Needs
MARARAMDAMAN ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa sa nalalabing oras ng buong magdamag. Masyadong nakaka-agaw ng atensyon si RK kanina sa mini bar kaya hinila na siya ng dalaga pabalik sakanilang suite, pero pagdating nila'y nakaramdan ng pagka-ilang ang dalaga.
Hanggang maari ay umiiwas si Miya na mapatingin sa nakahaing katawan ng binata dahil sa tuwing mapapalapit at mapapatingin siya rito, nararamdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha at ang paggapang niyon sa kanyang buong katawan.
Mariin siyang napapikit, hindi niya alam kung sinasadya ba iyon ng binata o hindi pero inaamin niyang kunti nalang gagapangin na niya ito! Lihim siyang napahagikhik.
Napakapilya talaga ng inner side niya!
Handa na siyang matulog, Lumipat siya sa may sofa minabuti niyang doon na matulog para iwas tukso.
Kumuha siya ng kumot at unan, Nakita niyang mataman siyang tinitignan ni Rk, nakahiga ito sa kama at halatang hinihintay siya! Mukhang nawala na rin ang epekto ng alak dito.
"Saan mo dadalhin 'yan?" nagtatakang tanong nito nang makitang hindi siya sa kama tutungo. Bumangon ito at lumapit sakanya.
Nagtuloy-tuloy lang siya. Inilatag niya ang kumot sa sofa. "Dito ako matutulog."
"Why?" malumanay na nitong tanong.
Nilingon niya ito. Tila pinanuyuan siya ng lalamunan nang makitang naka-boxer shorts lamang ito. Para bang naghahamon ang titig nito sakanya.
Binawi niya ang tingin. "Mas makakabuting mag-isa ka lang sa kama saka mas comfortable akong matulog dito sa sofa." Pagdadahilan niya.
Lumapit ito pahakbang sakanya. Kinuha nito ang hawak niyang unan at hinawakan siya sa braso.
"I insist, maluwag ang kama para saating dalawa at baka sumakit ang likod mo pag diyan ka natulog."
"P-pero gusto ko ditong matulog." Mahinang tutol niya.
Naramdaman niyang parang nanlalambot na ang kanyang mga tuhod. Kunti nalang bibigay na siya!
"The bed is more comfortable than sofa. Napagod ka sa paglilibot buong maghapon kaya kailangan mo ng maayos na higaan para makatulog kang mabuti, ayaw mo naman sigurong sumakit ang likod mo diba?"
Gusto niyang tumutol subalit hindi na niya nagawa nang akayin siya nito patungo sa kama.
HUMIGA patalikod si Miya dito, sinikap niyang maglagay ng espasyo sa pagitan nila ni Rk. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ang sarili na sungggaban ito.
"You might be fall." Sabi nito.
Ipinatong nito ang isang kamay sa balakang niya at umisod ito palapit sakanya.
Ilang inches lang ang pagitan ng kanilang mga katawan. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. He began caressing her hips. Hindi niya mapigilan ang sarling mapapitlag. Kinilabutan siya at pakiramdam niya may unti-unting nagigising sakanya.
Mabilis siyang bumangon.
"Magbabanyo lang ako." Aniya at humakbang palapit sa pinto ng banyo. Alam niyang sinundan siya nito ng tingin.She wants to stay away from him, ayaw niyang may pagsisihan kapag bumigay siya, as much as possible gusto niyang matapos ang bakasyon na ito na hindi niya maibibigay ang pinaka-iingatan niya.
Nang bumalik siya nakaisod na ito sa tabi ng dingding.
"If you don't want, I won't force myself on you." Anitong hindi itinatago ang pagkairita sa tono.
Humiga na siya sa tabi nito.
"Sorry," hinging paumanhin niya. "Hindi kasi-----"
"I know, maybe I'm just too drunk that's why I'm a bit aggressive. Sorry." Putol nito sa sana'y iba pang sasabihin niya.
Hindi siya sumagot, alam niya sa sarili niyang nag-uumapaw ang atraksyon niya para sa binata pero hindi naman siguro pwedeng basta nalang ibigay yon diba lalo pa't hindi niya ito tunay na kasintahan.
"Sleep." Narinig niyang huling sabi nito bago ito ginupo ng antok.
Pero siya'y malayo ang isip sa pagtulog because she was too aware of the man beside her,ang amo'y nito ang naghari sa pang-amoy niya at hindi niya alam kung hanggang kailan niya itatago sa sarili ang atraksyon dito.
Alas-kwatro na nang dinalaw siya ng antok.
-
MASAKIT ang ulo ni Miya ng magising siya, siguro'y dahil sa labis na pag-iisip sa nagdaang gabi. Tinanghali na siya! She wake-up and decided to take a shower to remove her head ache. Matapos maligo ay bumuti-buti ang kanyang pakiramdam kaya lumabas na siya ng silid. Salamat wala ang binata, kung sakali'y hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari kagabi.
Gusto niyang mag-inat-inat sa labas para mawala ang iniisip niya. It was a Friday. Kapag ganoong araw ay mayroong inihandang Lunch buffet ayon sa brochure na ibinigay sakanila ng resort. Iyon ang nag-iisang araw na may magperperform na banda habang nanananghalian ang mga bisita.
Bahagya niyang hinanap ang binata, pangit naman kung hindi niya ito aanyayahan gayong ito ang may gastos ng lahat sa bakasyong iyon
Nagikot-ikot siya at Nakita niya ang binatang nakaupo sa may buhangin paharap sa malacrystal na tubig dagat.
"Hey, I've been looking for you, andito ka lang pala" Bati niya dito ng makalapit.
Tinabihan niya ito, sinikap niyang maging kaswal ang kanyang tinig.
Lumingon ito sakanya, May kakaiba sa titig nito pero hindi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin.
"How's your sleep?" Anitong may malamig na tono.
"Okay naman." Pagsisinungaling niya kung maari'y ayaw niyang sabihing hindi siya nakatulog dahil dito.
"That's good." Tumayo ito mula sa pagkaka-upo saka inabot ang kamay sakanya. Hindi naman siya nagdalawang isip na tanggapin iyon.
"Let's have a lunch."
"Tamang-tama may inihandang pa-Lunch buffet ang resort, doon nalang tayo pumunta saka may magpe-perform pang banda, Siguradong masaya iyon" Excited niyang anyaya dito.
"Okay, if that's what you want."
-
GABI na naman. Lihim na napabuntong-hininga Si Miya. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila ng binata habang kumakagat ang dilim. She tried to make a small conversation but the guy is not answering. Hindi niya tuloy matumbok kung ano ang problema nito. Sa halip ay madalas niya itong mahuling titig na titig sakanya.
Pumasok siya sa banyo at inubos ang oras doon. Panay ang panalangin niyang sanay tulog na ito pagkalabas niya ngunit hindi iyon nangyari dahil pagkalabas niya'y naabutan niya ang binatang nakasandal sa dingding malapit sa pinto ng banyo.
"A-anong ginagawa mo diyan." Kinakabahang tanong niya.
"I was waiting for you."Sagot nito sabay lapit sa kinaroroonan niya.
Napapitlag siya ng hinapit nito ang kanyang balakang palapit sa katawan nito.
"I need you." Nahigit niya ang hininga. His voice was a bit husky kaya mas lalo siyang kinabahan. Maslalo nitong hinapit ang balakang niya tila pinaparamdam sakanya ang pangangailangan nito.
"W-what do you mean." Nakagat niya angkanyang labi sa kaba.
"You're my Fiancee, I need you." Bulong nito, bahagya pang kinagat ang kanyang tainga, pagkuwa'y hinalikan nito iyon.
"Don't you feel it?"
Mariin niyang nakagat ang kanyang ibabang labi. Gusto niyang tumutol ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang mga labi. Para bang nanigas pati dila niya.
"Please, let me make love with you." His hand was caressing her stomach.
"H-hindi maari kasi h-hindi naman tayo totong magkasintahan."
Ngumiti ito bago dahan -dahang hinaplos ang kanyang mukha.
"Then, let's make it real."
Pagkasabi niyon ay tuluyan na nitong sinakop ang kanyang mga labi.
-MiracleArra
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
Roman d'amourIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...