Kabanata 13

100 9 0
                                    

GLENN’s POV

Si Chaebi talaga ang pinakamabait na tao na nakilala ko. Pinagsisihan ko yung mga oras na halos ipagtabuyan at sinaktan ko siya. Di ko dapat pinaramdam sa kanya yun ka mas lalo akong bumabawi sa kanya ngayon dahil ngayon ko lang naranasan magmahal ng ganito, kay Cha lang at siya lang ang mamahalin ko wala nang iba.

Kahit anong mangyare siya pa din.

Magkikita kita na naman ulit kami magbabarkada dito sa Lovely Haven ngayong araw. Nagtext ako kay Cha na susunduin ko siya

To: Baby Loves Cha :*

Baby, sunduin kita dyan ng 2pm huh.

 

Nagreply siya agad

Babe, sasabay na lang ako kay Ron dumaan kase siya ngayon dito eh.

Nagtataka ako kung bakit pumunta si Ron kay Chaebi ngayon, siguro may pinapasabi lang Kuya ni Cha sa kanya, simula kase nung nangyare yung pagkakamali na nagawa ko noon, naging Bad shot na ako ng tuluyan kay Chad, bestfriend ko siya simula pa noon. Inaamin ko ang malaking katangahan talaga na pinahamak ko si Chaebi, alam ko mali yun kaya nagsisi ako, di ko naman kase akalain na siya pala ang kapatid ni Chad dahil ang alam ko nasa ibang bansa pa din ang kapatid niya. Haay isa na lang talaga hiling ko ngayon sana di nila ilayo si Chaebi sa akin dahil siya ang nagbigay ng kulay sa buhay ko at ayoko siyang mawala.

Saktong 3pm nasa Lovely Haven na ako at nandun na din si Cha, Hans, Ron, at Charlie.

Sumalubong agad ng yakap si Cha sa akin at nakipag apir naman ako sa mga tropa ko, umorder muna kami ng coffee at cakes

"Pare, uuwi daw next month si Chad." Bigla sabi ni Ron noong pagkaupo namin, bigla akong kinabahan dahil sigurado akong ilalayo niya si Chaebi sa akin

 

"Bakit daw?" Sabi ko

"Dadalawin niya lang si Cha daw, tsaka gusto ka daw niya makausap" sabi ni Ron, di ko alam kung good or bad news yun eh, napatingin ako kay Cha na nakatitig sa akin na halatang nagaalala

 

"Babe don't worry haharapin ko siya huh para sayo" sabi ko at medyo umaliwalas ang muka ni Cha at ngumiti

"Ipaglaban mo si Cha , Glenn" sabi ni hans na seryosong nakatingin sa akin

"Ipaglalaban niya yan syempre haha pinabugbog niya ba naman tayo para kay Chaebi eh" sabi ni Charlie na tumatawa , siniko tuloy siya ni Hans dahil sa sinabi niya, aminado naman ako sa sinabi ni Charlie, masiyado ko kasing inuuna lagi ang galit na nararamdaman kaya kung ano ano pagkakamali nagagawa ko sa iba

"Kumaen na kayo haha" sabi ni Cha para mawala ang seryosong aura na bumabalot sa amin , mga 6pm napagpasiyahan na namin umuwi dahil di naman pwedeng magpagabi si Cha

"Sige ingat kayo ah" paalam ko sa mga barkada namin habang pakasakay ni Cha sa sasakyan ko at sila din ay sasakay na sa kani kanilang sasakyan

Habang nasa biyahe kami kinausap ko si Cha

"Baby can I sleep with you?" Sabi ko bigla at kitang kita ko ang pagkagulat sa mata niya

"What babe?" Sabi niya na halatang nagtataka sa akin

"I mean, makakasama lang kita matulog, no other things babe, we will just sleep" sabi ko sabay tingin at ngisi sa kanya

"Ah kala ko kung ano eh, tignan ko kung papayag si mama, sleepover ba?" Sabi niya, obviously napakainosente niya habang nakatingin sa akin at nagaantay ng sagot, napakaganda niya talaga

"Parang ganun na nga babe" sabi ko at ngumisi ulit

"Osge kelan ba babe? Sama natin sina Ron, Hans, at Charlie? Sayang wala si Van" sabi niya at ngumuso, haha sleepover talaga naisip niya, di niya ako nagets na gusto ko siya makatabi lang matulog anobayan alangan naman magkakatabi kaming lima matulog,parang bata talaga to si Chaebi haha

" Hindi babe gusto ko tayong dalawa lang, gusto ko masolo kita" sabi ko at nanlaki na naman mata niya

"Ay ganun ba kala ko sleepover na maramihan, hm okay lang naman babe" sabi niya at ngumisi sa akin

"Pwede ngayon na babe? Dun tayo sa condo ko" sabi ko at nagulat na naman siya, nagiba na din ako nagdireksyon ng di niya napapansin, papunta na kaming condo ko ngayon

"T-teka glenn, di pa ako nakapagpaalam eh" sabi niya at ngumuso na naman sa akin, sh*t she's so adorable

"Nagtext na ako kay tita, hehe ayos lang daw" sabi ko , dahil bago pa man kami umuwi kanina nagpaalam na ako sa mama niya , may tiwala naman sa akin ang parents niya kaya ayos lang sa kanila na kami ni Cha, ang kuya lang talaga niya ang hindi

"Talaga babe? Sana sinabi mo agad" sabi niya ngumisi siya sa akin. Ang saya ko na kasama ko si Chaebi sana di na matapos ang araw na to, gusto ko siya makasama lagi at di ako papayag na mapaglayo kami ng kahit sino man.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon