Fiancee
BUKAS lahat ng ilaw, malakas ang tugtog at maraming tao ang nagkakaipon-ipon sa living room. Animo umaga sa loob ng bahay ng cousin ni RK, iyon ang unang napansin ni Miya nang pumasok sila roon. Lahat ay masayang nagkwekwentuhan at nagiinuman nang dumating sila.
Inakbayan siya ni Rk. “Hey, guys, meet my Fiancée. Her name’s Miya.”
Fiancée? maang ng isip niya hindi niya inaakalang ganun siya ipapakilala ni Rk sa mga taong naroon, ito ba ang sinasabi niyang plano? Teka, nag-cue na ba ang camera kailangan na ba niyang umarteng Fiancée nito?
Napatayo siya ng tuwid at pekeng umubo. Isang pekeng ngiti ang ipinaskil niya sakanyang mukha at alanganing bumati.
“Hello sainyo..”
Hinagod siya ng tingin ng mahigit sampung taong nasa living room. Kung ano ang suot niya kanina sa trabaho ay suot parin niya hanggang ngayon. Kinabahan siya, sa titig ng mga ito’y mababasa ang panghuhusga at pagkagulat.
Sa totoo lang wala siyang pakialam sa looks niya ni hindi siya palaayos hindi katulad ng ibang mga babae ngunit sa mga oras na iyon pinagsisisihan niyang di man lang siya nagkaroon ng interest na matutunan ang mga ganung bagay dahil aminado siyang ilan sa mga ito’y hinuhusgahan siya dahil sakanyang itsura ngayon.
Kasalanan din naman ng hambog niyang boss, hindi nito sinabing sa party pala ang punta nila ni hindi man lang siya pinagbihis at inayusan! Ganito ba ang role na gusto nitong gampanan niya?
Hays! Ganitong-ganito rin ang madalas niyang mapanood sa telenovela eh, kailangan yong babae, hindi masyadong kagandahan tapos yong gwapong bidang lalaki ay maiinlove dito at boom! Lahat ng tao maniniwalang true love yon dahil nga imposibleng mainlove ang isang mayaman, gwapo at mainpluwensyang tao sa isang babeng total opposite nito. Hays! Hindi lang halata pero fan pala ng k-drama tong boss niya ah? Hmmp!
Isang mataas na lalaki ang tumayo. Mestizo ito at pamilyar sakanya. Lumapit ito sakanila, hinagod siya nito ng tingin.
“Kailan ka pa nagkaroon ng bagong Fiancée? Parang hindi naman siya ang nasa picture na ipinakita saakin ni Tita nong asa Canada ako?”
Narinig niyang nagsinghapan ang mga taong naroon kasabay ng bulungan. Tinitigan niya ang lalaki, sigurado siyang nakita na niya ito somewhere! tumiim bagang siya. Tama! Naalala na niya ito! Ito ang lalaking nakasabayan niya sa Elevator kanina pero bakit parang ibang-iba ito ngayon kumpara kanina? Ngumisi lang ang boss niya.
“Really? You must be close with Mom, even my private life kinukwento niya sayo.” he mocked.
“Or I must be mistaken.” Bawi nito. Ang tensyong nabuo kanina ay unti-unting naglaho.
“Maybe, Oh! I almost forgot, Mom's used to adore you everytime you visit in our house and I must say even until now she still is, kaya siguro nakwento niya sayo..."
"Ah! Yeah, a bit you know tita, she really like adorable man like me. Cute kasi ako unlike you masyadong uptight."
Biro ng lalaki na ikinatawa ng kanyang boss pati ng mga taong nasa paligid.
" I see anyway Miya, he’s Thunder, my cousin.” Pakilala ni Rk sa lalaki na ikinangiti lang nito.
“Nice meeting you, kung hindi ako nagkakamali ikaw yong lalaki sa elevator kanina diba?” Tanong niya, gusto niyang kumpirmahin kung ito nga talaga iyon.
Kumunot ang noo nito saka siya matamang tinitigan and then she saw in his eyes the signs of recognition. Humalakhak ito na nagpakuha ng atensyon ng iba pang mga taong naroon.
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
RomantizmIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...