Chapter 30

3.5K 80 18
                                    

Lorrel's Anger

"THEY said handsome man always give women hard time! Teach him a lesson this time!"

Mula sa kawalan Bumaling ang atensyon ni Miya kay Jelai na noo’y nanggagalaiting nakatingin sa screen ng cellphone nito.

Kahit hindi niya tanungin alam niya kung ano ang ikinagagalit ng kaibigan, May kutob siyang nabasa na din nito kung ano ang nabasa niya kaninang umaga.

Iyon ang dahilan kung bakit siya balisa ngayon.

Kasalukuyan silang nasa isang Cafe, nakipagkita ito sakanya matapos malamang nasibak siya sa trabaho. kaka-out lang nito sa trabaho na mula sa pagiging beautician ay isa na ngayong call center agent sa may BGC pero demiretso agad para makipagkita sa kanya kaya kahit hindi halata alam niyang wala pa rin itong tulog.

“Beb Nakita mo na ba ito?”

Tumingin si Jelai sakanya saka may pag-aalinlangang iniharap ang cellphone sakanya kung saan may article na naka post online.

“RK Montreal the famous ruthless billionaire is no longer a bachelor he’s now engaged with a mysterious woman!........”

Kalikip ng featured news na iyon ay isang larawan ng couple ring na sa tingin niya'y kinuha sa Instagram ng binata na may caption na "Finally found you!"

May One million react and likes na iyon at Nine hundred Thousand comment and shared kahit wala pang isang araw na ipinost iyon sa social media.

Base sa nakikita niya’y number one trending topic ito ngayon nationwide lalo pa’t hindi pinakilala kung sino ang babaeng pakakasalan daw nito. ganun ba ito kakilala?

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi, kahit hindi pinangalanan kung sino ang babaeng tinutukoy sa article alam niyang si Lorrel ang babaeng iyon. Malinaw pa sa isipan niyang tinawag nitong babe si Rk nong araw na muli silang nagkita. Ibig lang sabihin may relasyon ang dalawa!

Tumaas ang sulok ng kanyang labi, nasasaktan siya pero nanaig ang galit  sa kanyang puso para sa binata. Ang kapal ng mukha nitong galawin siya at yayaing bumalik sa piling nito yon pala’y may pakakasalan na itong iba.

“Miya, Are you okay?” concern na tanong ni Jelai ng mapansing nakatitig lang siya sa cellphone.

“No, I’m not okay it hurts a lot!” Wala sa sariling sagot niya.

“Hays! Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala sayo kahit na sinabi mo na ang totoong nangyari, what are you going to do about this?” Kunot noong tanong nito, halata sa boses nito ang frustration.

“Hindi ko alam, siguro ngayon iisipin ko muna kung paano ko makukuha ang anak ko, siguro naman ibibigay niya na sakin si Devika lalo pa’t ikakasal na siya sa ibang babae.” Malungkot niyang saad.

“Sabihin mo saakin kung paano kita matutulungan, gagawin ko.”
Sabi nito mahihimigan sa boses nito na nais tumulong.

“Hindi na, kaya ko na ito ang mabuti pa’y umuwi ka nalang at magpahinga may pasok ka pa mamaya.” Sagot niya.

“Ano ka ba ayos lang ako, ang pinoproblema ko nga’y ikaw lalo pa’t natanggal ka pa sa trabaho paano ka na ngayon niyan? Naku! Kasalanan talaga ng lalaking ‘yon kakalbuhin ko talaga siya kapag nagkita kami!”

Galit nitong litanya sabay inom sa Ice tea.

Hindi niya maiwasang hindi mapangiti, kahit papaano’y may kaibigan siyang tulad ni Jelai na handang ipagtanggol at pasayahin siya pag may problema.

“Salamat Jelai sa lahat hah! Kung hindi siguro dahil sayo baka hanggang ngayon wala pa ring deriksyon ang buhay ko, kulang ang salitang Salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo para sakin.” Sincere niyang sabi rito sabay hawak sa kamay nito.

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon