CHAEBI’s POV
After 3 years, babalik na ulit ako sa Pinas. This time I'm staying for good para kay Glenn. I'll surprise him.
"Baby Cha, ready to go na?" Sabi ni Kuya Chad habang nakatayo ako sa labas ng car niya at siya naman ay pasakay na sa driver's seat
"Of course kuya. :))" sabi ko with excitement at agad sumakay sa car
On the way kami sa airport, may halong kaba at excitement sa nararamdaman ko dahil muli ko nang masisilayan ang mukha ni Glenn
"Cha, si Ron magsusundo sayo huh, kinausap ko na siya" sabi ni kuya, di na ako magtataka dahil alam kong kay Ron niya naman ako pinagkakatiwala lagi
"Sige kuya." Sabi ko at tumingin lang sa labas
"Cha, okay lang sa akin kung gusto mo makita si Glenn. 3 years ago nung naaksidente ka, bago ka pa magising halos araw araw siyang nagbabantay sayo" sabi ni kuya habang nakatingin pa din siya kalsada at nagdidrive. Di ko alam na nandun si Glenn, akala ko nakalimutan na niya ako. Akala ko ako nalang umaasa na mahal niya pa din ako. Mas lalong akong naging hopeful sa narinig ko , maaring inaantay niya din ako kaya napangiti ako.
"Tama nga na babalikan ko siya" sabi ko at tumango lang si Kuya
"Di na ako hahadlang sa lovestory nyo. Haha" sabi niya at tumawa pa, natawa na lang din ako. Nagpakontrabida ba naman kase kuya ko nung una eh haha
GLENN’s POV
Pagkagising ko nagulat ako nasa couch na ako nakahiga sh*t Paano ako napunta dito?
9am na pala at ang sakit ng ulo. Sh*t Hangover tss maya maya may kumatok sa pinto ng office ko
*tok tok tok*
"Sino yan?" Sabi ko at nagmadali akong ayusin ang sarili ko
"Si Cha po sir, I brought you some hangover remedy" sabi niya, at biglang nagflashback ang mga nangyare kagabi sh*t nahalikan ko ata siya tss kailangan ko magsorry sa kanya
"Okay come in" sabi ko at agad naman siyang pumasok may dalang cup a of hangover drink at nilapag yun sa table ko
"Sir eto po, inumin nyo po" sabi ni Charmaine, at ngiting ngiti pa siya, tumingin lang naman ako kanya, nagtataka ako bakit parang ang saya saya niya ata
"Salamat, hm sorry nga pala kagabi" sabi ko at nakita kong namula ang pisngi niya kaya yumuko na lang ako
"Wala yun sir" sabi niya at ngumiti lang tapos tumalikod na siya at umalis
Ang weird bakit parang ang saya saya pa niya. Haay Nagpasiya na lang ako umuwi para makapagpahinga muna pero bago ako umuwi nagpagawa muna ako kay Kara ng Apology Cake para kay Charmaine.
CHARMAINE’s POV
Nagulat ako nung biglang iabot sa akin ni Kara ang isang Cake
"Oy Cha, ang landi mo. Pinagawa yan ni Sir para sayo, ano ba kasalanan niya sa huh?" Sabi ni Kara at nakakunot pa ang noo. Kinuha ko ang hawak niyang cake at nanlaki ang mata ko, nakasulat sa cake ang salitang "I'm sorry Cha". Wihihi kinikilig ako :")
"Ah wala haha" sabi ko at tumawa. Inirapan lang ako ni Kara
"Hay nako Cha, wag ka umasa na gusto ka niya dahil isang babae lang ang minahal nun" sabi ni Kara at umalis, napaisip ako sa sinabi niya at napawi ang ngiti ko dahil maaring ngang wala lang to para kay sir Glenn haay
BINABASA MO ANG
ORANGE LOVE
Aktuelle LiteraturGlenn and Chaebi. Meet in unexpected place and time. And Love unexpectedly.