Kabanata 14

91 10 5
                                    

GLENN’s POV

Nagdecide muna kaming bumili ng pagkaen dahil magmomovie marathon kami mamaya. Pagtapos nun ay dumiretso na kami sa condo ko.

"Babe ang laki pala ng condo mo noh?" Sabi niya at umiikot siya ng tingin sa condo ko hanggang sa umupo siya sa sofa ko at humiga

"Oo eh, kaso mag isa lang ako" sabi ko at lumapit ako sa kanya sa sofa bumangon siya at niyakap ako, ang bango bango niya talaga kaya gustong gusto ko na niyayakap siya eh

"Nandito na ako di ka na magiisa" sabi niya at hinalikan niya ako, for the first time hinalikan niya ako, di ko mapigilan ang bugso ng damdamin ko kaya mas ginantihan ko siya ng mas maiinit at madidiin na halik. Mas lumalapit na ang katawan ko sa katawan niya ngayon, nakapikit na ako at napapahiga na siya at unti unti na akong pumapatong sa kanya.

Nang biglang tumunog ang doorbell, dumating na pala ang inorder namin na Pizza. Pagkakuha ko nung Pizza, bumalik ulit ako sa sofa at tumabi sa kanya na ngayon nanunuod na lang ng TV,inabutan ko siya ng Pizza at napansin kong pulang pula siya dahil siguro yun sa halikan namin kanina. Nabitin ako dahil sa Pizza na dumating,naiisip ko na ganun din si Cha pero di ko pwede ituloy kung ano man yung gagawin namin dahil natatakot ako na baka may mangyare na namang masama sa kanya dahil sa akin.

 

CHAEBI’s POV

Di ko pa rin maalis yung kaba na naramdaman ko kanina, parang gusto nang umalis ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba. Pinilit kong kumalma dahil ayokong magalala si Glenn.

"Baby Cha, okay ka lang ? You want more pizza pa?" Sabi ni Glenn sa akin habang kumakaen siya ng pizza

"Busog na ako babe " sabi ko at ngumisi sa kanya

Pero lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko

"I'm sorry kanina baby, nadala lang ako, I won't do that again huh " sabi niya at  hinalikan niya ako sa noo, inaamin ko nadala din ako sa nangyare kanina pero alam kong mali, di pa pwede ngayon at I'm thankful na naiintindihan naman ako ni Glenn, maybe in the right time mangyayare din yun.

"Thank you babe" sabi ko at nakangiti ako sa kanya at ganun din siya sa akin tapos inabot niya naman yung remote ng TV niya para piliin ako ng papanuorin

"Baby pili ka na ng papanuorin natin" sabi niya at namili na nga ako , ang napili kong panuorin ay yung A Walk to Remember, pumayag naman si Glenn na yun ang panuorin namin

So we watched it, and after nun kinabukasan parehas maga mata naming dalawa dahil nakakaiyak pala yun kaya ko happy ending eh huhu

"Baby tignan mo mata natin maga haha" sabi ni Glenn

"Oo nga baby eh haha" sabi ko at niyakap niya ako bigla

"Mas mabuti nang sabay tayong umiyak kaysa makita kitang umiiyak magisa" sabi niya at mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.

 

GLENN’s POV

Kakatapos lang namin magbreak fast ni Chaebi nung biglang may nambulabog sa condo ko at as usual sina Ron, Charlie at Hans na naman syempre.

 

"Pare dapat inivite mo man lang kami kagabe haha" sabi ni Charlie

"Pampagulo lang kayo noh" sabi ko

"Ano ginawa nyo kagabi ni Chaebi ha?" Sabi ni Hans na nakangisi pa, buti na lang at nasa kwarto si Chaebi naliligo kaya di niya maririnig mga pinagsasabi ng mga to

"G*go, nanuod lang kami ng movie" sabi ko at binatukan ko si Hans at nagtawanan lang sila

"Mabuti naman" sabi ni Ron sa seryosong tono, nakakapagtaka na di niya ako pinagtripan ngayon pero di ko na lang pinansin

"Maga mata mo glenn? Nagkaiyakan kayo? Haha" sabi ni Charlie na lahat na lang pinupuna

"Nakakaiyak kase yung movie " sabi ko at binatukan ko din si Charlie

"Ang lambot na talaga ng puso ni fafa glenn haha" sabi ni Hans , babatukan ko ulit sana pero nakailag tss

Tawanan lang kami ng tawanan hanggang sa lumabas na ng kwarto si Chaebi, di mapigilan sarili ko gusto ko siyang amoy amoyin dahil ang bango bango niya

"Oh nandyan pala kayo hehe" sabi ni Cha habang nakangiti tapos lumapit siya sa akin, syempre hinawakan ko agad beywang niya, she's so sexy, di na payatot tingin ko sa kanya syempre haha

"Cha, I miss your cookies " sabi ni Ron at nagpuppy eyes pa sa baby Cha ko, tss naginit bigla ulo ko tss

 

" Sure, gagawan ko kayo" sabi ni Cha at dumiretso nga siya sa kitchen at sinundan siya nung tatlo tinignan ko lang ng masama si Ron pero di siya kumibo tss

Buong pagbabake ni Cha sa kitchen nakasimangot lang ako at di niya napapansin yun dahil busy siya sa pakikipagdaldalan sa kanila lalo kay Ron tss

Pagtapos maluto nung cookies nilapitan ako ni Chaebi habang yung tatlo busy sa panunuod at paglalapang ng cookies

"Baby what's wrong?" Sabi niya at hinawakan niya agad kamay ko, nanghina ako agad parang nawala agad tampo ko sa kanya

"Nothing baby" sabi ko in a cold tone , bigla niya naman hinawakan pisngi ko, nakapakalambot ng kamay niya nakakainlove lalo

"Baby wag na magtampo huh" sabi niya at hinalikan niya pisngi, sh*t alam na alam niya kahinaan ko kaya napangiti na lang ako tapos umupo na kami sa living room kung saan nanunuod din yung tatlo

Habang nanunuod kami si Chaebi pa mismo nagsusubo ng Cookies para sa akin, she's so sweet that's why I love her more.

Napansin ko na lang na ang sama ng tingin ni Ron sa akin kaya tinignan ko siya ng masama. Umiwas na siya ng tingin agad sa akin. Nagtataka ako sa inaasta niya ngayon, alam niyang akin na si Chaebi pero parang may plano siya na di ko alam tss

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon