Accident
UMALINGAWNGAW ang isang putok. Nanlalaki ang mga matang napatingin si Miya kay Rk na noo’y kasalukuyang nagmamaneho ng kotse.
Anong nangyayari?
Ngayong araw ang balik nila ng Manila at mula pa kaninang nagcheck-out sila ramdam nilang parang may sumusunod sakanila.
Nakarinig ulit sila ng sunod-sunod na putok patungo sakanilang direksiyon buti nalang at hindi sila ang tinamaan ngunit ang gulong ng kanilang sinasakyan ay di nakaligtas kaya nagpagiwang-giwang sila.
“Damn!” Narinig niyang mura ng binata kasabay ng pagliko nito ng manibela upang maiwasan ang kasalubong na sasakyan.
Sa pagliko nila’y may humarang sakanilang isang itim na Van. Hindi niya mapigilang hindi mapasigaw sa pinaghalong takot at kaba.
“Fuck! Who the hell is them?” narinig pa niyang sigaw ng binata kasabay ng pagpreno nito saka siya mabilis na yinakap upang protektahan.
“S-ino sila anong kailangan nila satin.” kinakabahang tanong niya.
“I don’t know….” Humigpit ang yakap ng binata sakanya nang makitang bumaba ang mga sakay ng itim na van.
Nakaitim ang mga ito, natatakpan ng bonet ang kanilang mukha at tanging mata lang ang nakikita.
“A-ano bang nangyayari papatayin na ba nila tayo?”
“Don’t worry, I’m here and I will not let them to touch nor kill you.”
“N-natatakot ako! Juice ko ayaw ko pang mamatay!”
“I will protect you at all cost!” Ani ng binata bago mabilis na kinuha nag nakatagong baril sa compartment ng kanyang kotse.
-
NARAMDAMAN ni Rk na lumapit ang isa sa mga lalaki sa bintana ng kanyang kotse, mahigpit niyang hinawakan sa braso si Miya.
“Pagbilang ko ng tatlo yumuko ka naiintindihan mo?” bulong niya rito.
“Teka, anong gagawin mo baka mapahamak ka!” natataranta namang tugon ng dalaga.
“Ako na ang bahala basta gawin mo na ang sinasabi ko, Isa!”
Nababahalang sambit niya kailangan nitong sumunod kung hindi parehas silang mapapahamak.
“P-pero.” Pag-alinlangan pa nito.
“Dalawa!” Sigaw niya nang marinig ang pagkalabog ng kinasasakyan nila, binalya pala iyon ng isa sa mga humarang sakanila.
Nanginig ang dalaga kaya wala itong nagawa kundi tumango nalang. Maingat niyang kinasa ang hawak na baril.
“Tatlo!” sa pangatlong bilang niya’y agad yumuko ang dalaga saka mabilis niyang pinaputukan ang lalaking asa labas. Sapul agad ito sa ulo at duguang bumagsak. Wala siyang awang naramdaman dito he is a ruthless after all.
Narinig niya ang pagsigaw ni Miya kaya mabilis niyang kinabig ang sasakyan buti nalang kahit papaano’y umandar pa ito at sinagasahan ang mga lalaking humarang. It’s a risky action but he doesn’t have a choice kundi gawin iyon.
Sunod-sunod silang pinaputukan ng mga ito pero mabilis niya iyong iniwasan.
Ilang sandali lamang nakita na niyang nakasunod na ang van sakanila, umigting ang kanyang panga, alam niyang dehado sila lalo pa’t flat na ang gulong nila at pagiwang-giwang na ang kanilang sinasakyan pero hindi siya susuko!
Kinuha niya ang mga palad ng dalaga at hinawakan iyon ng mahigpit kasabay ng pagganti niya ng putok sa mg humahabol at patuloy na pinapaputukan sila.
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
RomanceIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...