Kabanata 7

146 10 0
                                    

 

 

CHAD’sPOV

Walang hiya talaga tong si Glenn, nalaman ko lang na yung sinasabi niyang Cha ay si Chaebi nung tinawagan ako ng mga kagrupo ko na inutusan ko para sa gustong gawin ni Glenn,nabugbog na nila yung apat at  sinalo din. Nila lahat ang dapat gagawin kay Cha, di na kayanan ni Cha kaya inatake siya, at ngayon comatose pa din sa hospital , wala silang ginawang masama kay Cha pero bawal sa kapatid ko ang matinding emosyon.

"Baby Cha, wake up na :( nagkamali si kuya, di ko alam " sinasabi ko kay Cha habang nasa tabi niya ako sa hospital, naiiyak na ako, ayokong makita na nagkakaganito siya, kelangan ipaghiganti ko si Cha sa gumawa nito sa kanya, humanda sa akin yang si Glenn

Kaya tinawagan ko si Glenn halos di siya makapgsalita sa mga sinabi ko, ayaw ko na marinig pa ang kahit anong paliwanag na meron siya. Mas mahalaga sa akin ang buhay ng kapatid ko, kahit mag best friend pa kami ni Glenn simula noong mga bata pa kami. Hindi ko matatanggap na siya pa mismo nagpahamak sa kapatid kong si Cha.

HANS’s POV

Baliw ba tong si Glenn? Matapos niyang ipahamak kami at pati na din si Chaebi, hahanapin niya pa din si Cha? Siraulo ba siya? Di pa ba sapat na comatose na si cha ngayon sa ospital, wala siyang puso sobrang sama niya talaga tss

Sana magkamalay na si Cha, dadalawin namin siya mamaya , sana pag punta namin gising na siya. Please Lord, sana :/

Nagulat nung biglang tumatawag na naman si Glenn, sinagot ko pa din

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya sa galit na tono

"Gusto ko lang malaman kung nasaan si Chaebi, please" nakakapagtaka na nakikiusap si Glenn, siya ba talaga tong kausap ko?

 

"Di ko pwedeng sabihin sayo, baka mapatay ka ng kuya niyang si Chad." Sagot ko, nalaman namin na kapatid pla siya ni Chad ,dahil siya mismo nagsugod kay Cha sa ospital, kahit ang gulo gulo ng mga nangyare alam ko kung sino puno't dulo nito si Glenn pa din , siya lang

"Please lang Hans. Kelangan ko puntahan si Chaebi" sagot niya

"Para ano? Para ipahamak pa siya lalo?" tanong ko

 

"Para humingi ng tawad"

 

"Ikaw ba yan Glenn? O ginagawa mo lang to para mauto mo kami?"

 

"Bigyan nyo naman ako ng chance!" sigaw niya

"Ikaw pa galit ah? Bakit binigyan mo ba ng chance si Cha? Binigyan mo ba siya ng chance maging kaibigan mo?

Natahimik si Glenn,kaya nagsalita pa ako,

"Kung talagang sincere ka sa mga sinasabi mo, humingi ka mismo ng tawad kay Chaebi, sa harap niya mismo pagkagising niya"

Tsaka ko binaba ng phone, sana nga gawin yun ni Glenn, dahil sa ugali niya alam ko imposibleng kainin niya pride niya.

 

 

GLENN’s POV

Ayaw nila sabihin sa akin kung nasaan si Cha, kaya ipapahanap ko siya, oo masama ako, pero ayoko maging dahilan ng pagkamatay ng isang tao, di ko naman akalain na kapatid ng bestfriend ko si Cha, -_-

Di ko malaman gagawin ko kaya tinawagan ko si Charlie, sa apat kong tropa siya ang mas madalas kong nakakausap

"Oh bakit ka napatawag pare?" Tanong niya

"Ah, alam mo ba kung nasaan si Cha?" Tanong ko sa kanya

"Pasensya kna pare, ayaw ipaalam ni Chad eh, tska baka mapatay ka niya sa ginawa mo sa kapatid niya, di rin din namin akalain na kapatid niya pala si Cha "

"Sige na pare, sabihin nyo na, wala na akong gagawing masama sa kanya"

"Pare, tigilan mo na si Cha, di nakakabuti sa kalagayan niya mga pinagagawa mo" sagot ni Charlie

"Kamusta na ba siya?"

 

"Nagising na siya, at masigla na ulit" sabi niya

 

"Mabuti naman ,pare gusto ko talaga siya makita, gusto ko bumawi" sabi ko

"Pare para saan yan? Para lang ba sa pagkakaibigan nyo ng kuya niya? " tanong niya

 

"Alam ko mas mataas sa akin si Chad, alam ko pagnaging kaaway ko siya, siya ang magpapabagsak sa akin, pero hindi yun ang dahilan ko para makita si Cha"

"Eh ano?" Di ako makasagot sa tanong ni Charlie na bakit gusto ko makita si Cha, di ko alam kung ano meron, di ko alam bakit ako nalulungkot, nalulungkot ako na di ko siya nakikita

"Malungkot ako ng di ko siya nkikita , di ko alam kung bakit tss"  sabi ko

"Teka nga pare? Inlove ka ba kay Cha?"

"Oy HINDI ah, Hindi kaya, ah di kaya tss" sigaw ko

"Hahaha. Sasabihin ko sa kanya nalulungkot ka ng wala siya"

 

"Oy g*go ka, tss"

 

"Haha mkakarating yun pare wag ka magalala, " sabi niya at sabay tawa. tss

 

Tapos binababa na ni Charlie ang phone, tss ang lakas ng sapak ng letcheng yun tss ayokong sabihin niya kay Cha, nkakahiya tss teka bakit ako nahihiya? O.o sh*t di ko na alam tong nararamdaman ko, natutuwa ako na ewan , nung parang feeling ko magkikita na kami ulit kase okay na siya.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon