Kabanata 16

91 9 0
                                    

CHAEBI’s POV

Maaga ako umalis ng bahay para dumiretso sa Lovely Haven, di na ako nagpaalam sa Kuya ko dahil di ko kayang tanggapin ang ginawa niya. Oo mahal niya ako pero ayoko ng ginawa niya kay Glenn.

Pagdating ko sa Lovely Haven nakita kong bukas na ang back door mukang may maagang nakarating dito kaya dumiretso ako sa may Orange Place para makita kung sino yun pero nagulat ako sa nakita ko.

Si Glenn may kahalikan na ibang babae, nakasandal na yung babae sa pader na mukang magpaparape talaga kay Glenn.

Nanlamig buong katawan ko parang gusto ko na tumigil ang pagtibok ng puso ko ngayon.

"Gl-glenn" sabi ko na medyo nauutal na at nanginginig ang katawan ko nararamdaman ko na din na namumuo na ang luha sa mata ko

Tumingin lang saglit si Glenn sa akin at mas hinalikan pa niya lalo yung babae at hinuhubaran na niya ng blouse yung babae kaya tumalikod na lang ako at lumabas. Di ko kayang makita ang mga susunod na mangyayare kaya dumiretso ako sa sasakyan namin, mabuti na lang at nandito pa si Manong Waldo.

"Mam, uuwi ka na agad?" Sabi ni Manong

"Opo tara na po uwi nyo na ako" sabi ko at humagulgol ng iyak, inabutan ako ni manong ng Panyo at pinaandar na niya ang sasakyan

"Mam wag ka na po umiyak makakasama yan sayo" sabi niya

Iyak pa din ako ng iyak , nasa high way na kami nung tumingin ako sa bintana at nagulat ako nung biglang sumigaw si Manong Waldo kaya napatingin ako sa kanya

"Mam, kumapit ka!" Sabi niya at nagdilim na ang lahat

RON’s POV

Agad akong dumiretso kung saang hospital dinala si Chaebi. Di ko sukat akalain na magaaksidente siya , sa aksidente nangyare kanina apat ang namatay kasama si Manong Waldo at isa daw sa mga pinsan ni Glenn. Ang pamilya na ni Chaebi ang sumagot sa lahat ng gastusin sa pagkamatay ng Family Driver nila. Nakakalungkot ang nangyare na ito.

Lalo na at 50 50 si Chaebi, at humahagulgol na sa kakaiyak ang mama niya habang pilit itong pinapakalma ng kuya Chad niya. Dumating na si Hans, at Charlie dahil agad naging headlines ang aksidente.

"Pare si Cha? Okay lang ba siya?" Sabi ni Hans na medyo naluluha na din kahit ako di ko mapigilan umiyak lalo na nung nakita ko si Cha na duguan at puro sugat at pasa ang katawan

"50 50 siya pare" sabi ko at niyakap ako ni Hans, manly Hug, tinapik naman ako ni Charlie sa balikat

Di namin alam kung alam ni Glenn kaya tinext ko siya. Alam ko mahal siya ni Chaebi sa tingin ko pipilitin ni Cha mabuhay kung pupunta siya dito.

To: Glenn

Kelangan ka ni Chaebi , nandito siya sa Mary Claire Hospital.

 

Pagkatext ko, tumawag si Glenn

"Glenn, 50 50 na si Chaebi. Bilisan mo na" sabi ko at natahimik siya

"Sige pupunta na ako" sabi niya sabay baba ng tawag

Lumabas na yung doctor ni Chaebi at kinausap kami

"Stable na lagay niya ngunit nagkaroon ng malaking damages sa eyes niya kaya maaring di na siya makakita. At sa ngayon comatose siya, di natin masisigurado kung kelan siya gigising pero maswerte tayo na pinilit pa din niya mabuhay. Magdasal lamang tayo, magiging maayos din siya" sabi ng doctor at umalis na

Biglang dating naman ni Glenn, di siya pinansin ni Chad pero nilapitan ko siya

"Pare nsaan na si Cha?" Sabi niya at halatang halata na nagaalala siya

"Nilipat na siya ng kwarto, stable na ang lagay niya Glenn pero comatose siya ngayon" sabi ko at biglang napaluhod at umiyak si Glenn, tinayo namin siya ni Hans

"Pare pipilitin niyang mabuhay para sayo, basta wag mo lang siya iwan" sabi ko at tinapik ko ang balikat niya

Nangnalipat na si Chaebi ng kwarto, pumunta agad kami sa kanya. Ang daming nakakabit sa kanya. Puro benda siya at natutulog pa din. Gusto ko na siyang magising, kahit alam kong maaring madalim na ang mundo niya. Gusto ko pa din siyang makita na buhay kaysa nandito at nakahiga at walang kasiguraduhan na gigising pa.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon