VAN's POV
Di ko pa din malaman kung bakit ganun na lang ang galit ni Glenn kay Chaebi, nakakainis na inutusan niya pa talaga lahat ng estudyante sa campus na pahirapan si Chaebi, nakakaawa siya nung nakita namin siya kahapon , kitang kita ko kung paano siya tinamaan sa ulo ng empty bottle at biglang bumagsak, tumakbo ako para saluhin si Chaebi bago siya bumagsak, naawa ako sa kanya, ang dami na niyang pasa ,sugat at sobrang putla na niya at dungis.
Sumunod sina Ron, Hans, at Charlie sa akin, sila ang nagcover sa amin sinigawan nila lahat ng nambato kay chaebi,
"Hoy kayong lahat, wag nyo papakielaman si Chaebi, kami ang lang magpaparusa sa kanya!"
Tumigil silang lahat sa pambabato at umalis
Nawalan na ng malay si Chaebi kaya binuhat ko na siya, at dumiretso kami sa pinakamalapit na Hospital, after siyang gamutin pinayagan na ng doctor na iuwi siya sa bahay nila.
Nalaman namin ang address niya dahil nakalagay yun sa Id niya, haha parang bata talaga tong si Chaebi
Pagkadating namin sa gate ng bahay nila, nagulat kami sa laki ng bahay nila,
"Oh? Mayaman pala tong si chaebi? " Pagtatakang tanong ni charlie
"Sir, ano po kelangan nyo?" Tanong ng isa sa mga guard sa bahay nila Chaebi
"Eto po ba ang Perez's Residences?" Tanong ko
"Opo sir,sino po ba ang pinuntahan nyo dto?"
"Kasama po namin si Chaebi Natalie Perez" sabi ko
"Si Cha po? Maari po bang icheck namin siya?"
"Sige po sir nandito siya" pagkakita ni guard kay Chaebi, makikita mong nagaalala siya kaya agad agad siyang sumenyas sa mga nasa gate na buksan ito, kaya nakapasok na kami, nung nasa harap na kami ng main door nila, agad agad na sumalubong sa amin ang mga maid nila at may personal nurse pa ata siya, ayun may strecther pa sa bahay nila,
"Mga sir dito muna po kayo sa living room." Sabi ng isa sa mga maid nila, at may mga ibang maid na ng alok ng juice at snacks sa amin, ang bongga dito sa bahay nila haha
"Anong nangyare kay Cha?" Tanong ng isang babae na halatang na nagaalala kay Chaebi
"Ah ano po kase, may mga nambato sa kaniya sa school kanina" sagot ko
"Ha? Bakit sino kaaway ng anak ko?" Medyo pagalit na tono, kahit sino naman sgurong nanay magagalit paginuwi anak nila na sugatan eh
"Yung mga estudyante po sa school namin napagtripan po siya" medyo kabado kong sagot kase di ko din naman alam isasagot ko sa nanay niya, di ko naman pwedeng sabihin na kasalanan lahat ni Glenn
"Haay sana man lang naawa sila sa anak ko, di nila alam pinagdaanan niya" sinabi niya sa malungkot na tono, haay
"Wag po kayo mag alala, babantayan po namin siya sa school para di na maulit sa kanya yun" sabi ni Ron, nagpapakasuper hero ata to, alam niya namang si Glenn mkakalaban niya eh
"Aasahan ko kayo dyan ah, by the way ano ba mga pangalan nyo mga iho?"
Isa isa kaming ngpakilala sa nanay ni Chaebi, at nakipagkwentuhan siya sa amin, dun namin nalaman na bagong lipat lang din sila dito at sila ang nagmamay ari ng isa sa pinakamalaking company sa asia, imagine Asia?! Ganun sila kayaman? So mas mayaman pa ata sila kayna Glenn haha nako po
Masayang kausap nanay ni Chaebi, maganda at mabait katulad niya. Kasing hinahon niya din magsalita haha after ng daldalan umuwi na din kami
"Thank you po tita Charlene". Sabay sabay naming sinabi
"Welcome at salamat din sa pagmamalasakit sa anak ko, balik kayo dito huh :)"
"Oo naman po tita, kami na po bahala magsabi sa school na di mkakapasok si Chaebi, pakisabi na din po na kami ang dadalaw sa kanya dito :)" sge po mauna na kami" sabi ko at umalis na kami sa bahay nila
GLENN's POV
"Glenn, Mabait ka naman pala :)" napatigil ako bigla ng marinig ko yun
Unang beses kong narinig na may nagsabi sa akin na mabait ako, para akong nilamig na di ko malaman, para akong naging yelo sa kinakatauyan ko pero teka teka O.o
Pano niya nalaman pangalan ko? Bakit parang wala pa ding idea tong babae na to tungkol sa akin?! Tss
Kaya nilingon ko siya at sinigawan
"Teka nga saan mo nalaman pangalan ko ah? Tsaka pano mong nasabing mabait ako ah?! Baliw ka ba talaga ah?!" Halatang nagulat na naman siya, at napaatras sa akin kaya hinila ko siya sa kwelyo
"Aaah nalaman ko yun sa mga kaibigan mo, tska alam ko di ka naman talaga masama, tinulungan mo nga ako di ba?" Sinabi niya sa sobrang hinahon na boses pa din , sobrang lapit na ng muka namin sa isa't isa shit bakit ba kinakabahan ako? Tss
"Letche naman ang kulit mo eh tss tandaan mo to ,pagsisisihan mo yang sinabi mo!" Pagkasabi ko nun binitawan ko na siya at umalis , ano ba naman kasing nakaen nitong babae na to at siya na ata ang pinakamabait na taong nakilala ko haay
Naglakad na ako palabas ng nakayuko, nang narinig kong may tumawag sa akin
"Oh Glenn"
BINABASA MO ANG
ORANGE LOVE
Narrativa generaleGlenn and Chaebi. Meet in unexpected place and time. And Love unexpectedly.