Offer
Tahimik siyang nakaupo sa loob ng opisina ng supladong lalaking nagpadukot sakanya.
Oo, para sakanya'y dinukot siya dahil nong tumakbo siya kanina mula sa kinainang mamahaling Restaurant na pinagdalhan nito at sinubukang takasan ang kahihiyang pinagagawa niya ay inutusan nito ang mga tauhang sa gulat niya'y meron pala na hulihin siya at sapilitang dalhin sa maganda at malamig nitong opisina .
Kanina pa siya nakahalukipkip at nagkukunwaring nagbabasa ng magazine na nadampot lang niya sa ibabaw ng glass table na nasa tapat ng kanyang inuupuan.
Wala siyang mukhang maiharap dito matapos ng katangahang ginawa niya kanina! Panu ba naman sa lahat kasi ng pwedeng mahawakan ay yong anaconda pa nito!!
Nakakahiya talaga! Nakakababa ng pride!
Maya maya'y narinig niyang tumikhim ito para kunin ang kanyang atensyon.
"Do you not realize how stupid your action were, are you trying to escape? sorry to disappoint you, until you can't pay your debt. I won't let go of you!"
Kinilabutan siya sa lamig ng boses nito.Pinaghalong galit at frustrasyon.
Ang di niya lang maintindihan ay kung bakit habol ito ng habol sakanya una naman sa lahat hindi naman niya hininging piyansahan siya nito?
Kaya para sakanya hindi niya yon utang! Saka ok lang namang makulong siya atlease doon libre na lahat, libre na sa pagkain, tubig at higit sa lahat di na niya poproblemahin kung saan kukuha ng pambayad upa sa masungit niyang landlord! Hays! Paepal kasi tong isang to!
"A-anong scape-scape ka diyan, di kaya ako tumatakas saka sino bang nagasabi sayong tatakas ako? naghahanap lang naman ako ng...."
Naglumikot ang kanyang mga mata nagbabakasakaling makahanap ng palusot ng biglang napako ang mata niya sa CR na nasa di kalayuan sa loob ng opisina nito kaya naisipan niyang ito ang gawing palusot.
"ng..ng.. CR! Tama ng CR, naghanap ako ng CR! "
"Whatever Alibi that you will tell, hindi ako maniniwala sayo! Baka nakakalimutan mo na alam ko na isa kang ex-convict na kung di dahil sakin di ka makakalaya!"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito di rin siya makapaniwala sa isang to! Ang kapal ng mukha naman nito na ipamukha sakanya na isa siyang ex-con samantalang alam ata nito ang dahilan kung bakit siya nakulong! Diyosmiyo! Hindi siya kriminal!
"Mawalang galang naman ho, Alam ko rin na alam mo ang
dahilan kung bakit ako nakulong! Saka pwede ba sabihin mo na sakin kung ano talaga ang gusto mo, At ipinahuli mo pa talaga ako don sa mukhang goons mong mga tauhan! at please lang pakibilis bilisan kailangan ko na kasing umuwi dahil baka namimis na ako ng landlord ko at talagang uwing uwi na ako!"Pinandilatan niya ito dahil sa kagustuhang makaalis at makauwi na aba kahit naman ata inis na inis siya don sa epal niyang landlord na kulang nalang gawing canvas ang mukha sa sobrang kapal ng kolorete ay namimiss niya parin ito!
Masarap kayang makita ang umuusok nitong ilong kapag pinagtataguan niya sa tuwing sinisingil siya! Pero charing lang yon dahil hindi naman talaga umuusok ang ilong nito lumalaki lang ang butas.
"Okay! Lets talk then"
"Abah! Hindi pa ba tayo naguusap so nagkakantahan tayo ganun?"
Pamemelosopo niya rito.
"Niloloko mo ba ako?" magkasalubong ang kilay na tanong nito sakanya pero hindi niya ito titigilan, total kumukulo ang dugo naman niya dito kaya aasaran na niya ito ng bonggang bongga!
BINABASA MO ANG
Rk Montreal, The Ruthless Billionaire
RomanceIsang tanyag na negosyante sa lipunan sa Rk Montreal, Sa batang edad nito'y naturingan na siyang isa sa pinakamayamang negosyante sa pilipinas kung kaya't halos lahat ng mga kaedad niya'y kinaiingitan siya't kinaiilagan Pero sa kabila ng lahat nit...