Jail
"Sinasabi ko na nga ba! Talagang sinadya mong basagin ang bintana ng kotse ko, Impaktita ka!
Napangiwi nalang si Fumiya sa tinis ng boses ng kanyang dating amo ng sigawan siya nito at duruduruin. wala naman siyang magawa kundi maupo nalang at hintayin itong matapos.
Kasalukuyan silang nasa presinto matapos siyang ireklamo nito kung kaya't napilitan siyang ipagpaliban muna ang paghahanap ng trabaho at harapin muna ang dating amo.
"Hindi mo ba alam kung gaano iyon kamahal? bayaran mo ako! bayaran mo akong haliparot ka!"
Napalunok siya ng marinig niya ang sinabi nito, ano na naman bang bagong problema ito? bagong babayaran? Ni wala nga siyang mahanap na trabaho dahil dito, paano kaya siya makakabayad? Kailangan niyan mag-isip.
Isip! Isip! Pero sa huli naisipan nalang niyang ipaliwag dito na hindi niya sinasadyang mabasag ang kotse.
"I told you it's not like that! I didn't intend to broke the window of your car, hindi ko naman alam na don maglalanding yong latang yon."
Nagsusumamo niyang paliwanag subalit parang wala itong narinig sa halip mas lalo itong nagwala na nakaagaw pansin ng mga police na nakaduty sa araw na iyon!
"But you broke it, so you should pay me or else I will sue you!!"
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at pinameywangan siya!
"Sir, babayaran ko naman kayo, pero kung pwede sana huwag muna ngayon, huhulog-hulugan ko nalang wala pa kasi talaga akong pera, saka sir George-----"
Naputol ang sasabihin sana niya ng bigla itong magwala, agad naman itong pinakalma ng mga police na naroon at sapilitan itong pinaupo.
"Ilang beses ko bang sasabihin, Georgia hindi George, saka maam! Hindi sir!"
Mahinahon nitong sabi ngunit nangigigil, hindi niya mapigilang mapairap sa inasta nito pero pinilit parin niya itong ngitian kahit inis na inis na at punong puno na talaga siya dito!
"hehe, Ma'am Georgia aayusin ko nalang po yong bintana niyo talaga kasing wala akong pambayad"
"No!!! hindi ko hahayaang mahawakan ng isang hampas lupang tulad mo ang kotse ko! baka mamaya mas lalo mo pang siraing bruha ka!"
Napakagat labi siya trying to hold her anger, totoo ngang nabasag niya ang bintana pero hindi naman niya iyon sinasadya para pagsalitaan siya ng sobra sobra at laitin, kaya ayaw man niya'y hindi na siya nakapagpigil na sagutin ito.
"Oo wala akong pera pero hindi ako hampas lupa, kung tutuusin mas mukha ka ngang lupa eh, kung makatawag ka sakin ng haliparot, bruha, empaktita at pangit akala mo naman perpekto ka! Yong totoo sarili mo ba ang tinutukoy mo? "
Sa sinabi niyang iyon nagwala nanaaman ito at akmang susugurin siya buti nalang agad pumagitna ang hepe ng presintong iyon na kanina pang naririndi sa sagutan nilang dalawa.
"Kayong dalawa, di talaga kayo titigil? Nandito kayo para pag-usapan ang problema sa bintana ng kotseng nabasag hindi para mag-eskandalo, presinto ito hindi sabungan para magaway!"
Sabi ng hepe habang palipat lipat ang tingin nito sakanilang dalawa na nagpatigil sa balak na pagsugod ng dating amo pero ang bruhilda nagawa pang yumakap sa isang gwapong pulis at nagpaawa effect pa!
Napairap siya! Porket gwapo si kuyang police nananching agad!hmmmm! Bakla talaga parang laging nauubusan ng lalaki kahit sa presinto di pinalagpas!
"No chief, gusto kong manatili ang babaeng yan dito hanggang wala siyang pambayad!!!"
Napangiwi ulit siya sa tinis ng boses nito, pati mga police ganun din ang naging reaction.
Gusto man niyang sumagot pero pinigilan niya ang sarili ayaw na niyang dagdagan pa ang kaso niya. Pero pano siya hahanap ng pera kung nakakulong siya?
Napairap siya! Hay buhay!!!
-
TANGA! Tanga! Tanga!
Paulit ulit niyang inuntog ang ulo sa pader na sinasandalan. Niinis siya, naasar, nabwebwesit lahat ng klase ng sama ng loob nararamdaman niya sa oras na iyon. Panu ba nama'y magdamag na siyang nakakulong dahil walang perang pampiyansa, sabi kasi ng pulis hindi naman mabigat ang kanyang kaso kaya pwede pang piyansahan. Ang problema nga lang kung saan siya kukuha ng pera? Eh nasa loob nga siya! wala din namang pakialam sakanya ang mga kamag anak.
Hay buhay unfair!
Muli naman niyang inuntog ang ulo nang marinig niyang bumukas ang rehas kasabay ng pagtawag sakanya ng police.
"Fumiya Marquez, Laya ka na!"
Agad siyang dinalaw ng saya subalit kaakibat nito'y pagtataka, sino ang nagbayad ng piyansa para sakanya?
Mabilis siyang tumayo at mabilis ding lumabas ng rehas! At sakanyang pagalabas sinalubong siya ng nakangiting mukha ng isang weird na lalaki---- ang lalaking version ni Betty la fea?? Anong ginagawa nito dito?Oh my gasss??? Ito ba ang nagpiyansa sakanya? Bakit?
"Mr. Weird este Mr. secretary? Ano pong ginagawa niyo dito?"
Inosente niyang tanong ngunit ngumiti lamang ito sakanya bago sumagot na nagpagulat sakanya.
"Nice meeting you again Miss Fast food, come on, he is waiting for you" pormal nitong saad
"Ha? fast food? Ako? Saka sinong naghihintay?"
Tumango lamang ito sakanya, saka ito nagumpisa magalakad kasabay ng pagsagot.
"My boss"
Author's note:
Maraming salamat sa pagsuporta, i hope di kayo magsawa.. next chaper na maguumpisa ang totoong storya,,..hope magustuhan niyo
Sana pakikalat o pakirefer na rin sa mga kakilala niyong watpaders...kayo po ang dahilan kung bakit ginaganahan akong magsulat..Keep on voting guys pafollow na rin po..
Muah muah!
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
RomanceIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...