Kabanata 1

294 13 0
                                    

CHAEBI's POV

3pm in the afternoon, nandito na ulit ako sa likod ng old building, wala naman dito si kuyang galit, mukang di na ulit siya pupunta dito, haay

Pagtapos ko tignan ang mga flowers na inaalagaan ko, may biglang dumating

At sumigaw bigla sa harap ko

 

"Hoy ikaw ! bakit ba laging nandito ka? !" Sigaw niya, paglingon ko sa sumisigaw , siya din pla ulit yung lalaking masungit kahapon, galit na naman ata siya sa akin -_- wala naman akong ginagawang masama

"Ah eh kase yung mga bulaklak inaa--" naputol ako sa sinasabi ko dahil hinatak niya na kwelyo ng suot ko

"Ikaw humanda ka sa akin bukas! Ayaw mo makinig ah, pwes papahihirapan kita!" Nagulat at natakot ako sa sinabi niya, ano bang nagawa ko? -_- nkakatakot na siya, tska sino ba siya? Di ko nga siya kilala eh. Pagkatapos niyang sabihin sa akin yun, umalis na siya agad.

Sobrang kinakabahan ako pero kailangan ko kumalma, kailangan kalmado lang ako, hingang malalim. Chill lang.

GLENN's POV

Nakakainis naabutan ko na naman siya na nasa likod ng building na yun, bakit ba di siya nakikinig sa akin? Napaka tigas ng ulo ng babaeng yun pwes ngayon malalaman niya kung paano ako magalit, humanda siya sa mga gagawin ko sa kanya.

Pagkaalis ko sa lugar na yun, agad kong pinuntahan sina Van,Ron,Hans, at Charlie, nakatambay lang sa quadrangle ng school, mga nakahiga na sa bermuda grass

 

"Hoy tumayo kayong lahat diyan! May papagawa ako sa inyo!" Sigaw ko

 

"Oh ano yun Glenn? Sinong siraulo na naman ang kaaway mo? Resbak na ba tayo?" Tanong ni Hans

"Basta gusto ko kilalanin niyo yung babaeng laging punta ng punta sa likod ng lumang building sa tabi nung Cafe Corner" sabi ko

"Bakit glenn ano ba ginawa sayo ng taong yun?" Tanong ni Ron

 

"Basta hanapin niyo kung sino siya, at bukas na bukas gusto ko ipahiya niyo saya sa buong school para matauhan siya!" Pasigaw kong sinabi

 

"Osge susundin ka na lang namin, kami na bahala sa taong yun" sagot ni Charlie

"Siguraduhin niyo yan!" At umalis na ako habang sila naman ay pumunta na sa likod ng old building na yun

 

RON's POV

 

"Oh mga pare tara na, nangagalaiti sa galit na naman si Glenn" sabi ni Charlie

Ewan ko ba kung sino na naman ang nakaaway ni Glenn at gusto niya na naman ipahiya sa buong school pa talaga, Alam naman naming lahat na ganun na si Glenn simula pa noon, siya ang may hawak sa aming apat, dahil siya ang pinakamayaman sa amin at siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon di pa nalulugi ang company ng mga pamilya namin, ang pamilya ni Glenn ang may hawak ng lahat, sila talaga ang pinakamalakas sa lahat kaya lahat ng gusto nya sinusunod lang namin.

"Charlie,saan ba yung lugar na yun ulit? " Tanong ko kay charlie

"Diyan lang sa may tabi nung Cafe Corner" sagot ni Charlie

"Eto na tayo" sabi ni Van, nung nakarating na kami sa likod, nagulat kami sa nakita namin.

May isang babae mukang anghel na nagdidilig ng flowers , nagulat siya kaya nabitawan nya yung tubig na hawak niya

"Ay! Nagulat naman ako sa inyo " sinabi nya sa amin sa pinakamahinahon na tono

"Ikaw yoonnn?????" Tanong naming lahat ng sabay sabay

"Po? Anong ako?" Nagtataka niyang tanong 

"We mean, ikaw ba yung nakaaway ni Glenn dito?" Tanong ni Hans, ano ba tong si Hans,nagtanong pa eh, parang wala namang kaalam alam tong babaeng sa tinatanong niya tss

 " Nakaaway? Sino si Glenn? Siya ba yung laging pumupunta dito na galit at pinapalayas ako?" Tanong niya sa mahinahon na naman na tono

"Oo? Teka bakit ba galit siya sayo? Tsaka ano nga naman ba ginagawa mo dto?" Tanong ni hans

"Di ko din alam eh, basta galit siya lang lagi pag pumunta siya dto, kaibigan nyo ba siya?" tanong nung babae

"Oo teka girlfriend ka ba ni glenn?" Tanong ni Van,

Bigla namin siya binatukan dahil mukang di naman gf ni Glenn etong babae na to, dahil mukang masyadong mabait siya para kay Glenn

"Ay hindi, ngayon ko nga lang nalaman pangalan nya, di nya kase ako kinakausap ng maayos eh" sinabi niya habang medyo nakangiti ang mga labi sa amin, ang ganda niya

"Ay ganun ba, mukang mali lang kami ng hinahanap kung ganun, osige alis na kami by the way anong pangalan mo?" Tanong ni Van

" Ako si Chaebi Natalie Perez :) " nakangiti niyang sinabi, di namin naiwasan na ngumiti din sa kanya at isa isa kaming nagpakilala

"Nice to meet you all :)" sabi niya sa sa amin habang nakangiti na naman, pagtapos nun ay umalis na kami

Habang naglalakad na kami paalis, tinanong ko sila

" Mga pare sya ba talaga yung kaaway ni Glenn?"

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon