CHAD’s POV
Nasa labas lang ako ng room ni Chaebi dito sa ospital ng biglang lumabas si Ron.
"Chad, gising na siya" sabi ni Ron at agad agad kaming pumasok sa loob at nilapitan si Chaebi
Dinilat niya ang mata niya paunti unti, at hinawakan ko ang kamay niya. Nung nakadilat na siya, nakikita kong nakatingin siya sa kawalan hindi sa akin, at hindi sa amin. Totoo ngang wala na siyang paningin. Gustong kong umiyak, gusto kong ako na lang ako nabulag hindi siya pero wala akong magawa.
"Ku-kuya? Ikaw ba yan? Bakit madilim?" Sabi ni Chaebi at nakahawak siya ng mahigpit sa kamay ko
"Chaebi, wag ka susuko huh. Gagawin ko ang lahat makakita ka lang ulit." Sabi ko at hinalikan ko siya sa noo
Umiyak lang si Chaebi, umiyak lang siya ng umiyak. Napatahan lang namin siya noong dumating na sina Mom and Dad. Kumalma na siya paunti unti ng nakikipagusap sa amin. Sinabi ko na din na ibabalik na namin siya sa Canada para mapagamot siya. Pumayag siya at di na nagtanong pa. May malaki lang akong katanungan sa isip ko, ni minsan simula sa pag gising niya, ni minsan di niya hinanap si Glenn.
CHAEBI’s POV
Ang dilim. Ang dilim ng mundo ko ngayon. Nabubuhay ako sa kadiliman. Wala siya. Wala siya dito alam kong hindi niya gugustuhin na makita ako. Kinalimutan na ako ni Glenn. Hindi na niya mahal ko kahit mahal ko pa din siya.
Bukas dadalin na agad ako sa Canada ng pamilya ko. Nandito na ako sa bahay ngayon at nandito din si Ron, Hans at Charlie kaya nagpapaalam na ako.
Habang nasa living room kami at nanunuod sila ng TV
"Ruru, Hans, Charlie alagaan niyo sarili nyo ah. Wag puro babae atupagin haha" sabi ko at kinapa ko balikat nila para tapikin, narinig ko naman silang tumawa
"Oo naman Chaebi, basta pagnakakita ka na ulit, wag mo kami kakalimutan ah" sabi ni Hans at naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko
"Oo naman babalik pa ako dito, basta antayin nyo ako huh" sabi ko at nakangisi
"Chaebi, mamimiss kita huh. Iiwan mo na naman kase ako" sabi ni Ron, at narinig kong nagtawanan si Hans at Charlie
"Babalik pa naman ako Ron. Promise" sabi ko habang nakangiti , naramdaman ko naman na yinakap ako ni Ron
"Hoy Ron. Si Glenn pa din mahal nian haha" sabi ni Charlie at narinig ko na may bumatok sa kanya, kaya natawa lang ako
"Tama na yan, kumaen na nga lang kayo" sabi ko
May times pa din na naalala ko si Glenn, namimiss ko yung kulitan at lambingan namin kahit alam kong di na mauulit yun. Siguro nga hanggang dito na lang ang lahat sa amin. Pero di ako nawawalan ng pag asa na makikita ko pa siya. Ang bad boy na yun. Siya at siya pa din ang nagiisang lalaki na minahal ko.

BINABASA MO ANG
ORANGE LOVE
General FictionGlenn and Chaebi. Meet in unexpected place and time. And Love unexpectedly.