Kabanata 21

84 8 0
                                    

CHARMAINE’s POV

Kinabukasan, masayang masaya ako pumasok sa Lovely Haven. Syempre makikita ko na naman si Glenn my loves. Yiiiiee :")

"Goodmorning kara" bati ko kay kara na kakarating pa lang din sa shop

"Goodmorning Cha, maghanda ka na ah, mamaya mapupuno ng gwapo tong shop haha" sabi niya at mukang kinikilig pa.

"Bakit? Anong meron?" Sabi ko at nagtataka

"Ano ka ba? Thursday ngayon. Every Thursday nandito ang mga tropa ni Sir Glenn. Ay oo nga pala bago ka lang" sabi niya at nanlaki mata ko. OMG. Mapupuno nga ng gwapo dito mamaya. Gosh. Sana makayanin ko ang kilig mamaya haha chooosss

"Grabe. Totoo ba yan? Kay sir Glenn pa nga lang kinikilig na ako eh, pano pa pagnandyan na buong tropa niya hihi" sabi ko at nagtawanan kami

Nagumpisa na kaming magtrabaho, nung mga bandang 7pm dumating na sina Hans at Charlie. Mga barkada ni sir Glenn. Grabe ang gwapo pa din nila. Wihiii. Naglakad sila papunta sa counter, kung saan nakapwesto ako sa cashier.

"Hi girls, where's Glenn?" Sabi ni Charlie at tinikod niya ang isa kamay niya sa counter,  kumindat pa sa akin, nataranta ako bigla. Mas gwapo siya pagmalapitan.

"Nasa office niya po sir" sabi ko at ngumiti siya, tinignan naman ako ni Hans na nasa likod niya

"Ikaw yung bago?" Sabi ni Hans

"Opo sir " sabi ko at ngumiti

"Ah, by the way I'm Hans and this one is Charlie" sabi niya at ngumisi

"And I guess you are Cha" sabi ni Charlie habang turo niya ang name plate ko at ngumisi, kaya tumango na lang ako

Nakita kong kumunot noo ni Hans at agad ng hinila si Charlie

"Ah sge akyat na kami, nice to meet you" sabi ni Hans at hinila niya si Charlie paakyat, nagkakapagtaka na ganun naging reaksyon ni Hans, may mali ba sa pangalan ko? May ba sa name plate ko na "Cha"?

GLENN’s POV

Nagulat ako nang biglang pumasok sa office ko si Hans at Charlie. Naalala ko na Thursday nga pala ngayon.

 

"Gllleeeennn" sigaw ni Charlie na akala ngayon lang ako nakita tss

"Ano? Ang ingay mo!" Sigaw ko din sa kanya at tumawa lang siya

"Kamusta pare?" Tanong naman ni Hans

"Ayos naman, teka nasaan si Ron?" Sabi ko dahil napansin kong wala siya

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon