Kabanata 12

104 9 0
                                    

HANS’s POV

Nandito kami sa amusement park ngayon, kahit papano nakakalimutan ko na iniwan at niloko ako ng taong pinakamamahal ko. Wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin si Shaza, siya na ang buhay ko, siya lang nagiisa sa puso pero eto bigla niya akong iniwan. Di ko makalimutan yung araw sa na sinabi niya sa akin na di na niya ako mahal, parang binaril ng canyon ang puso kong sobrang saya, parang yelo akong biglang hinulog sa tubig at agad na natunaw. Yung araw na sobrang saya ko sana, dahil 4th Anniversary na namin, ang sakit sakit sobra na naalala ko pa din yung nangyare nung espesiyal na araw na yun..

Sa favorite na resto ni Shaza kami nagkita..

"Mahal ko, bakit matamlay ka ngayon? Di mo ba ako namiss? :)" tanong ko sa kanya, dahil pagkakita ko pa lang sa kanya nun, di niya siya makangiti at makatingin sa akin, nkakapagtaka dahil di naman siya ganun dati, nararamdaman kong problema kami ngayon pero ayaw niya sabihin

"Ayoko na Hans" sinabi niya bigla sa harap ko, nang wala man lang expresyon ang muka niya

"Ano? " Tanong ko, dahil ayokong maging tama ang narining ko

"Di na kita mahal Hans" sinabi niya ,parang tumigil bigla ang mundo ko, parang gusto kong maglaho, parang gusto ko na magising kung binabangungot lang ako..

Di ako nakapagsalita kaya nagsalita siya ulit

"Hans, ang hirap magpanggap na masaya ako :( sorry pero kelangan na kita pakawalan, you deserve better. Nahanap ko na yung taong talagang magpapasaya sa akin, di ko sinasabing di ako naging masaya sayo, pero iba yung taong mahal ko ngayon I'm so sorry Hans pero siya na yung lalaking papakasalan ko, siya talaga ang mahal ko, sana mapatawad mo ako kahit alam kong napakasakit nitong ginawa ko sayo, alam kong eto ang tama para sa ating dalawa kaya paalam Hans" sinabi niya sa akin tapos hinalikan niya ako sa noo tapos umalis na siya

Wala akong nasabi, wala na akong nasabi,gusto ko na mawala na lang, mawala na lang para di maramdaman yung sakit, yung sakit na iniwan na niya ako.

Sobrang sakit pa din, di ko alam kung kelan ko siya makakalimutan, maaring hindi ko na siya makalimutan dahil naging parte na siya ng buhay ko. Pero kelangan ko umusad, kelangan ko mabuhay katulad nga nagsabi ni Cha, maaring may mas better na mangyayare sa future, maaring mas magiging masaya ako dun at mapapalitan ng saya at ngiti ang lahat ng sakit,lungkot at luha na meron ako ngayon..

CHAEBI’s POV

 

Ang masaktan ng dahil sa pag-ibig ang isa sa pinakamasakit na pwede nating maramdaman. Isa din yun sa mga mahirap kalimutan pero kahit ganun ang pag-ibig pa din makakapagbigay sa atin ng saya. Kaya nga kahit paulit ulit pa tayong masaktan magmamahal at magmamahal pa din tayo dahil parte na yun ng buhay. Sabi nga nila wala naman nagmamahal na hindi nasasaktan.

Kaya nga handa ako sa mga pwedeng dumating sa aming problema ni Glenn. Alam kong hindi namin maiiwasan yun kaya kelangan namin maging matatag dahil mahal na mahal ko siya.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon