Chapter 32

4.2K 99 14
                                    

The Ruthless Finale

HINDI makagalaw si Lorrel dahil sa higpit ng pagkakatali sakanya.  Sa tuwing tatangkain niyang kalasin ang tali ay mas lalo iyong humihigpit kaya wala siyang nagawa kundi sumigaw nalang.

"Ahhhhhhh! You can't do this to me! Pakawalan niyo 'kong mga hayop kayo!!!"

Walang tigil niyang sigaw habang pilit inaalis ang kalas ng tali. Nang manakit ang kanyang lalamunan ay napilitan siyang huminto.

Frustrated siyang sumandal sa pader at sunod-sunod na lumunok. Tumingin siya sa labas sakto namang dumaan ang isa sa mga tauhan niya. Patakas iyong tumatakbo. Nabuhayan siya ng loob sa nakita at tinawag ito.

"Psst! Asan ang mga kasama mo, bakit hindi niyo ginagawa ng maayos ang trabaho niyo at nagawa kayong takasan ng babaeng iyon?! Napaka inutil niya talaga....."

Galit niyang tanong na nagpatigil rito. Luminga siya para hanapin ang iba pang mga tauhan.

"..... halika nga dito at tulungan mo akong alisin tong tali sa mga kamay ko." dugtong niya ng di makita ang iba.

Napakamot sa ulo ang tauhan at parang nag-aalinlangan.

" S-sharp shooter ho iyong lalaking dumating kanina..." Rinig niyang sagot nito,marahil ang tinutukoy nito ay si Rk.

Kumunot ang kanyang noo naiisip palang niya ang binata'y sinisilaban na siya ng galit.

"...marami ng nalagas at halos lahat wala ng buhay swerte ko nga lang at nakatakas ako, iyong iba sugatan na at hindi makakilos saka narinig kong parating na ang mga pulis kaya kailangan ko ng umalis bago pa nila ako maabutan dito!" halatang takot na sabi nito.

Pinukalan niya ito ng masamang tingin.

Kung ganoon ito nalang ang natitira sa mga tauhan niya!

Haist! Mga inutil! Pinapasakit talaga nila ang kanyang ulo!

"Fuck you! So iiwan mo ako dito, sa tingin mo ba kapag nahuli ako hindi kita ilalaglag, baka nakakalimutan mong kayang-kaya kong mamaliktad!"

"Pero.."

"Bilisan mo na! Tanggalin mo na itong hayop ka kung ayaw mong mabulok sa kulangan! Galit niya sigaw dito.

Kaya walang nagawa ang lalaki kundi lapitan siya. Kinuha nito ang kutsilyong nasa bulsa at iyon ang ginamit pangkalas ng tali sa kamay niya.

Inunat niya ang mga kamay nang makalaya ang mga iyon at pinukulan ng masamang tingin ang tauhang nasa harap.

"Tulungan mo akong hanapin ang babeng iyon, kailangan ko siyang patayin bago pa siya makalayo sa lugar na ito!" utos niya rito.

Umiling ito. "Hindi ko na kayo matutulungan, natanggal ko na ang mga tali sa kamay niyo kaya kayo na ho ang bahala sa sarili niyo saka hindi ko kayang pumatay ng tao."

"Ah ganoon, Inutil ka, kung hindi rin naman pala kita mapapakinabangan mabuti ng patayin na rin kita!"

Walang kaabog-abog niyang kinuha ang baril na nasa bulsa nito at itinutok iyon sa ulo ng tauhan saka kinalabit ang gatilyo.  Wala pang ilang minuto ay duguan itong bumagsak.

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay sinusuway ako." mariin niyang sabi bago hinipan ang dulo ng baril na umuusok -usok pa saka nagpaulan ng bala bago mabilis na nilisan ang lugar.

-

MALAPIT ng makalabas si Miya nang marinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril. Paika-ika siyang tumakbo palabas at hindi ininda ang sakit ng buong katawan.

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon