Kabanata 25

87 8 5
                                    

HANS’s POV

Naisip ko ngayong araw dapat magusap usap kaming magbabarkada, ang tagal na namin di kumpleto simula nung umalis si Van. Alam kong kailangan din namin magusap usap dahil ang gulo na ng mga nangyayare tss alam kong si Van at Ron ay may gusto kay Chaebi tapos mahal pa din ni Cha si Glenn at si Glenn naman ay mahal pa din si Chaebi pero di pa sila nagkakausap ng maayos ng kagulo gulo na. Sh*t ang gulo, ayusin na to dapat haha

4pm kami dumating ni Charlie sa Lovely Haven, pumunta kami agad sa office ni Glenn.

 

"Pare bakit kayo nandito?" Sabi niya habang nakaupo siya sa swivel chair

"Reunion natin haha" sabi ni Charlie at tumawa

"Reunion? " Sabi ni Glenn at halatang nagtataka siya, kase siya lang naman di ko pa nasasabihan sa reunion na to haha

"Nandito na si Van sa Pinas haha kaya pupunta siya dito ngayon" sabi ko at ngumisi

"Oh, buhay pa pala yun haha ano oras ba sila darating?" Sabi niya at tumawa. Di niya alam na si Van ang nakasama ni Cha sa Canada, siya din yung nagpanggap na boyfriend ni Cha, kaya sguro natuluyan si Van kay Cha. Walang kaalam alam tong si Glenn. Tss

"Parating na sila" sabi ko at bumaba na para pumunta sa Orange Place, may nakalagay na Tables and Chairs dun kaya dun muna kami tumambay ni Charlie

"Pare magkagulo kaya?" Sabi ni Charlie

"Sana hindi? Pwede naman siguro silang magusap ng maayos di ba?" Sabi ko

Maya maya dumating na din si Van at Ron. Bumaba na din si Glenn. Kaya nakaupo na kami lahat dito sa labas.

"Long time no see, Glenn" bati ni Van at ngumisi

"Kamusta pare? Haha" sabi ni Glenn

"Ayos naman, nagkita na kayo ni Cha?" Sabi ni Van, kaya natigilan kaming lahat

"Oo kaso--" di pa natatapos sasabihin ni Glenn, sinuntok na siya sa muka ni Van, sh*t inawat namin agad sila. Nakahawak ako kay Glenn tapos si Ron naman ang humawak kay Van. Si Charlie ang nagtutulak sa dalawa para di maglapit.

"Mahal na mahal ka niya pare, nakasama niya ako ng ilang taon sa ibang bansa pero di niya akong nagawang mahalin tapos ikaw sinasayang mo lang pagmamahal niya! G*go ka Glenn!" Sabi ni Van. Galit na galit siya at nangigil ang kamay niya, parang gusto niya durugin si Glenn.

"Kumalma nga kayo pagusapan natin to ng maayos Van" sabi ko at tinignan ko ng masama si Van, si Glenn naman ay napaupo bigla at umiyak

"Mahal na mahal ko siya, pero sakit at luha lang naidudulot ko sa kanya" sabi ni Glenn habang nakayuko siya

"Duwag ka Glenn, kahit ikaw pa ang dahilan ng kalungkutan niya, dapat naisip mo din na ikaw lang magpapasaya sa kanya" sabi ni Ron, akala ko sasapakin niya din si Glenn pero inangat niya lang ito para makatayo

"Mahal na mahal ka niya Glenn, sana maisip mo yun" dugtong ni Ron at binitawan siya

"Tutulungan ka namin para magkita kayo ulit" sabi ni Van. Sa wakas humupa na ang tensyon sa kanila.

"Pwede ba ayun na lang pagusapan natin? Ang drama niyo na masiyado eh haha" sabi ni Charlie at tumawa. Tama nga siya too much drama na to haha

"Tara upo na pagusapan na natin haha ang dadrama niyo na!" sabi ko at nagumpisa na kami magusap usap , nagtawanan at kulitan. Mabuti at humupa na ang tensyon haha

Nagpagusapan nilang isurprise si Chaebi bukas dito sa Orange Place. Mukang dito na mabubuo ang lovestory nila ulit haha

GLENN’s POV

Nagkaayos na kami ni Ron at Van tungkol kay Chaebi. Tutulungan nila akong ayusin ang surprise ko para kay Chaebi ngayon.

Si Hans ang magsusundo ngayon kay Cha, habang kami naman nila Van, Ron at Charlie nandito na sa Lovely Haven nagpaprepare na at hinahanda ang mga foods para mamaya.

When everything is set and ready. Biglang tumawag si Hans.

*Hans Calling..*

I answered

"Oh Hans saan na kayo?" Sabi ko

"Pare umalis na si Chaebi, bumalik na daw ng Canada tss" sabi ni Hans , nagulat ako

"Bakit?? Bumalik na siya? Tss" sabi ko at napatingin ako kay na Ron at Van

"Di ko alam pare, hahabulin ko si Cha sa airport, kakaalis daw niya eh, sumunod na lang kayo" sabi ni Hans tapos binaba na niya ang tawag

Kinausap ko agad si Ron at Van, nagulat din sila na umalis si Chaebi. Kaya nagmadali na kaming pumunta sa Airport , si Charlie muna ang naiwan sa shop.

Pagdating namin sa Airport, naabutan namin si Hans sa may departure area.

"Pare nasaan na si Cha?" Sabi ko

"Nakaalis na tss" sabi niya, nanlumo ako sa sinabi niya, bakit ba kami pinaglalayo ng tadhana? Tss bakit iniwan niya ulit ako ng di man lang ako pinapakinggan haay

Bumalik na lang kaming apat sa Lovely Haven , pare parehas naming iniisip kung bakit umalis ulit si Chaebi. Isang solusyon lang alam kong dapat kong gawin dito, ayun ay ang sundan siya.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon