Chapter 1

7.3K 141 4
                                    

The ill-Fated woman

Fumiya Marquez

NAALIMPUNGATAN si Fumiya ng makarinig siya ng mahihinang kaluskus na nanggagaling sa sala ng kaniyang apartment.

Agad siyang naalerto at mabilis na bumangon sa kinahihigaan, dahan dahan siyang naglakad at kinuha ang bagay na una niyang nadampot para gamiting pangpukpok sa kung sino mang nangahas pumasok sakanyang tirahan.

Mag-isa lamang niyang binubuhay ang sarili matapos mamatay ang kanyang magulang sa isang aksidente kasama ang kababata niyang kapatid na lalaki, kasama siya sa aksidente noon ngunit siya lamang ang pinalad na makaligtas.

Walong taong gulang pa lamang siya noon at masyado pang maaga para maulila, ngunit wala siyang magawa dahil yon ang kanyang kapalaran, lahat ng tao'y iniisip na mapalad siya dahil nakaligtas siya ngunit para sakanya'y yon ang umpisa ng kalbaryo ng kanyang buhay.

Sa edad na walo naranasan na niyang pagpasa-pasahan ng mga kamag-anak at dahil wala namang naiwang pamana sakanya ang mga magulang naging mahirap sakanyang tangapin ng mga kamag anak.

Naranasan niyang pagmalupitan ng mga ito at gutumin ngunit tiniis niya ang lahat ng iyon upang mabuhay at makapag aral.

Nang tumuntong siya sa edad na deseotso nagdesisyon siyang mamuhay magisa malayo sa mga ito at ngayon ngay nagiisa siya sa apartment niya kung kaya't abot- abot ang kaba sa dibdib niya dahil sa pangambang baka may ibang taong nakapasok.

Mahigpit niyang hinawakan ang walis tambong nadampot niya at dahan dahang lumapit sa may pinto at bahagyang binuksan ito upang silipin ang labas.

Tanging ang malamlam lang na ilaw sa sala ang natanaw niya at bahagyang nawala ang kaluskus ngunit hindi siya nakontento lumabas siya sa kwarto at tinungo ang sala.

Muling niyang narinig ang kaluskus at sa pagkakataong iyon narinig niya ito sakanyang likuran, nanigas siya sa kinatatayuan at mahigpit na hinawakan ang walis tambo umaasang maliligtas nito ang kanyang buhay.

Palapit ng palapit ang kaluskus, Huminga siya ng malalim at hinanda ang sarili sa nakaambang panganib.

Mabilis siyang humurap at akmang hahampasin ito ng bigla siyang mapatalon sa gulat ng makitang pusa ang nasa likod niya na gumagawa ng kaluskus!

Dahil sa gulat nawalan siya ng balanse at tuluyang natumba, nasagi pa ng hawak niyang walis ang flower base na nasa kalapit niyang mesa at lumikha iyon ng ingay nong nabasag.

"Meow"

Napabuntong hininga siya ng marinig niya ang pusa na ngayon ay nakatitig sakanya, siguro kung ito'y nakakapag- salita ay malamang ay pinagtatawanan siya dahil sa kalunos lunos niyang itsura..

Nauna kasing tumama ang mukha niya sa sahig bago ang katawan kung kaya't parang siyang nakatuwad at kung may makakakita man sakanya'y malamang iisiping may hinuhuli siyang palaka. Ngunit sa totoo'y may hinuhuli nga siya, hindi nga lang palaka kundi isang pusa! Intruder na pusa!!!

Kabanas na pusa dumagdag na naman sa kamalasan ng buhay niya.

Inipon niya ang lakas upang makatayo at binigyan ng matalim na titig ang pusa na ngayo'y nakatitig parin sakanya.

"Ikaw talagang pusa ka, ang hilig mong manira ng tulog, araw-araw lumelevel-up ang pambwebwesit mo saakin. Ano ba kasi tinitignan mo diyan at gumagawa ka ng ingay?

Sabi sa pusa na animo'y parang tao kung kausapan niya.

"Meow!" tanging sagot ng pusa at nahintakutan bago patakbong umalis, Siya nama'y tumayo at pinulot ang nabitawang walis saka padabog na bumalik sakanyang kwarto.

"Natakot ata, May sinabi ba akong mali?"  Bulong niya sa sarili bago bumalik sa pagtulog.

Kinaumagahan, maaga siyang nagising upang maghanap ng trabaho. Mag-iisang linggo na rin kasi siyang tengga at walang trabaho.

Tinanggal siya ng employer niyang bakla sa dating pinapasukang coffee shop nang malamang may gusto sakanya ang crush nitong coffe maker nila, at dahil sobra sobra ang insecure nito sakanya ayon tanggal siya!

Kabanas kasi yong lalaking yon alam naman nitong may gusto rito ang amo nilang bakla kung makapag pakita ng interest sakanya'y harap harapan kaya tanggal tuloy naabot niya dahil pinag-initan siya ng amo niyang mas kilos babae pa kaysa sakanya!

Nawalan rin siya ng raket ng dahil dito, talagang sinabutahe nito ang lahat ng pinapasukan niyang sideline para lang pahirapan siya! Ang baklang yon akala mo kung sinong maganda porket mayaman at may koneksyon kinaya-kaya na siya!

Pero di pa rin siya pakakabog!
hindi siya titigil na maghanap ng trabaho aanhin pa ang ganda niya kung magpapatalo siya rito?

Mabilis siyang naligo at sinuot ang pinakamatino na niyang damit.

Isang lumang blouse na tanging sinusuot lang niya tuwing maghahanap ng trabaho na tinirnuhan niya ng kupasing maong na pantalon at rubber shoes.

Humarap siya salamin at bahangyang tinitigan ang sarili ng nakangiti, positibo siya sa buhay at hindi basta basta nagpapatalo subalit hindi nito maitatago ang katotohanang nahihirapan din siya, na minsa'y gusto na rin niyang sumuko at magpadala sa mga sinasabi ng ibang tao at ng mga kamag anak niya na malas siya! na siya ang dahilan kung bakit namatay ang pamilya niya at dapat siya na ang namatay hindi ang mga ito.

Nasasaktan siya at normal lang yon sa taong tulad niya ngunit tinatibayan niya ang kanyang loob dahil naniniwala siyang darating din ang panahon niya, her time is not yet come, on the way palang kumbaga.

Mabilis niyang iniling ang ulo at bahagyang itinaboy ang negatibong iniisip, inilayo niya ang tingin sa sarili at tinungo ang kusina upang maghanap ng makakain.

-

TAGAKTAK ang pawis ng pumasok siya sa isang fast food chain, bitbit ang huling resume na dala niya.

Ito na ang panghuli niyang pag-aaplayan sa araw na yon dahil naubos na ang resumeng dala sa kaka-apply sa mga nadadaanang pwedeng pag applyang trabaho ngunit sa kamalasan yata'y walang gustong tumanggap sakanya dahil sa under graduate lang siya sa college. Kabanas namang buhay to! Sa isip niya.

Bahagya siyang napalunok nong maamoy ang mabangong amoy ng bagong lutong pritong manok na nagpakulo sa tiyan niya, alas dos na rin kasi ng hapon at di parin siya nanang-halian at tanging pandesal lang ang kinain nong agahan.

"Miss, ano po kailangan nila?"

Napa-igtad siya ng tinapik siya ng babaeng waitress doon, napansin kasi nitong nakatayo lang siya gitna.

"Ay sorry! nabasa ko kasi sa nakapaskil sa labas na nangangailangan kayo ng waitress,mag aaply sana ako, may bakante pa ba?"

Sagot niya bahagya siyang tinaasan ng kilay ng babae at tinignan siya mula ulo hanggang paa pabalik.

"Balik ka nalang bukas wala dito ang manager namin."Nakataas kilay nitong saad.

Uminit ang ulo niya, anong karapatan nitong taasan siya ng kilay? Suplada! akala niya naman kinaganda nito ang pagsusplada, nagmukha nga itong si bakikang dahil sa kakapalan ng kilay! pero kinontrol niya ang sarili at nakangiting sumagot.

Masyadong mataas ang level niya para patulan ito!

"Ganun ba, sige babalik nalang ako bukas."

Pilit ang ngiting sumagot siya rito saka mabilis tumalikod paalis subalit sa kamalasan na naman niya'y may nagmamadaling taong nakabunggo siya na sa lakas ng impact tumilapon ang dala niyang resume sa isang mesang puno ng pagkain at nakita niyang nadumihan ito..

Anak ng! Yong resume ko!!







Author's note:

Sorry for the late update!!!
Again ang storyang ito ay hindi pwede sa mga may edad 13 pababa, patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.

Salamat! Read at your own risk!

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon