Kabanata 33

86 8 1
                                    

GLENN's POV

Sabay sabay na kaming pumunta sa isang resto sa resort na to. I'm happy na okay na ang lahat between me, my friends and syempre my Chaebi.

Pero napansin ko may kulang sa mga kabarkada ko, wala si Hans.

"Pare, nasaan si Hans?" Tanong ko kay Ron, habang busy si Chaebi na namimili ng dessert sa menu at kausap si Matthew sa kabilang table.

"Nakipagtanan na Glenn, tinangay nga niya si Charmaine." Sabi ni Charlie. So siya ang may plano nito?

"Actually planado na Glenn na ilalayo namin sayo si Charmaine dahil ayaw naman talaga niya na magpakasal sayo" sabi ni Ron. Naiisip ko I'm so stupid and rude nung time na di ko maalala si Chaebi. Tss

"Naging stupid ka nga Glenn, ayaw mo kami pakinggan eh. Hahaha Ang tigas ng ulo kahit kelan" sabi ni Van. Napakunot ang noo. Oo na stupid na nga eh tss

"Pero we understand you, nakalimutan mo si Chaebi, sa lahat ba naman kase ng makakalimutan mo, bakit siya pa? Pero masaya na din kami na in just a snap naalala mo siya" sabi ni Ron.

"Yung puso ko di siya kayang kalimutan eh, ayun siguro ang nagpaalala sa akin na siya ang mahal ko" sabi ko at nagtawanan sila ng malakas. Seryoso ako ah. Tss

"Ang corny Glenn hahaha, di ko matanggap na nagkaamnesia ka lang, naging corny ka na" sabi ni Charlie habang humahalakhak.

"Nagsalita ang di Corny hahaha mas matindi ka pa nga magpakasweet pagnasa harap ni Rashell eh hahaha" sabi ni Van at tumawa din. Teka si Charlie and Rashell na?

"Kayo na ni Rashell?" Tanong ko kay Charlie.

"Kasal na sila Glenn" sabi ni Ron.

"At may anak na" sabi ni Van.

 

"Wow. Congrats pare" sabi ko at kinamayan si Charlie. Ngumisi naman siya.

"Humihingi na nga pala ng tawad si Rashell sa ginawa nila sa inyo ni Chaebi." Sabi ni Ron.

"Bakit ano ba ginawa niya?" Sabi ko at tumingin kay Ron.

"Bago kase sunduin ni Hans si Chaebi nung araw ng surprise, pumunta si Rashell sa bahay nila Cha at sinabing buntis siya at ikaw ang ama ng dinadala niya" sabi ni Ron. Now I know why.

"Pero ako ang tatay ng anak niya, kaya akin si Rashell, Glenn" sabi ni Charlie at tumawa. Wala naman akong interes kay Rashell simula nung una pa.

"Basta sa akin si Chaebi" sabi ko at saktong sakto na palapit na si Cha na may dalang cake.

"Baby, eto napili namin ni Matthew, masarap to" sabi niya at nilapag ang cake sa table namin.

"Wow mukang masarap yan Cha ah" sabi ni Ron.

                      

"Oo naman" sabi ni Cha at umupo na si Chaebi sa tabi ko then si Matthew sa tabi niya. Aba napapansin ko lang parang may gusto tong lalaki na to sa mahal ko ah tss

"Glenn, nagkagusto ka ba kay Charmaine?" Biglang tanong ni Charlie habang naghihiwa ng cake

"Hindi. Sobrang maling akala lang talaga." Sabi ko at tumaas ng kilay kay Charlie. Ngumisi lang siya.

"We know it Glenn." Sabi ni Charlie at inabot ang plate na may cake kay Cha.

"Si Chaebi lang talaga ang minahal ko." Sabi ko at inakbayan si Chaebi then ngumiti naman siya.

"May nagtangka ba umagaw kay Chaebi ko?" Tanong ko kay Charlie at sabay sabay nabilaukan si Van,Ron at Matthew habang kumakaen ng cake. Haha alam ko na. Asa naman kayo na may pag asa kayo.

"Ron, Van, Matthew, okay lang kayo? Inom kayong water" sabi ni Chaebi sabay abot ng tubig sa mga mokong. Tss

"Ayos lang Cha, hehe" sabi ni Ron. Tumango naman si Matthew at Van.

"Baby, tomorrow morning na wedding natin huh" sabi ko at nanlaki ang mata ni Chaebi.

"Agad babe?" Tanong niya.

"Yes babe, don't worry pinahanda ko na lahat." Sabi ko at ngumiti siya.

"Pero pano si Kuya,Mom and Dad? Nasa Canada pa sila eh" sabi niya.

"Baby, pinasundo ko na sila huh. Don't worry makakarating sila on time bukas huh" sabi ko then I kissed her in the forehead.

Walang makakapigil sa kasal namin bukas. Magiging akin lang siya. Basta walang makakaagaw sa mahal ko. WALA talaga kahit bumagyo pa. Haha

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon