CHARMAINE’s POV
Nagwave ako ng goodbye kay Ron at pumasok na sa loob ng bahay. Punong puno ng katangahan ko ang buong araw na ito dahi sa ginawa ko kay Glenn. Akala ko tama na sabihin at ipagtapat kay Glenn ang nararamdaman ko pero malaking mali talaga. MALI dahil di talaga ako ang mahal niya. Naalala ko ang lahat ng nangyari kanina.
*Flashback
Umiiyak na ako sa dibdib ni Glenn nang bigla siyang tumakbo sa labas. Bumalik din siya agad na lugmok na lugmok ang mukha, nagulat ako dahil di ko alam kung sino ang sinundan niya. Umakyat na lang siya sa office niya at ako naman inayos ko na lang ang sarili ko at bumalik sa trabaho. Bago ako umuwi pinuntahan ko si Glenn sa office niya para diretsuhin na siya dahil naguguluhan na talaga ako gusto kong malaman kung mahal niya din ba ako.
Pumasok ako agad sa office niya at naabutan kong nakatayo siya malapit sa couch mukang nagaayos na siya ng gamit para umuwi.
"Glenn mahal na mahal kita. " Sabi ko at nanlaki ang mata niya bago pa siya makapagsalita hinalikan ko na siya agad sa labi at parang naging yelo siya sa pagkagulat habang ganun kami ay biglang pumasok si Ron kaya tinulak ako palayo ni Glenn, dun palang napagtanto ko na. Hindi ko nga siya makukuha. Haay kaya umiyak na lang ako
*End Flashback
Naging padalos dalos ako sa desisyon ko, di ko akalain na may masasaktan ako. Gusto ko maging akin si Glenn pero mali yun dahil iba ang mahal niya at hindi ako kaya tama nga si Ron dapat ko nang tanggapin ang katotohanan na hindi talaga ako si "Cha" ng buhay niya. Kahit kailan di magiging ako.
VAN’s POV
Ngayon lang ako babalik ulit ng Pinas, almost 4 years din akong nasa Canada kasama sina Chad at Chaebi. Kasama ko sila ng ilang taon dahil nagaral din ako dito pati si Chaebi , ako ang umalalay sa kanya simula nung nabulag siya hanggang sa makakita siya. Nagpanggap akong boyfriend niya para lang walang magtakang manligaw sa kanya. Inaamin ko nahulog na ako sa kanya kahit hindi dapat dahil mas mahal niya pa din si Glenn.
Nauna umuwi si Chaebi sa akin dahil excited daw siya makita si Glenn. Ayos lang naman sa akin yun basta masaya siya. Pumunta na ako sa bahay nila ngayon kakamustahin ko siya.
"Sir Van akyat na lang daw po kayo sa room ni Mam Chaebi" sabi ng kasambahay nila Cha
Kaya umakyat na ako papunta sa kwarto niya, kumatok ako at pagbukas niya ng pinto sinalubong niya ako na nakasad face at namamaga ang mata. Niyakap niya ako agad.
"Cha, anong nangyare? Bakit namamaga mata mo?" Sabi ko at hinawakan ko ang ulo niya na nakasandal sa dibdib ko
"Si glenn kase eh huhuhuhu" di pa siya natatapos magsalita umiyak na siya haay
"Tahan na Cha, di yan makakabuti sayo tahan na please" sabi ko at unti unti siyang tumahan, nung mahimas masan na siya umupo kami sa kama niya para mag usap
Kinuwento niya sa akin ang nangyare, naiinis ako sa ginawa ni Glenn. Ang swerte na nga niya na siya ang pinili ni Chaebi eh tapos ganun pa din siya tss
"Wag ka na umiyak Chaebi please, di yan makakabuti sayo kung gusto mong layuan na si Glenn tutulungan kita, you know I've always been here for you" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya, alam kong magdadalawang isip siya sa offer ko dahil mas matimbang si Glenn sa kanya pero I guess I have to try.
"Ayokong gamitin ka Van, para lang kalimutan siya. You are a great friend for me." Sabi niya, bumagsak na ng tuluyan ang puso ko, parang natanggal sa dibdib ko. Kahit alam ko naman na di niya ako kayang mahalin ng higit sa kaibigan, minamahal ko pa din siya. Haay
"Ayos lang Cha, ayoko lang kase nakikita na nagkakanganiyan ka dahil sa kanya. You deserve to be happy" sabi ko at di na siya nagsalita. Pinagpahinga ko na lang siya kase she looks so tired. Tinitignan ko siya habang natutulog, mahal ko talaga siya pero di ako mahal niya. I guess kailangan ko siyang tulungan na maging masaya dahil mahal ko siya. Kakausapin ko si Glenn, sana naman pilitin niyang mahalin ulit si Chaebi. Kahit masaktan ako ayos lang basta maging masaya si Cha.
BINABASA MO ANG
ORANGE LOVE
General FictionGlenn and Chaebi. Meet in unexpected place and time. And Love unexpectedly.