Kabanata 15

93 9 5
                                    

RON’s POV

1 week na lang bago bumalik ng Pinas si Chad,  bilang na ang mga araw ni Chaebi na kasama si Glenn. Ewan ko ba kung matutuwa ako o malulungkot sa gagawin ni Chad. Nagplano na siya na sa paguwi niya ihaharap na niya ako kay Chaebi, at ipapamuka niya kay Glenn na ako ang dahil ni Cha kung bakit siya bumalik. Pagnalaman daw ni Cha na ako si Ruru, magbabago na ang isip niya, mas ako na daw ang pipiliin niya pero parang di ako sangayon dun. Nagtatalo ang isip at puso ko, mahal ko si Chaebi pero ayoko siya masaktan, gusto ko maging akin siya pero alam kong iba laman ng puso niya. Ano nga ba ang pipiliin ko? Ang mahalin na lang siya ng ganito biglang kaibigan o maghangad pa na ako na lang ang mahalin niya at hindi si Glenn. Ang hirap magdesisyon.

May biglang tumawag sa phone ko at nakita kong si Glenn, di ko alam kelangan nito tss kaya sinagot ko na lang

"Oh bakit?" Sabi ko

"Hoy Ron, isang taong isang sagot nga , may balak ka bang agawin si Cha sa akin?" Sabi niya ng pasigaw tss ang sarap sagutin na "OO aagawin ko siya sayo eh" kaso makikipagpatayan to sgurado tss

"Siraulo, hindi ako naninira ng love story! " Sabi ko

"Make it sure Ron dahil pag inagaw mo siya. Magkalimutan na tayo" sabi niya sabay pababa ng tawag tss napaisip tuloy ako na baka nahalata na niya na may gusto ako kay Cha tss Sana nga nangaagaw na lang ako eh kaso matino pa naman akong kaibigan di ko kayang gawin yun

CHAEBI’s POV

Finally nandito na si Kuya Chad sa pinas ulit. Di na siya nagpasundo sa amin dahil gusto niya sa Lovely Haven daw kami magkitakita. I'm Glad na open na siya sa pakikipagusap kay Glenn. I'm hoping na this day magkaayos na sila.

Pagdating ko sa Lovely Haven nandun na si Hans, Charlie, Ron, Glenn at si Kuya Chad nasa isang table lang sila. Dumiretso ako dun at niyakap ang kuya ko

"Kuya I missed you" sabi ko habang yakap ko siya

"I missed you too baby" sabi niya at hinalikan ako sa noo

Umupo ako sa tabi ni Glenn, kaharap namin si Kuya at si Ron habang nasa gilid naman si Hans at Charlie. Nagorder kami ng coffee at cakes. At nagusap usap nagbubulungan si Ron at kuya kaya medyo naawkwardan ako

"Glenn" sabi ni kuya, parang kinakabahan ako sasabihin niya , natatakot ako na ilayo nila si Glenn sa akin, please wag

"Bakit Chad?" Sabi ni Glenn at hinawakan niya ang kamay ko

"Hindi ikaw ang mahal ni Chaebi, nandito siya para kay Ron, bumalik siya ng Pinas para hanapin si Ruru at ang Ruru na yun ay si Ron" sabi ni Kuya,parang binuhusan ng malamig na tubig buong katawan ko sa sinabi niya napatingin ako kay Ron at bigla siyang nagsalita

"Cha, ako si Ruru. Ako yung nagaantay sayo dahil nangako kang babalik ka" sabi niya habang hawak niya ang isang keychain na star na pinakita niya sa akin at napatulala ako

"T*ngin* ano to? Niloko niyo ako lahat? " Sabi ni Glenn , bumitaw siya sa akin at namumula mata niya sa galit, unti unti nang pumapatak luha sa mata niya habang nakatitig siya sa akin kaya pinilit kong pumunasan yun pero hinawi niya ng malakas ang kamay ko kaya ako natumba, natakot ako kay Glenn di ako nakapagsalita. Nilapitan ako ni Hans, Ron at Charlie habang si Kuya sinigawan si Glenn

"Lumayas ka na dito di ka karapat dapat sa kapatid ko!" Sabi ni Kuya kay Glenn at dumiretso palabas ng Lovely Haven si Glenn at di niya man lang ako nilingon

Tinayo na ako ni Ron at niyakap ako, iyak ako ng iyak sa nangyare gusto ko habulin si Glenn pero natatakot ako na baka saktan niya ako at lumala ang lahat.

"Baby Cha, nandito pa ako para sayo" sabi ni Ron, di na ako nagsalita at iyak pa din ng iyak

Pagtapos ng mga nangyare, inuwi na nila ako, di ako nagsasalita wala akong kinakausap. Nakatulala lang ako at namimiss ko na si Glenn. Hindi pwede ilayo nila sa akin ang mahal ko. Oo hinanap ko si Ruru pero minahal ko si Glenn. Mahal ko bilang kaibigan si Ruru pero mas mahal ko si Glenn.

Natulog na lang ako, kelangan ko ng lakas para bukas. Kelangan ko hanapin si Glenn.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon