Chapter 19

3.5K 87 7
                                    

Denial

MABILIS na lumipas ang isang buwan. Hindi na nagtaka pa si Miya kung halos araw-araw na nasa office si Mrs. Montreal kasama si Miss Lorrel sigurado siyang binabantayan siya ng mga ito, halata naman sa mga  matatalim nilang titig na halos hindi na siya nilubayan.

Napabuntong- hininga siya. kailan kaya siya patatahimikan ng dalawa?

Pinukulan niya ng masamang tingin ang taong may kagagawan ng lahat! Walang iba kundi ang hambog niyang boss! Relax na relax itong nakaupo sa swivel chair habang nangingiti samantalang siya’y para ng natutunaw sa mga titig ng dalawang kontra-bida sa buhay niya! Hay! Sarap talagang batuhin ng kung-ano ang amo niya!

Padabog niyang inilapag ang inabot sakanyang papeles ni Mr. Floyd sa ibabaw ng mesa ng binata.  Napatalon ito sa gulat pero wala siyang pakialam. Napangisi siya. Serves him right!

“Pirmahan mo na yan at ng makalayas na ako sa harap mo!” Aniya.

“Whoa! You seemed bad mood today, honey.” Sabi nito na ikinataas ng kanyang kilay.

Kung hindi lang niya napigilan ang sarili’y baka nasapok na niya ito buti nalang talaga at malakas ang self-control niya.

“This is your fault! you annoying punk!” Di niya napigilang sabi.

Wala sana siya sa kinalalagyang sitwasyon kung hindi niya tinanggap ang offer nito! Nasa huli talaga ang pagsisi!  At ang hudyo parang masaya pa!

“Chill! Hindi maayos ang problema kung magpapadala ka sa init ng ulo” Anito na parang asong ulol kung makangisi. 

Look who’s talking? Mas masahol pa nga itong magalit kaysa sakanya. Kung hindi lang ito gwapo. Hmp!

“Tsk! I don’t wanna to talk about it! Nakakasakit ng ulo unless kong sasabihin mo sa Mommy at sa obsess mong fiancée na lubayan ako.” Marahas na hinagod niya ang kanyang mahabang buhok.

Sandaling nag-isip ang binata, he crossed his arms then spoke.

“You must be so stressed this past few days."

“Exactly!” Eksaherada niyang sagot.

“I think you need some break." Kalmadong sabi nito pero parang may kakaiba rito.

“Buti naman at alam mo!” Aniya.

“Then, come on let’s have a vacation.”

Muntik na siyang matumba sa kinatatayuan ng marinig ang sinabi nito. Umikot ang kanyang mga mata at tinaasan ito ng kilay

“Ano? Bakit naman parang biglaan yang pagyaya mo? Gusto mo lang atang takasan ang gulong ginawa mo eh!”

“Exactly! We can escape from Mom and Lorrel if we take a vacation, what do you think?”

Napaisip siya parang maganda nga iyon ah! Pero paano naman ang trabaho nito.

“Maganda sana kung wala kang trabahong iiwan.” Sarcastic niyang sabi.

“Don’t worry, Floyd can handle it…” Prenteng sabi nito sabay tayo. “…Tamang-tama matagal  na rin mula ng nagbakasyon ako kaya I  really want to have my vacation now…” Lumapit ito sakanya saka siya hinawakan sa braso.  “…Let’s go.”

“Teka lang!” Nataranta siya, aalis na ba talaga sila ngayon?

Napatingin siya sa papeles na inilapag niya. Hindi pa nito iyon napipirmahan.

“Hindi mo pa napipirmahan yon.” Sabi niya sabay turo rito ang nasa ibabaw ng mesa.

Mabilis naman na binalikan iyon ng binata at pinirmahan saka inabot sakanya.

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon