Kabanata 23

89 9 0
                                    

GLENN’s POV

Ngayong araw na ang dating ni Cha, I'm hoping na sana maisip niyang pumunta dito. Sana maisip niya ako.

Pumunta muna ako sa Orange Place para tignan ang mga flowers. Umupo muna ako sa chair na nasa swing. Mayamaya may biglang tumabi sa akin at nakita kong si Charmaine yun kaya tinanong ko siya.

"Bakit ka nandito?" Sabi ko at tumingin siya sa akin na nakangiti

"Nagpapahangin lang sir." Sabi niya at tumingin lang uli sa mga flowers

"Please lang charmaine, could you please go somewhere else. I want to here alone" sabi ko, dahil ayoko nang may kasama tuwing nandito ako, si Chaebi lang ang gusto kong nasa tabi ko

"Sorry sir" sabi niya at nakita ko ang namuong luha sa mata niya at tumayo siya upang umalis.

Pero nakonsensya ako bigla dahil pinangako ko na sa sarili ko na di na ako mananakit ng ibang babae, kaya hinatak ko ang kamay niya kaya muntik na siya matumba pero nasalo ko siya at umiyak siya sa dibdib ko habang nasa posisyon kaming yun.

Biglang nagbukas ang backdoor at nakita ko si Chaebi na nakatayo may hawak siyang box na may cookies, gulat gulat siya sa amin kaya nabitawan niya ang box at agad siyang tumakbo palabas. Bigla kong binitawan si Charmaine at tumakbo palabas ngunit nahuli na ako. Nakaalis na si Chaebi. Nasaktan ko na naman siya. Tss sh*t ka Glenn. Sh*t

CHAEBI’s POV

Excited akong pumunta sa Lovely Haven dahil alam kong nandun lang si Glenn. Ngunit di ko maasahan ang nakita ko. May nakayakap sa kanya babae. Di ko inaasahan na may iba na pala akala ko ako pa din. Akala ko ako lang. Kaya agad akong umalis doon na punong puno ng lungkot at luha ang mga mata. Gusto ko lumayo at di muli pang magpakita pa kay Glenn, hindi na niya ako kelangan. Sana di na ako bumalik. Haay

"Cha, stop crying na" sabi ni Ron na nasa tabi ko ngayon. Nasa bahay kami ngayon dahil wala naman akong ibang mapuntahan at gusto ko magkulong sa kwarto ko.

"Akala ko Ron ako pa din mahal niya" sabi ko habang walang tigil pa din sa pag iyak

"Baka naman kaibigan niya lang yun Cha, mag usap muna kayo, matagal ka niyang inantay alam ko yun" sabi niya habang pinapakalma ako sa pagiyak

" Pero sino yung babaeng yun? Kayakap niya?" sabi ko at tinakpan ang muka ko

"Wag ka magalala kakausapin ko muna siya, basta tumigil ka na dyan" sabi niya at humiga na lang ako sa kama ko tapos natulog na

RON’s POV

Iniwan kong natutulog si Chaebi. Nakatulog siya kakaiyak dahil kay Glenn. Tarantadong lalaki yun, nandito na nga inaantay niya, pinaiyak pa ulit tss humanda siya sa akin.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon