Chapter 5

5.2K 143 7
                                    

Meeting with Mr. Ruthless

TAHIMIK lang si Fumiya sa loob ng mamahalin at mabangong sasakyan ng taong sumundo sakanya sa Kulungan, hanggang ngayon naguguluhan pa siya sa mga nangyayari, nasa backseat siya at katabi niya ito ngayon.

Pasimple siyang tumingin sa gawi nito at napataas kilay ng mapansin niyang para itong estatwang nakaupo, hindi gumagalaw at deretso lang ang tingin.

Ang weird talaga ng taong ito, sa isip isip niya, huminga siya ng malalim at pasimpleng kinuha ang atensyon nito.

"hmm, Bakit ako gustong kausapin ng boss mo? "

Tanong niya rito, bahagya siya nitong tinignan at mula sa blangkong mukha ngumiti ito.

"Maging ako'y hindi alam ang dahilan subalit nasisiguro kong mahalaga iyon"

Napangiwi siya sa naging turan nito, talaga bang ganito ito magsalita?

"Diba siya yong bastos at mayabang na lalaki don sa pinagaaplyan kong kainan? Bakit niya ko gustong makita?

Pangungulit pa niya ngunit parehas pa din ang naging turan nito kaya wala na siyang nagawa't tumahimik na lamang. Hinintay nalang niyang makarating sila sa Kompanyang pagmamayari daw nito.

-

ILANG minuto ang nakalipas tumigil ang sinasakyan nila sa harap ng napakalaking kompanya.

Kinailangan niya pang tumingala upang makita ang kabuoan nito at kung sisipating mabuti ay hindi ito basta bastang kompanya, nakakalula ang taas nito at maraming tao ang naglalabas masok rito na sa palagay niya'y mga empleyado.

"Narito na tayo, ihanda mo ang yong sarili, naghihintay na si boss"

Diretsong saad nito bago ito bumaba at inalalayan siya.

"Ahmmm.. Ano bang nakain ng boss mo at pinyansahan niya ako? Dahil kung tutuusin wala naman akong nakikitang dahilan para tulungan ako? Dapat nga galit siya sakin diba kasi sinagot sagot ko siya?

Nagpatuloy siya sa pagtatanong habang naglalakad sila papasok sa loob ng malaking kompanya nito kahit alam niyang di naman siya sasagutin ng weird na lalaking ito.

At tulad nga ng inaasahan niya di na nga ito sumagot at malamang ay nakukulitan na dahil napapakamot na ito sa ulo ng sipatin niya ito.

Pero wala naman siyang magagawa, nilalamon siya ng curiosidad kaya ang magagawa lang niya'y kulitan ang kasama at hindi siya titigil hangang di ito magsalita.

"Gusto ko lang malaman baka kasi mamaya maghihingi siya ng kapalit na di ko kayang ibigay, mas mabuti ng handa at may alam kaysa hindi diba? Gosh mukang may sayad pa sa utak yang boss mo? Oy mister! Magsalita ka naman nagmumukha na akong timang dito!" ngunit di ito sumagot

Tuloy tuloy lang silang naglakad at napansin niyang lahat ng nadadaanan nilang empleyado ay bumabati sa lalaking asa gilid niya pero wala man lang itong response saka sila napapatingin sa gawi niya at halos lahat pare-parehong emosyon ang pinapakita. Nagbibigay babala!

Napakunot noo siya at napaisip kaya hindi na niya napansin na huminto na pala sila sa tapat ng elavator, naghintay sila ng ilang segundo saka ito bumukas.

Nanlaki ang kanyang mata sa nakita, hindi naman sa inosente siya maga ganung bagay pero parang ganun na nga, madalas kasing sa mga TV at magazine lang siya nakakakita ng isang elevator kaya ang makakita siya mismo sa oras na iyon ay lubhang nagpamangha sakanya.

Nanatili lang siyang nakatayo kung hindi lamang pekeng umubo ang lalaking kasama ay hindi siya matatauhan at papasok. Napakamot siya sa ulo hilaw na ngumiti.

"Ignorante ka talaga Miya!!!" Sigaw ng inner side niya. Napaikot mata nalang siya!

-

MALUWAG at napakalaki sa loob ng opisinang pinasukan nila, malinis at lahat ng gamit ay mamahalin bawat paglandingan ng kanyang mga paningin ay nagsusumigaw sa karangyaan!

Nagmumukha tuloy siyang basahan sa suot niya lalo nat kahapon pa niya ito suot at galing pa siya sa kulungan malamang nangangamoy na siya!

Napakagat labi siya sa naisip, sa kagustuhan niyang malaman kung bakit siya pinyasahan ng hambog na lalaking iyon nawala sa isip niyang di pa pala siya naliligo! Bigla siyang pinagpawisan kahit di aircon sa loob dala na rin siguro ng kaba at kahihiyan sa magiging itsura niya haharap sa hambog na iyon!

"Shit! Bat ba di aircon dito? Kakalat ang amoy ko nito eh! Baka maamoy nila ko lalo na yong gwapo nilang boss este HAMBOG nilang boss!! Mayabang pa naman ng hambog na yon!" bulong niya sa sarili

Naramdaman niyang tumulo ang kanyang pawis kaya napaurong siya papuntang pinto para lumabas sana at amoyin ang sarili pero bago pa man niya mabuksan ang pinto ay biglang may tumikhim sakanyang harapan na nagpahinto sakanya.

Anak ng tokwa! Nalintikan na! Amoy na nga nila! Ay!! Nakakahiya talaga! Kailangan ko na talagang umalis dito! Anong gagawin ko? Anong gagawin ko!

Patuloy na nagsusumigaw ang kanyang isip habang wala sa sariling umaatras papunta sa pinto ng bigla nalang may humila sakanyang mga kamay! Sa pagkabigla at lakas ng empak ay napasubsub siya sa dibdib ng kung sino man!

Imbis na humiwalay ay pumikit siya at mas lalong sumubsub ng maamoy ang mabangong amoy nito.

"Ambango naman nito,ang sarap yakapin! Ano kayang pabangong gamit nito?"

"I don't wear any kind of perfume, I'm not Fan and I don't need it"

Sagot ng taong kayakap.

"Talaga ba! Eh saan galing tong bango mo? Natural scent ganon?"

Sininghot singhot pa niya ito, pakiramdam niya'y nasa alapaap siya at nawala sa isip niyang asa loob siya ng opisina ng lalaking kinaiinisan niya! Speaking of lalaking kinaiinisan.

Napamulat siya at muling itong sininghot singhot! Napamulagat siya ng mapagtantong pamilyar ang amoy na yon at naamoy na niya ito minsan! Shit! Kaamoy niya yong hambog na lalaking iyon!

Sa naisip ay bigla siyang napahiwalay at mabilis na umatras! Para siyang nasilaw ng masilayan ang gwapong mukha nito na seryosong nakatitig sakanya! Nanlalaki ang kanyang mga mata na napatitig rin siya dito! Ano namang kahihiyan ang pinagagawa niya!

"Ah--ahy! Di pala angsangsang pala ng amoy! Hmm! Bili bili din ng pabango next time! Yaman yaman mo tapos pabango lang di mo kayang bilihin? Kuripot?"

Dahil sa pagkapahiya at para matakpan ang kabalbalang ginawa niya kani-kanina lang ay napilitan siyang magsinungaling at mukha atang wrong move dahil nagsalubong ang mga kilay nito?

"What did you say?"

"Biro lang hehe, Ito ang init agad, huwag masyadong hot! Alam ko namang hot ka eh! Di na nga ako magtataka kung masunog ka nalang bigla lalo pa't kaugali mo yong kilala kong tambay don sa kanto, si Debby! balita ko nga magkasing ugali kayo non, ang kaibahan lang siya nakatira sa mainit na lugar ikaw di aircon! Pero huwag kang magalala don ka rin naman tutungo."

Maslalong nagsalubong nag mga kilay nito sa narinig kaya bigla siyang napatakip sa bibig! Shaks! Nagalit ata?

"Floyd leave us alone! I need to deal this woman! "

Bigla siyang kinabahan ng palabasin nito si floyd na sa kasamaang palad ay naroon pa pala at nakita ang lahat ng kahihiyang ginawa niya. Mabilis din naman itong sinunod ang amo pero bago ito umalis ay tiningnan muna siya nito at binalaan sa pamamagitan ng tingin.

Ayaw man niya itong umalis ay wala siyang magawa dahil boss na nito ang nagsabi!

Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang sariling magsalita pero laking gulat niya ng marinig ang turan ng lalaking asa harap niya na nagpataas ng kaniyang balahibo at nagpatibok ng malakas sa kanyang puso!

"Don't bite that lips of yours because I will be the one who will bite that, not now but soon!"










Authors note!

Hey guys sorry for the long update hope you like this chapter!

Keep on voting guys! Pafollow na rin😁 Thank youuuuuu!!!!

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon