GLENN's POV
3pm in the Afternoon, nandito pa din ako sa likod ng lumang building na to, ayokong umattend ng klase dahil sobrang hirap mag aral ngayon, sobrang di ko na kaya gusto ko umiyak pero di ko magawa dahil matapang ang tingin ng lahat sa akin, di ba ako pwdeng maging mahina? Kahit ngayon lang? Kahit isang minuto? Isang segundo lang, kahit isa lang ....
"Eto panyo oh"
Nagulat ako ng may nagsalita niyan sa harap ko, nakayuko ako unti unti kong inangat ang ulo, isang babaeng patpatin pala ang nasa harap ko, ayokong nandito siya akong may nakakakita na ganito ako, ayokong isipin niya na mahina ako kaya agad kong tinapon sa harap nya ang panyo at sumigaw
" Ano ba? Di ko kailangan ng panyo mo, wag mo ako pakielaman, wala kang alam sh*t" sinabi ko sa kanya at halatang gulat na gulat siya dun, wala siyang sinabi at yumuko lang, at ako naman umalis na lang sa sobrang inis ko sa kanya at lahat lahat na. Bakit ba naman kase may mga taong nangingielam pa? -_-
Uuwi na lang ako ng bahay tutal wala naman akong mapapala dito dahil ayoko pumasok, saktong palabas na ako ng gate ng bigla kong makasalubong ang buong tropa ko na nagtatawanan, tumigil sila at tinawag ako
" Glenn, san ka ba galing?" Tanong nilang lahat
" Diyan lang sa tabi tabi" sagot ko naman
Walang umimik sa kanila, dahil alam nila ayoko ng kinakausap pag problemado ako, magkakaibigan na kami simula pa noong High School, magkakasama pa din hanggang ngayon simula pa dati ako na ang tinuturing nilang leader ng grupo dahil ako ang pinaka sira ulo sa amin, gwapo,campus hearthrob, mayaman, mayabang, walang takot, laging nambubully, at pinaglalaruan ko ang mga tao gamit ang pera na meron ako, in short ako ang napakasamang taong pwedeng mong makilala. Ayan ang totoong ako, ako si Glenn Adam Santiago.
"Uuwi ka na ba?" Tanong sa akin ni Van
"Oo eh wala namang kwenta magstay dito" sagot ko
"Sge ingat ka pare" sinabi nilang lahat at umalis na ako, pumunta sa parking at nagdrive ng mabilis pauwi ng bahay at nagkulong sa kwarto.
CHAEBI'sPOV
" Ano ba? Di ko kailangan ng panyo mo, wag mo ako pakielaman, wala kang alam sh*t" sinabi ng lalaking inaabutan ko lang naman ng panyo kanina napapansin ko kase tumutulo na luha niya di niya pinupunasan. Hm Matangkad siya, matangos ang ilong, saktong lang ang puti, makisig ang katawan niya at di ko mapagkakaila na gwapo siya pero napasama pa ata ako sa pag alok ng panyo sa kanya haay Chaebi naman kase pakielamera -_-
Gusto ko magsorry sa kanya, mukang galit ata siya sa akin, di ko naman sinasadya na makita siya sa likod ng building na pinupuntahan ko lagi dahil napakaganda ng view doon at punong puno pa ng mga bulaklak, nandun lang naman ako para diligan sila. Huhu pasensya na talaga kuya kung sino ka man babawi na lang ako sayo. By the way I'm Chaebi Natalie Perez, normal na college student lamang, masiyahin basta masaya lang ako lagi :)
Pagkatapos ng mga kaganapan na iyon dun sa old building, diniligan ko nlng ang mga flowers at umalis na din para umuwi. Sana magkita ulit kami ni kuya dun sa likod para makapagsorry ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
ORANGE LOVE
General FictionGlenn and Chaebi. Meet in unexpected place and time. And Love unexpectedly.