HANS’s POV
"Hans saan na tayo pupunta?" Tanong ni Charmaine. Oo kinidnap ko siya haha pero sa lahat ng kinidnap siya yung di umangal sa akin. Haha
"Sa malayo Cha." Sabi ko habang nagkatingin sa driveway. Di ko nga talaga alam kung saan kami pupunta. Itinakbo ko siya kase gusto niya makatakas sa kasal na di naman para sa kanya.
"Naalala na daw ni Glenn, si Chaebi" sabi niya habang nakatingin sa cellphone ko. Nagbasa ba naman ng text sa akin. Medyo pakielamera.
"Edi mabuti. Wala ka na ding problema" sabi ko at ngumisi then tumingin sa kanya. Umiiyak siya. Alam ko mahal niya si Glenn pero di naman siya mahal nun eh.
"Magiging masaya na din ako kase masaya na talaga siya" sabi niya at pinilit ngumiti.
"Ayos lang yan Cha, marami pa namang magmamahal sayo." Sabi ko at tumingin siya sa akin.
"Salamat Hans, malaking utang na loob ko sayo na tinakas mo ako. Pasensiya ka na sa abala huh." Sabi niya. Oo siya talaga ang nagsabi sa aming apat na itakas namin siya. Ako ang nautusan na ilayo siya eh kaya eto kami ang magkasama.
"Wala yun Cha, basta nandito lang ako para sayo kaya wag ka na malungkot huh" sabi ko at ngumiti sa kanya. I can see Chaebi in her. Kaya siguro nagpagkamalan siya ni Glenn. Kung may twin siguro si Chaebi baka si Charmaine na yun.
"Punta tayo sa Baguio,pasyal tayo please" sabi niya at tumango ako. Tama nga yun, ipapasyal ko siya para makalimot. Bahala na kung di kami makauwi muna basta mapasaya ko siya.
RON’s POV
Ikakasal na si Glenn at Chaebi. Masaya naman ako na sila din sa huli atleast alam ko masaya ang babaeng mahal ko.
"Pare congrats ah, alagaan mo si Chaebi ah" sabi ko kay Glenn habang nandito na kami sa simbahan malapit sa resort.
"Oo naman pare, mahal na mahal ko yun eh" sabi niya. Lumapit naman yung iba naming barkada kay Glenn.
"Congrats Glenn" bati naman ni Van at Charlie na kasama si Rashlee.
"I'm sorry for what happened in the past Glenn, Congrats sa inyo" sabi ni Rashell.
"Kalimutan mo na yan Rashell, napatawad ka na namin" sabi ni Glenn at ngumiti.
Inaantay na lang namin si Chaebi. Nakapwesto na si Glenn malapit sa altar. Tumunog na ang wedding song nila sa pagpasok ni Chaebi. She's like an angel from above. An angel na dumating sa buhay naming magbabarkada sa nagbigay ng kulay sa buhay namin. I will never forget her.
BINABASA MO ANG
ORANGE LOVE
General FictionGlenn and Chaebi. Meet in unexpected place and time. And Love unexpectedly.