Plan
Where are you taking me?”
Nanghihinalang tanong ni Lorrel sa lalaking humarang sakanya kanina nang ipasok nito ang Porsche kung saan sila nakasakay sa isang exclusive village sa Taguig. Ngunit nagawa parin niyang magmukhang kalmado.
“I live here, malapit na tayo.” Tugon nito.
Tinitigan niya ito, may mapaglarong ngisi sa mukha nito. Napabuntong-hininga siya hanggang ngayon ay di siya makapaniwalang sumama siya lalaking ito, ang balak niyang icorner ang babaeng pinakilala ni Rk kanina’y hindi nangyari dahil sa kagagawan ng lalaking katabi.
Ang sabi nito’y dadalhin siya nito sa babae pero ngayon nga’y parang hindi naman totoo, hindi nga niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol sa babae at ngayon nga lang niya rin ito nakita.
“So? Bakit dito tayo nagpunta? Ang sabi mo dadalhin mo ko sa babaeng yon but why we ended up here?”
“They’re having a party in my house for welcoming me back here, my friends host it …” Ipinarada nito ang sasakyan sa likod ng isang sports sedan. Marami-raming sasakyan ang nakaparada sa unahan nila. Nakarating na marahil sila sa bahay nito.
“… I just arrived last night and it’s my first day here after 6 years, sa condo kasi ako tumuloy kagabi”. Pagpapatuloy nito.
“Then why you bring me here?” nagtataka at pagalit na niyang tanong.
“Calm down, why we don’t go inside first to see it on yourself?”
“Darn it! I’m not in the right mood to have a party right now, ang gusto ko makausap ang babaeng yon para lubayan si Rk hindi magparty!”
Ngumisi lang ang binata bago kinalas ang seatbelt niya umangat ang tingin nito sakanya saka siya tinitigan. Bigla tuloy siyang kinabahan.
“Then you should go inside with me…." Tumaas ang kilay niya saka niya ito pinukulan ng masamang tingin na ikinatawa nito ng malakas.
“Easy!... She’s right there…in the party with your so-called fiancée”
Napahawak siya sa kanyang dibdib sa biglaang pagkabog nito. Lumayo ito sa kanya saka bumaba, ayaw man niya’y bumaba din siya upang sundan ito.
“Teka lang ha! bakit andito sila saka sino ka ba? Anong alam mo?”
Isa rin sa ipinagtataka niya sa sarili, sumama siya sa lalaking ni pangalan ay hindi niya alam! Paano kung masamang tao pala ito?
Tumigil ito sa paglalakad dahilan para mapahinto rin siya, humarap ito at lumapit sakanya.
“I'm just confused, laging ipinagmamalaki ni tita saakin kung gaano kaganda ang future in law niya and I’m pretty sure that she’s talking about you...”
Tumagilid ang ulo nito para bang pilit iniintindi ang mga nangyayari.
“…. but why RK’s holding other woman’s hand and announcing in front of you also with his all employees that she chooses to marry that woman? It’s not making sense." patuloy nito habang humahakabang palapit sakanya.
“Tssk! Then anong gusto mong palabasin?” masungit niyang tanong, di niya matumbok kung anong gusto nitong mangyari.
Ngumisi ito saka siya tinitigan ng ilang minuto.
"That Rk's doesn't want you, only Tita did. I’m Thunder by the way”. Pagpapakilala nito sabay kindat.
Napatras siya sa mga sandaling yon nahulaan na niya kung ano ang Kaugnayan nito kay Rk, nawalan siya ng sasabihin para bang ipinamumukha nito sakanya kung ano siya sa buhay ni Rk.
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
RomanceIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...