GLENN’s POV
Almost 3 weeks na di gumigising si Chaebi, alam kong kasalanan ko to. Kung hindi niya ako nakita ng araw na yun at hindi siya nagmadali umalis , hindi sana ito ang mangyayare. Ginawa ko yun para maramdaman niya kung gano kasakit na niloko niya pero nagkamali ako hindi niya ako niloko. Nalaman ko kay Hans na tinawagan siya ni Chaebi para hanapin ako. Mali ako sana kinausap ko muna siya, sana niyakap ko na lang agad siya nung nagkita pero g*guhan ginawa ko. Nasaktan ko siya at ngayon nandito siya sa harap ko nag agaw buhay pero pinilit mabuhay kahit nasaktan ko siya. Isang himala na nakaligtas pa siya sabi ng mga doctor kaya dapat ko namin yung ipagpasalamat pero karapat dapat pa ba ako para kay Chaebi? Karapat dapat pa ba ako na mahalin niya? Sa ginawa ko sa kanya mapapatawad pa kaya niya ako?
Habang nandito ako sa tabi ni Chaebi at pinagmamasdan pa din siya ay biglang pumasok si Chad
"Glenn, magusap tayo sa labas" sabi ni Chad, agad ko naman siyang sunundan palabas
"Bakit?" Sabi ko
"Nalaman namin sa doctor na pagnagising na si Chaebi, wala na siyang makikita. She will be blind" sabi ni Chad nakita ko sa mga mata niya ang namumuo niyang mga luha.
Di ako makapagsalita, parang gusto ko na lamunin na ako ng lupa, yung babaeng iningatan ko sinaktan ko at ngayon di na siya makakakita. Nagagalit ako sa sarili ko na ang huling alaala na nakita ng mga mata niya yung kataksilan ko yung kag*guhan na ginawa ko. Gusto ko na ako na lang ang mabulag wag lang siya. Wala na akong nagawa kundi lumuha at hinawakan ni Chad ang balikat ko.
"Pagnagkamalay na siya, dadalin na namin ulit siya sa ibang bansa para gamutin. Hindi ko sinasabing paglalayuin ko kayo, alam ko mahal ka niya. Dadalin ko siya sa Canada para makakita siya ulit, siya na mismo ang pagdedesisyunin ko kung babalik siya dito para sayo." Sabi ni Chad, halos madurog ang puso ko sa narinig ko, pero di ko maaring tanggahin yun , gusto kong makakita ulit si Chaebi pero sa tingin ko pagnaging okay na siya di niya ako gugustuhin makita pa. Masakit pero kelangan ko tanggapin ang lahat.
"Gawin nyo ang lahat para makakita siya ulit Chad, pakisabi sa kanya na mahal na mahal ko siya" sabi ko at tumango siya
Pagtapos namin magusap ay napagsiyahan ko na kelangan ko na umalis. Alam kong hindi na gugustuhin ni Chaebi na makita pa ako. Alam kong ang malagim lang naalala lang na naidulot ko sa kanya ang maalala niya.
Kinausap ko si Ron para ipagbilin sa kanya na alagaan si Chaebi
"Ron, wag mo siya papabayaan . Hanggang maari wag mo sasabihin sa kanya na nandito ako" sabi ko kay Ron at nagtaka siya sa sinabi ko
"Pero bakit Glenn? Kala ko ba mahal mo siya?" Sabi niya
"Mahal ko siya pero nasaktan ko siya, alam kong di na niya ako gugustuhin makita pa Ron" sabi ko
"Mas masasaktan siya kung aalis ka " sabi niya
"Ako ang dahilan kung bakit napunta siya sa aksidente na yun at kung bakit siya mawawalan ng paningin. Ron ayoko na mapahamak pa siya ulit kaya lalayo na ako" sabi ko at tinalikuran siya sumigaw na lang siya sa paglayo ko
"DUWAG KA GLENN! " Sigaw ni Ron, pero nagkibit balikat na lang ako, Oo duwag ako dahil takot akong mas masaktan pa ulit ang mahal ko.
BINABASA MO ANG
ORANGE LOVE
General FictionGlenn and Chaebi. Meet in unexpected place and time. And Love unexpectedly.