa kaniya for his own purpose. Paano na lang kung magkagusto sila sa isa't...