Hired
ATRAS abante si Miya, di niya alam kung tutuloy ba siya o hindi pero sa kalagayan niya ngayon ay talagang kailangan niyang tumuloy pero paano?
Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng building na may malaking nakasulat sa pinakatoktok na "Montreal Co." ang kompanya ng gagong yon. Hindi niya akalaing ganito pala talaga ito kalaki! Nong unang punta niya kasi dito ay masyado siyang bothered kaya di niya napansin na sobrang gara at laki pala nito.
Kung ganoon masyado palang malaking tao ang binabanga niya!
Tulad ng nakasanayan ay tumaas ang kilay niya sa naiisip.
Hindi niya kaya ito binabanga! ito kaya ang bumabanga sakanya! Kulang sa pansin kasi!
Napabuga siya ng hangin, papapasukin naman siya siguro, sa isip niya. Pumasok siya at kinausap ang babaeng nasa front desk. Maganda ito pero parang hindi friendly. Ganito ba lahat ng empleyado ng hambog na yon? Katulad niya?
"Good Morning! nandito po ba si-----"
Napatigil siya, ayss! ano nga ulit pangalan nong gagong yon?
Napapalo siya sakanyang noo ilang beses na niya itong nakausap pero hindi parin niya alam pangalan nito. Bakit ba kasi napakamalilimutan niya sinabayan pa ng pride niya! Paano niya ito makakausap kung pati pangalan nito ay di niya alam.
"Yes? Who are you looking for?"
Bumalik ang tingin niya sa babae.
"Ahm, ano kasi hindi ko alam ang pangalan niya, pero siya yong may-ari ng building nato."
"You mean, Mr. Montreal?"
Tanong nito at bahagya pa siyang tinaasan ng kilay pero hindi na niya iyon pinansin.
"O-oo yon! Tama yon nga! Nandito ba siya?"
"Yes, but do you have an appoinment?"
"Wala eh, pero kilala niya ako, hindi ba ako pwedeng pumasok?"
Tinignan siya nito mula ulo pababa pagkatapos ay maslalong tumaas ang kilay. Maayos naman ang suot niya, ano kaya ang kinatataas ng kilay nito? Pero kailangan niyang pumasok kaya kalma lang siya.
Hays! sarap tanggalin ang kilay! Arte nito!
"I'm sorry but regardless of our protocol you can't meet our boss without appoinment"
"Kahit sandali lang?"
Pagmamakaawa niya pero maslalong tumaas ang kilay at umikot ang itim ng mga mata nito! Ang taray!
"Have some appointment first"
"Sige na importante lang hindi naman ako magtatagal promise sobrang bilis lang talaga to, please!"
"I said, have some appointment first"
Ang hirap namang pakiusapan to! Sa isip niya
"Eh san ba pwedeng magpa-appointment, sayo ba?"
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang muling pagikot ng mata nito, kung hindi lang talaga niya kailangang kausapin ang lalaking yon ay baka kanina pa niya ito pinatulan! Pero dahil kailangan niyang magpakabait ay isasantabi niya muna ang inis niya dito.
"Our boss is too busy for the whole month because he has to meet some important person and business partners so if you want I will schedule you on next month".
"Next month pa! Eh ngayon ko na kailangang sabihin to! Hindi ko na mahihintay yang isang buwan! saka nakapasok na ako dito! Kasama ko pa yong lalaking version ni betty la fea, si Mr. Floyd"
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
RomanceIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...