GLENN’s POV
After 3 years
I miss her smile, her touch, her laugh, her kiss , her hug. I miss everything about her. Tumatakbo na ang panahon pero yung puso ko nasa oras pa din kung saan minahal ko si Chaebi. Ganito ba talaga? Pagmabilis nagumpisa, mabilis din matatapos?
Ayokong isip na tapos na kami. Mahal ko pa siya alam kong babalik pa siya kahit di na para sa akin, basta makita ko lang siyang masaya, magiging masaya na din ako.
"Sir nandito na po yung bagong crew" sabi ni Kara pagkadating ko sa Lovely Haven. Tumango lang ako at tinignan ko ang katabi niya, mukang ito yung bagong crew namin dito.
"Hello po sir ako si Charmaine Sanchez. You can call me "Cha" for short." Sabi niya habang nakangiti at nagabot ng kamay sa akin para makipagshake hands, kinamay ko naman siya
"I'm Glenn Adam Santiago, I'm the owner of this Pastry Shop. You can call me "Glenn"." Sabi ko at ngumiti sa kanya, maputi at chinita siya,maganda at halos kasing tangkad lang ni Chaebi, parehas sila ng facial features, soft and fragile din siya tignan. Mas payat siya kay Chaebi pero naalala ko ang itsura ni Chaebi sa kanya
Pagtapos ko makipagusap sa kanila pumunta na ulit ako sa Orange Place, narerelax talaga ako sa lugar na to. Lahat ng stress sa utak ko nadadrain pagnandito ako. Nagpasya akong pumikit at umupo muna dito. Pagdilat ko nagulat ako kay Charmaine dahil nakatitig siya sa akin habang nakatayo siya sa harap ko.
"What?" Sabi ko at kumunot ang noo ko
"Sir panyo oh, may dumi ka sa mukha" sabi niya at sabay abot sa akin ng panyo. May naalala ako si Chaebi, this is the exact position kung saan kami unang nagusap.
"Thanks, may panyo ako" sabi ko at kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunas sa mukha ko. Nakita ko naman na yumuko si Char at umalis sa harap ko.
Di ko na lang siya pinansin. After 10 mins umalis na din ako at umuwi na sa condo ko. Naalala ko pa din lagi yung una at huling gabi na nakatabi ko si Chaebi. I can't forget her and I think I will never be.
CHARMAINE’s POV
"Thanks,may panyo ako" sabi ni Glenn, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nung sinabi niya yun, nireject niya yung offer ko na panyo.
Masungit pa din pala siya hanggang ngayon kala ko mabait na, sobrang gwapo pa naman niya. Kung ilalarawan ko si Glenn, para siyang modelo, his nose, his jawline , his lips, his eyes are all perfect. Especially his body he is really hot. Lahat naman silang magkakaibigan halos gwapo pero si Glenn talaga pinakamaappeal. Kilala ko sila dahil NFU din ako nagaral dati at naging classmate ko sila ni Ron nung high school, sikat na sikat sila sa school. Obviously Crush ko siya kaya nagpumilit ako makapagtrabaho dito sa Lovely Haven. Nakakatuwa na ang isang tulad niya na maangas, masungit , at bad boy tignan ay may isang pastry shop na ganito. I find it sweet hihihi
Kinabukasan excited na naman ako pumasok dahil alam kong araw araw kong makikita si Glenn. Kaya masaya talaga. Haha
8am na at ayan nakikita ko nang pababa ng sasakyan niya si Glenn. Umayos kaming lahat at hinarap siya pagpasok niya ng shop. We greet him.
"Goodmorning sir" sabi naming lahat with smiles
"Goodmorning din" sabi ni Glenn at ngumiti siya sa amin. Halos matunaw ako sa ngiti niya. Hihi
Pagtapos nun pumunta muna siya sa office niya sa taas ng building tapos kami naman ay nagstart na magwork.
Sakto lang ang dami ng tao, di masiyadong stressful trabaho dito dahil puro pastries and coffees lang naman ang siniserve namin.
"Cha, dalin mo naman to sa taas para kay Sir Glenn" Sabi ni Kara, at may inabot siya sa akin na hot coffee at strawberry cheesecake na may nakalettering na "Cha" . Sh*t bigla akong kinabahan, para sa akin ba to?
"Osge " sabi ko at inakyat ko na yung dala ko sa office ni Sir, kinatok ko muna yung door then pumasok na ako
"Sir eto na po yung coffee and cheesecake mo" sabi ko at tinuro niya na ilapag ko sa table niya
"Salamat" sinabi niya ng di tumitingin, napatingin ako sa frames na nasa likod niya puro picture ng isang magandang babae, bumagsak ang puso ko sa pagkabigo sguro siya si Cha, siya yung Cha ni sir at hindi ako. Haay
Tumalikod na lang ako at aalis na sana pero bigla akong tinawag ni Glenn
"Char, sorry sa nangyare last time. I didn't mean to reject your handkerchief, di lang talaga ako nanghihiram ng panyo" sabi niya at humarap ulit ako sa kanya
"Ayos lang po yun sir, I understand" sabi ko at ngumiti
"By the way, you can have this strawberry cheesecake." Sabi niya at inaabot niya sa akin yung cake
"Sir wag na po, ayos lang po " sabi ko habang umiiling pero tumayo siya at nilapitan ako
"You can have it" sabi niya at kinuha ang kamay ko at pinatong ang plate na may cheesecake. Sh*t kinikilig ako, pero di ko magawang tumili dahil sobrang lapit namin ng crush ko sa isa't isa.
Pagkatapos niyang iabot sa akin, ngumiti pa siya sh*t talaga pwede na ako mamatay joke haha
Umupo na ulit siya sa swivel chair niya at humigop ng kape, sana ako nalang yung cup para matikman ko yung lips niya na mamula mula and so kissable
Bago pa ako maestatwa ng tuluyan ay nagthank you na ako sa kanya at bumaba. Halos di ako makahinga sa loob ng office niya. Tinignan ko ulit yung hawak ko na cheesecake parang ayaw ko kainin gusto ko lang itago para souvenir. Haha dahil may "Cha" na nakalagay dun sa cake, sa tingin ko ginawa niya talaga ito para sa akin. Sobrang kinikilig pa din ako. Ako si Cha ni Sir Glenn. I can't believe it. Ang swerte ko naman. Hihihi
BINABASA MO ANG
ORANGE LOVE
Ficção GeralGlenn and Chaebi. Meet in unexpected place and time. And Love unexpectedly.